-Ryched 12-

11 3 0
                                    

  Damang dama ko pa rin ang sakit ng kahapon. Pero kailangan ko pa rin na pumasok. Di naman kasi ako susulatan ng Tita ko na: "Please excuse my niece's absence last September 19, 2012. She's experiencing a heart condition called a broken heart." Basta, ganung chuva. At least madaling magpanggap na ok ako kasi wala naman sya.

 

*pagdating sa school*

 

"Ryched! Musta na? Hahatid dapat kita pauwi kaso inasikaso pa ng Student Government yung sa party eh."

 

"Di, ayos lang. Ok lang ako. At least mas ok kaysa sa kahapon."

 

"Ganun ba...Ahmmm...Musta naman na tutor si Nathan? Magaling ba sya? Mabait ba sya sayo? Ganun pa rin ba sya?"

 

"Gusto ko sanang sagutin yang mga tanong mo Shaun pero isang beses pa lang nya ako natuturuan eh. At di ko naman malalaman di ba kung ganun pa rin sya kasi di ko naman sya kilala dati. Bakit hindi mo na lang sya kausapin?"

 

"Ay, wag na lang. Di bale na."

 

"Bakit? Ano bang nangyari sa inyong dalawa?"

 

"Ha, a, wala. Walang nangyari."

 

"Shaun naman o. Sabihin mo na. Parang di naman tayo magkaibigan eh."

 

"Ah, e, kasi..basta. Sige ha. Alis nako."

 

  Ang weird talaga ni Shaun pag si Nathan na ang pinag-uusapan. Tapos winalk-outan pa ako.

 

"Psssst! Hey ya! Yes, you. The pretteh ladeh with the glasses."

 

  Huh? Ako daw? Pretty lady eh. Ako nga siguro yun. Sino na naman kaya ito.

 

"Bakit? Ano kailangan mo?"

 

"D'you really wanna know what happ'nd between Nathan mah man and Shaun mah clone?"

 

  Ano raw?!? Di ko gets.

 

"Ano? Nage-english ka pa ba?"

 

"Of course. Whaddya think of mah english? It's foolish? So what? You wanna know the story huh? The scoop? The inside edition?"

 

"Gusto ko sana pero kung galing din naman sayo wag na lang. Sino ka ba ha?"

 

"Huwwuuuuuuuuut? You no likey mah english? Deal or no deal with it. I'm Mon the Monster. And you must be Ryched with the pretty head."

 

"Ahh. Mon. Salamat na lang. Pero di ko na kailangan malaman story nila. Sasabihin din niya yun. Di pa nga lang ngayon."

 

"He never will tell, baby girl. You'll just waste yo time."

 

"It's my time to waste naman di ba? At paki mo ba?"

Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon