-Ryched 9-

30 4 0
                                    

--The Next Day--

  5:45am. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1. Grabe...nakakapagod...mag- exercise...*hinga, hinga, hingang malalim, hinga*

  Pero kailangan para maging fit. At para di na rin ako huli sa PE. Araw-araw akong nage-exercise. 15 minutes tuwing umaga. Ang laking tulong na nun. Di na ako madaling hapuin.

*tapos na exercise at nagawa na lahat ng kailangan bago pumasok so pumasok na sya*

  Wow. Bakit parang may party dito or may parade sa school? Anong okasyon meron? September lang naman so alam ko wala. Ang daming decorations o. "Good luck Blahnians Basketball Team!" nakalagay dun sa isang banner. At meron pa: "Go! Fight! Win! Blahnian Blastulas!". Yun pala tawag samin. Blahnian Blastulas. Pumayag silang magpatawag ng ganun? Ang weird talaga ng school na ito.

"Ui, Shaun, anong meron? Bakit ang daming decorations? Anong okasyon?"

 "Ah, wala naman. May malaking send-off party lang kasi para sa basketball team. Pupunta sila sa Batangas para sa Regional Tournament."

  Basketball team? Siguro kung nandito nga si James, part sya nun.

"Ahh. Ilan members ng team nila? Kilala mo na silang lahat?"

"Bali, 12 silang lahat. Oo naman. Kilala ko lahat. Lahat ata ng estudyante dito kilala sila."

 "Sinu-sino sila? Curious lang. Para naman may alam din ako kahit papaano."

 "Hmm, players nila ay sina Patrick Pajo, Papa P for short; si Walter Mart Antenorio, seryoso pangalan nya yun; si Carl Kalanlang, the guy on fire daw kasi kalan; si Fritz Manzano, not related to Edu or Lucky; si Jesse Peñaflores, wala syang parang tagline; si Johnny Boy Mendez, kung may Papa P, sya naman daw si Tito Boy; si Anton Palabrenica, ang Machete daw sa team; si Robin Chiu, sidekick ni Batman; si Frank Millon, feeling milyonaryo, si Gian Montes, pinsan daw ni Julia Montes, si Xian Lim, ang tagline nya ay: Once you go LIM, your life won't be dim. Alam ko, nanggaling yan sa taong nasa last section pero nakakaisip ng ganun. At yung huli ay si..si..sino nga ba..wait..isipin ko lang..."

  Please be James.. Please be James..

"AHA! Si James Luna. Yun, naalala ko na."

  Whaaat?! Si James? Nandito nga sya! Nandito nga sya!

"Ahh. Ano naman parang tagline nya?"

 "Hmmm.. Kay James Luna.. Sabi ng maraming babae, alam mo naman siguro Harry Potter di ba? Si Luna Lovegood? Ayun, sabi nila Luna does love good. Parang mga ganun. Tapos parang James Yap din kasi sa bawat shoot niya, BOOM! Pasok sa puso mo.”

"*sa mahinang boses* Sabagay.. Nagbabasketball siya nung una akong magkacrush sa kanya.."

"Ha? Anong sinabi mo?"

 "Ay wala Shaun. Anong oras nga pala yung send-off party?"

 "Sa pagkakaalam ko parang uwian ata eh."

 "Ah, ok. Thanks. Tara, pasok na tayo."

  Grabe! Exciting neto! Di na ako makapaghintay ng uwian para makita si James. Ay, pwede naman sana tanungin ko kung anong section nya tapos puntahan room nila.. Pero mas maganda pag sa party ko na lang sya nakita. After 4 years, magkikita na ulit kami!

*uwian na rin! yay! nagpunta si Ryched sa basketball court*

  Grabe ang daming tao. Nasan kaya dito si James? Ayun! Si number 14, Luna. Siya na nga yun. Malapitan na nga.

*nakipagsiksikan si Ryched sa dami ng tao para malapitan lang si James na nakatalikod*

"*tapik tapik sa balikat* James? James Luna?"

Still the OneWhere stories live. Discover now