-Ryched 14-

9 2 0
                                    

  Dumaan ang buong weekend ng wala masyadong nangyari. Wala kasi akong mayaya na samahan akong gumala. Busy Tita ko, tapos dalawa kong kakilala sa school ay bukod sa parehas lalaki, ay parehas ding GC na nag-aral lang mula Sabado hanggang Linggo. Alam ko dapat nag-aral na ako sa Physics kasi malapit na akong mag-exam, pero kasi, the lots of hours na wala akong gagawin(time) x the speed of my internet(speed) = di malayo ang narating ko sa inaaral ko(distance). Hanggang formula lang ng speed ang naaral ko.

  Start of the week na naman. For some reason, sinundo ako ni Shaun sa bahay namin. Di ko alam kung bakit. Pero hinayaan ko na lang, gusto ko rin namang may kasabay pumasok. Kung naging kami kaya ni James, araw-araw nya kaya ako susunduin? Siguro hindi. Lagi kasing late yun.

 "Bakit mo pala ako dinaanan Shaun?"

 "Ah kasi di ba dito din naman ang daan ko kaya naisip kong sunduin ka na lang para sabay na tayo. Kung ayaw mo, sabihin mo lang, ok lang sakin."

 "Hindi, ok lang, nakakagulat lang."

 "Hmm.. Nakakagulat pala ako. Ay, nabalitaan mo ba? Panalo daw sa first game ang Blahnians!"

 "Umagang-umaga Shaun, kailangan ipaalala sakin ang basketball team?"

 "Ay sorry. Akala ko matutuwa ka . At di lang naman tungkol kay James yun eh. Tungkol yun sa pagiging proud Blahnian ko kasi ang laking parangal ang binibigay ng pagkapanalo nila para sa paaralan natin."

 "Kailangan din may speech?"

 "Haha. Akala ko kasi talaga matutuwa ka sa news ko eh."

 "At bakit naman?"

 "Kasi, dahil panalo sila, magtatagal sila sa Batangas. At balita ko, thursday pa daw sunod nilang laban. Kaya kahit papaano, may at least 4 days ka na di sya makikita."

 "Wow. Talagang pinag-isipan mo yan ha."

 "Nakita ko kasi kung gaano ka nasaktan matapos nya gawin kung anuman ginawa nya sayo sa court. Concerned lang ako."

 "Salamat Shaun ha. Pero wag ka ng mag-alala. Ok lang ako. Seryoso."

  "Talaga? Whoosh. Buti naman. Kasi natalo talaga yung team tapos nakabalik na sila nung Sabado. Makikita mo na sya ulit."

 "WHAAAAAT?! Totoo ba yang sinabi mo? Oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh, oh my gosh! Si James! Makikita ko na ulit. Di pa ako ready, Shaun. HINDI PA."

 "Hahahahahaha! Joke lang. Ok lang daw sya o."

"*hinampas sa arm si Shaun* Nakakainis ka talaga! Naloka talaga ako dun kanina."

 "Hahaha! To naman, joke lang yun. At masakit yun ha. Minsan na nga lang ako mag-joke eh. Di na. Di na ko uulit."

"Dapat lang. Kasi di yun nakakatawa."

"Sorry. Pero wag ka mag-alala. Feeling ko mananalo pa sila ulit. Di pa agad sila uuwi."

"Hay, sana nga. Para sa ikararangal din ng school."

*nakarating na sila sa school*

"Speaking of school pala Ryched, next Friday ay meron kaming event. Founding anniversary ng school namin, natin pala, at magkakaroon ng dance. Bukod sa Founder's Day sya, inaasahang next week na daw matatapos yung tournament kaya baka maging victory party nila yun kung sakali."

 "Next Friday? Friday after this Friday? Birthday ko yun e. May plans sana ako, pero tingnan ko pa rin kung makapunta ako."

 "Oo. Sa October 4 yung event. Pero totoo? October 4? Birthday mo yun? Hmmm.."

 "Bakit? Anong meron sa bday ko?"

 "Wala. Wala. Ngayon lang ako nakakilala ng may birthday ng October 4 eh. May ginagawa kasi ako. Ang 365 birthdays challenge. Ang gagawin ko lang ay subukang makakilala ng 365 na tao na may birthdays ng lahat ng days sa taon. At sa ngayon October 4 na lang kulang ko sa October."

 "May nagsabi na ba sayo na di mo talent ang magsinungaling? Sabihin mo na kasi ang totoo."

 "Yun nga ang totoo. Ano naman ang di kapani-paniwala dun?"

 "Nung sinabi mo pa lang yung 365 birthdays challenge, alam kong kasinungalingan na yun. Sabihin mo na lang yung totoo."

 "Wag na. Ayoko sabihin."

 "Ay bakit naman?"

 "May kinalaman kasi kay James."

 "O e ano naman kung nadamay na naman si James?"

 "Hayy.. Sige na nga. Noong first year kasi kami, tinutulungan ko nun mag-check si Mam Sanchez ng test papers. Teacher sya ni James nun sa English. Sa exam, may bonus question na "What is your favorite day?" tapos sagot ni James ay "My favorite day is October 4 because someone I  really love person becoming happiness at that day which also make me happiness."

 "Ha? Yun lang pala eh. Sinabi mo lang na panget din English nya nung first year."

 "Pag binasa mo ng una, di mo magegets meaning nya, pero pag naisip mo yung thought behind that sentence, nakakatuwa. Perfect nga spelling nya dun eh. Di ko na alam kung ano nangyari ngayon. Siguro pagsasalita lang sya ng English nahihirapan."

 ""My favorite day is October 4 because someone I  really love person becoming happiness at that day which also make me happiness.""

 "Oo. Yun nga nilagay nya. Wala lang. Naalala ko lang. Yun kasi yung first time and last time na may narinig or nabasa akong something insightful galing kay James."

 *at nauna na si Shaun pumasok sa room nila*

   Haaa? Di ko pa rin gets. Favorite day nya ang October 4. Kasi "someone I really love person becoming happiness that day which also makes me happiness"? Ano naman ibig sabihin nun?

  OMG! Ibig sabihin ba nun, masaya sya na nagiging masaya ako pag birthday ko? Ang sweet naman! Bwiset ka James, pinapahirapan mo ako lalo magmove-on.

Still the OneWhere stories live. Discover now