-Ryched 5-

34 3 0
                                    

Paglabas sa hall na ito, san na nga ba ulit ako pupunta? Kaliwa o kanan? Nalimutan ko na sinabi ni Shaun eh. Hayy... Buti na lang kumuha ako ng mapa nung school sa library (yes, ganun kalaki school nila na kailangan ng map). Ui eto, pakanan daw. Sundin ko na lang ito.

*naglakad na siya sa kanan*

Hala! Mukhang eto na naman ata yung make-out corner. Bakit naman kasi dito na naman ako napunta. Sinundan ko naman yung mapa. San ako nagkamali?? Ui, ayun may tao sa hagdan. Baka pwede ko mapagtanungan.

"Uh, excuse me, alam mo ba ang daan papunta sa office?"

*nakatungo pa rin si James at hindi tinitingnan ang kausap kasi nga patulog na siya* "Nagtatanga-tangahan ka lang ba o ano? Sino ba naman ang maga-akala na ang office ay nasa make-out corner. Sabagay, may balita din na madalas daw dito ang principal pati yung secretary nya."

"Sorry ha. Sinundan ko lang kasi yung mapa at dito daw yung office."

"Ay, tanga nga. Ako di ako madalas makinig sa klase pero kahit ako alam ko na luma na yang mapang yan. 1994 pa. Ang laki na ng pinagbago nito simula nun."

"Ha? Ano yung sinabi mo? Di kita maintindihan eh. Pwede mo ba akong harapin?"

"Hindi. Matutulog yung tao tapos iistorbohin mo. *pasigaw na lang* Ang sabi ko kanina tanga ka."

"Kung pwede sana ituro mo na lang yung office, para hindi ka na maabala pa ng aking katangahan."

"E di bumalik ka sa pinanggalingan mo at kumaliwa ka. Hayy.. Naman. Hula ko nasa last section ka din tulad ko."

"Para sabihin ko sayo, nasa Star section kaya ako."

"Tsk. Tsk. Tsk. Di ko alam, bumaba na pala standards ng Star section. Nagpapapasok na sila ng mga tulad mo."

"E ikaw? Akala mo kung sino kang nagmamagaling e last section ka naman pala. Bahala ka na nga! Matulog ka na lang dyan. Kasi yan lang naman ang kaya mong gawin eh. Kahit makinig nga sa klase di mo magawa, maipasa pa kaya. Di nako magugulat kung panglimang ulit mo na kung ano mang year ka na ngayon."

"O, nalabas mo na lahat yun. Masaya ka na?"

"Oo. Sobra."

*walk-out na si Ryched*

Ang kapal talaga ng pagmumukha nung lalaking yun! Pasalamat siya hindi siya tumingala kasi kung nagkataon, baka nasampal ko na siya sa inis! Sorry naman kung nagkamali ako. Tao lang din naman ako.

*nakarating na rin siya sa office*

"Sino po dapat kong kausapin para po dun sa may mali sa schedule?"

"Wait lang miss ha. Eto, pakifill-upan mo muna to tapos tawagin na lang kita kapag may makikipag-usap na sayo ha?"

"Sige po."

"Maupo ka na muna dyan."

*matapos mafill-upan ni Ryched yung chuva tapos nabigay na at nakaupo na siya ulit*

Naku naman, may na-miss na akong klase. Bakit ba kasi di ko na-check ang schedule ko? Alam ko kung bakit. Nataranta kasi ako sa thought na baka dito napasok si James at pwedeng magkita kami. Pero baka nagkamali ako. So far, wala pa akong encounter sa kanya eh.

Still the OneWhere stories live. Discover now