-James 7-

23 4 0
                                    

  Di na dapat ako papasok ngayon, pero pinilit ako ng Lola ko kagabi, kaya sinunod ko na lang din. Mahirap naman kung di ko sya sundin. Matanda na sya. Baka tumaas pa blood pressure nya dahil sakin. Ayoko namang mangyari yun. Mahal na mahal ko Lola ko eh.

  Ang gagawin ko na lang para di ko makita si Ryched buong araw ay:

 1. Papasok ng sobrang aga. (ibig sabihin ko dito ay 1 hour before the class starts. di ko pa yan ginawa buong buhay ko.)

 2. Magpaluto ng lunch kay Lola. (nag-drama lang ako kung gano ko nami-miss luto nya at pinagluto nya nga ako.)

 3. Bumili na ng snacks sa Mini Stop. (24 hrs. kasi sila bukas at convenience store nga eh)

 4. Bawasan ang pag-inom ng kahit na anong drinks. (para di na kailangan mag-CR.)

  Di ko alam kung bakit iniiwasan ko si Ryched. Siguro dahil hindi pa ako handang makita sya ulit. Di naman kasi ako Boy Scout na laging handa. Sa 4 years naming di nagkita, iisipin mong nakamove-on nako e no? Pero di pa rin eh. Hinding-hindi pa.

  Alam kong mangyayari't mangyayari din na magkikita kami. Pero ano ba naman yung patagalin ko pa ng kahit konti lang. Di pa kasi talaga ako handa. Di pa ako pwedeng mag-ala-Spongebob na "I'm ready!". Siguro pwede na sa susunod na linggo.

O sa susunod na buwan. O kaya ay sa susunod na taon. Kahit nga sa susunod na dekada pa, oks na oks sakin. Basta wag muna ngayong araw na ito.

  Ang lungkot pala pag sobra kang maaga. Wala pang tao kaya wala kang makakausap. Mabuti pa kaya matulog na lang ako. Pero hindi eh, di ako makatulog. Wala pang nagtuturo eh. Makagawa na lang kaya ng assignment. Ay, natapos ko na nga pala gawa ng hindi rin ako makatulog kagabi.

"James? O bakit ang aga aga mo ngayon?"

  Sa lahat nga naman ng pwedeng maagang pumasok, si Rhianna pa. Pwede namang si Krista, yung maganda sa section namin. O kaya si Marga at si Gabby nung kabilang section. Kahit nga si Ryched, mas pipiliin ko ng harapin eh. Kahit sino, wag lang si Rhianna. Nakakainis kasi sya eh. Siya yung tipong kahit lalaki ka, mapipilitan kang manuntok ng babae. Ganun syang nakakainis. Nung 2nd year kasi kami, nagkamali sya na ipagkalat sa buong school na kami daw. Niligawan ko daw sya sa text tapos nagkakahiyaan lang magpansinan sa school kaya daw ilang ako sa kanya. Di ko na sana papatulan at hahayaan lang sya, pero ang lakas pa ng loob at pumunta pa sa bahay namin. Nagpakilala sya na girlfriend ko sa Daddy ko pati sa Lola ko. Sinabi din nya na buntis daw sya at ako ama. Syempre pinagalitan ako nun. Ang rule kasi samin:

              Ok lang magsyota,

              Basta sami'y ipakita,

              Pero pag ibigan ay nagprutas

             Ikaw ay lalayas.

  Lola ko gumawa nan. Nakakatawa nga eh. Pero seryoso sya nung sinabi nya yan. Muntikan na nga akong palayasin nun eh. Pero sinabi ko na ipa-pregnancy test muna. At sabi ko din sa Daddy ko na alam ko namang lagi nyang tinitingnan phone ko, may nakita ba syang Rhianna dun. E di naman ako mahilig magbura ng sent items at messages. Pahiya lang si Rhianna nun tapos umalis na sya sa bahay. Balak pa nga ng Daddy ko na isumbong sya sa magulang nya eh. Pero sabi ko wag na lang. Hayaan na sya.

"Ui James! Anong ginagawa mo dito sa school?"

 "Paki mo ba Rhianna? Ano, makikipag-usap ka sakin tapos ipagkakalat mo na namang tayo?"

