-James 4-

34 3 0
                                    

Ang last subject ko para sa araw na ito ay Filipino. Madalas akong mag-skip dun kasi ang boring nung klase (lahat naman ng klase ko boring pero eto ibang level). Ayaw din naman ni Sir na natutulog ako, kaya naalis na lang ako. Di naman ako pwede umuwi kasi papagalitan ako samin at pag nalaman ng school, malalaman din yun ni Coach at ayoko namang matanggal sa basketball team. Yun na nga lang nagpapasaya sakin eh.

Tuwing nagka-cut ako, hilig kong tumambay sa hagdan malapit sa make-out corner. Tahimik kasi dun. Makakapag-isip ka talaga ng maayos. Siguro kung dito ako pinage-exam mag-isa, baka Star section na ako ngayon. Wala masiyadong nadaan dito. Kaya magandang hiding place. Kung bakit di pa to tinatanggal ng admin, di ko alam, pero nagpapasalamat na lang din ako na hindi pa. Mahangin din dito. Kaya masarap din matulog. Sa mga di pa nakakaalam, open space ang make-out corner. Nasa sulok lang kasi ng school kaya corner. Hay, tama na nga ang kwento. Matutulog na ako. (sa mga nagtataka din, oo, kulang pa tulog ko sa library).

*basta nakaupo siya sa may hagdan tapos nakayuko habang nakatakip ang braso sa mukha*

Still the OneΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα