-Ryched 7-

29 3 0
                                    

Never pa akong nagka-boyfriend. Unless i-count mo yung isang time nung first year ako na nakalog-in ako tapos naligo lang ako at pinakialaman na ni Rose (friend ko na nung time na yun ay pumunta siya sa bahay namin) yung fb ko at nilagay na nyang in a relationship ako with Clarence Cariño at ginawa nyang DP ko yung pic naming dalawa. Pinagpilitan kasi kaming i-love team gawa ng siya ang first at ako ang second honor samin. Ewan ko ba sa kanila. Pero binago ko agad yun pagkakita ko. Buti nga lang at hindi yun nakita ni Mama at Papa. Kung nagkataon, nako, lagot ako dun.

Isa lang naman ang ginusto kong maging boyfriend bukod kay Richard Gutierrez (grabe! Sobrang gwapo nya!) eh, si James. Ang aking bestfriend. Di ko nga alam kung bakit over the years hindi siya nakipag-communicate sakin. Lagi ko siyang tinetext, di siya nagre-reply. Lagi ko siyang mine-message sa friendster, ym, at e-mail nya, di rin siya nasagot. Sinubukan ko na rin siyang hanapin sa fb, mukhang wala pa siyang account nun. Para bang ayaw nya na akong kausapin. Wala naman akong ginawa. Di ko din alam. Huli kaming nagkita nung graduation ng grade 6. Pagkatapos nung ceremony ay pumunta kaming dalawa sa Mama ko para mag-picture. Tapos, nag-usap na ang Mama ko at Daddy nya. Habang hinihintay namin sila, nag-usap muna din kami.

 J:"Ui, aalis na daw kami. Lilipat na daw kami sa San Pedro."

 R:"San? San kayo lilipat?"

 J:"Oo San. San Pedro, Laguna."

 R:"Malayo ba yun dito?"

 J:"Medyo malayo daw sabi ni Daddy eh."

 R:"Ay, di na tayo magkaklase sa high school?"

 J:"Hindi na eh. Lilipat na din ako ng school."

 R:"Bestfriends pa rin ba tayo? Kahit nasa malayo ka na?"

 J:"Oo naman. Kaya nga best friends forever di ba? Di naman tayo best friends hanggang lumipat yung isa sa San Pedro di ba?"

 R:"Haha. Oo nga naman. Basta lagi kang magtetext ha."

 J:"Naku, ako pa. Madalas akong di nagloload kaya di ko mapapangako yan."

 R:"Ikaw talaga. Basta kahit anong mangyari, bestfriends pa rin ha?"

 J:"Oo naman. More pa nga kung gusto mo eh."

 R:"Ha?"

 J:"Ryched, mahal na mahal kita. Tandaan mo yan ha."

 R:"Mahal din kita James."

 J:"Talaga? *insert todo smile here* Sige, kailangan na naming umalis. Bye! Ingat ka palagi! Loveyou!"

 *tapos hinalikan ni James sa pisngi si Ryched bago tumakbo pabalik sa Mommy nya*

 R:"*pabulong na lang* Love you too."

At yun na ang huli naming conversation ever. Yes, saulo ko talaga yun. Verbatim yan. Hay, kada naaalala ko yan, di ko mapigilang mapangiti. At maisip na ang landi ko pala nung bata ako.

At sa tuwing naiisip ko naman na baka wala lang yun kay James, di ko naman mapigilan ang mapaiyak sa sakit. Kasi para sakin, first love ko siya.

Still the OneМесто, где живут истории. Откройте их для себя