 "Bakit? Gusto mo ba na maging tayo? Game ako dyan!"

 "Hindi. Wag na wag mong gagawin yan. Wag mo na ding subukang gawin. Makalabas na nga muna. Sumama bigla ang hangin dito eh."

 "James! Ui, James! Wag mo naman akong iwan dito."

 "Mukhang sanay ka namang pumasok ng maaga eh. Di mo naman first time to na mag-isa. Bitawan mo nga ako. Lalabas nga sabi ako eh."

 "Ito naman. Hanggang ngayon ba di mo pa rin ako napapatawad?"

 "Hindi pa. At mukhang hindi na pag hindi mo pa ako tinigilan."

*lumabas na si James sa room at naggala-gala*

"Luna! I'm glad you're here early. May important announcement kasi ako."

 "Ano po yun Coach?"

 "Nakapasok kasi sa Regional Tournament ang team. Pupunta tayo sa Batangas, kung papalarin, for a few weeks para makipagcompete sa ibang school doon. Di ba exciting?"

 "Wow, Coach! Ang galing! Bakit po few weeks tayo dun kung papalarin?"

 "Mahigpit kasi ang labanan. 1 game lang ang matalo natin, uwi tayo agad. Wala na nung mga loser vs. loser. Puro win lahat dapat."

 "Di bale po Coach. Mananalo tayo dyan. Kailan po pala alis natin?"

 "Bukas na. May malaking send-off parade or party ang school para satin. Napaalam na pala kita sa Lola at Daddy mo. Game na game sila. Kaya mag-impake ka na mamayang gabi ha, hindi lang ng pang-basketball, pati na rin ng beach wear."

 "Sige po Coach! Sabihin ko na rin po sa iba pag may nakita ako."

 "Ok. Pero ako sabihin ko na rin sa iba para sure."

 "Ok po Coach. May practice po ba tayo mamaya?"

 "Wala. Rest day nyo na ang kahapon at ngayon. Kasi bukas, start na ng sobrang training nyo."

 "Sige po. Salamat po ulit Coach."

*bumalik na sa room si James. Bukod kay Rhianna, nandun na din si Xian at iba pang classmates*

"Hello."

 "Hi Xian."

 "Tungkol pala sa kahapon, tol--"

 "Wala yun pare. Wala na yun."

 "Pero James kasi--"

 "Sabi ngang wala na yun eh. Wag ka na nga mag-sorry. Di bagay sayo eh. Ang baduy. Ano, baka gusto mo pa ng hug."

 "Gago ka talaga. Salamat pre."

 "Ay! May maganda pala akong balita sayo. Ikaw, ako, yung buong basketball team, at Batangas. Ano game ka?"

 "Ha? Ano? Anong meron sa Batangas?"

 "Nakapasok team sa Regionals! Tapos Batangas gaganapin. Pwedeng one whole month na walang school, kung s-swertehin."

"Seryoso ka tol?!? Batangas?! Isang buwan!? Ano ko, tanga? Syempre game ako dyan!"

 "Ay sasama ka na? Di na pala ako sasama."

 "Hahaha. Walang ganyanan tol. Alam mo namang di ako mabubuhay ng wala si Daddy James sa tabi ko."

 "Tigilan mo nga ako."

*dumating na si Sir Cruz*

"Mr. Luna, may I have a word with you for just a moment please."

 "Yes ser. Wat is it you needed prom meh?"

 "I'm thinking you forgot to do something in the office? Remember? The skipping of classes? The reporting? That I will fail you if you didn't report yourself?"

 "Ser, you did not specipy the day. I thinks of reporting myself today so there would be more panishment. The more, the merrier. Right ser?"

 "I suppose I did not tell you the day... Oh well, today, Mr. Luna, you will report yourself."

 "Ok Ser."

 "Do it after my class. And no skipping today Mr. Luna. I'd be watching you."

 "Dats a lil' kreepy Ser. But ok, I will not skip today por you."

 "Go back to your seat Mr. Luna. Hearing you speak in English always give me a headache."

 "U-u-uh, Ser. You made an ungrammatical mistake. You sed give instead of gives."

 "Alright Mr. Luna. Just sit down will you?"

*magsisimula na ang class nila*

Still the OneWhere stories live. Discover now