-Shaun 19- (woo! special chapter sa POV ni Shaun)

4 0 0
                                    

  Glasses. Check.

  Uniform:

    White shirt, polo, underwear, shorts, gray pants, white socks (not necessarily in that order ang pagkakasuot). Check.

    Tuck-in. Check.

    Shiny black shoes. Check.

    ID. Check. 

       Lace under collar. Check.

  Backpack. Check.

  Laman ng backpack: 5 books para sa subject ngayong araw: check; 2 novels na binabasa ko: check; 5 notebooks, at may 1 extra notebook: check; 6 ballpen (2 red, 2 blue, 2 black) at 6 pencil and a sharpener: check; pad papers (yellow pad, intermediate pad, 1/2 lengthwise, 1/2 crosswise, 1/4 paper) : check; rulers, compass, protractors: check; reviewers: check; correction fluid: check; payong: check. Kumpleto pala lahat ng gamit ko.

  Wallet. Check. Laman ng wallet: dalawang P500, limang P100, limang P50, limang P20, walong P10, sampung P5, at benteng P1. Sabi kasi ni Mama dapat daw magdala ako lagi ng P2, 000. Pera at barya daw. Di ko alam kung bakit pero sinusunod ko na lang din.

  Cellphone. Check. Load: ay post-paid nga pala ako. Kaya, check.

  Watch. Check. Anong oras na ba? Hala! Sa kaka-check ko sa gamit ko, di ko namalayan na 6:15am na. Male-late ako neto. Dadaanan ko pa si Ryched. Kailangan ko ng lumakad. Ay! Yung roses pa pala. Ok na. Ready na ako.

*naglalakad na papunta kela Ryched si Shaun*

  Dahil 6:15am na, makakarating ako kela Ryched ng mga 6:40am. Kung ready na sya pagdating ko, makakaalis din kami agad at maaabot ang school at approximately 6:53am. Kaya pa. Abot pa. Di pa kami late neto.

  Bakit 25 minutes ang lakad ko papunta kela Ryched? Ang totoo kasi nan, di talaga kami parehas ng daan ni Ryched papunta ng school. Galing sa school, mas mabilis ako makakauwi pag sa left ako dumaan. Kaso sa right ang daan ni Ryched kaya sinasamahan ko na sya. Pagkagaling sa bahay nila Ryched,  maglalakad pa ako hanggang sa susunod na kanto para kumanan at maglakad pabalik sa amin. So bale, parang umiikot pa ako pauwi imbes na derecho na lang. Ok lang. Wala namang problema sakin yun.

  Di ko ba alam kung bakit nung first day nagsinungaling ako kay Ryched at sinabing parehas kami ng daan. Siguro kasi after a long time, ngayon na lang ulit ako namangha. Namangha ulit sa babae. Namangha ako kasi kahit nakikita kong hindi nakikinig si Ryched sa mga klase, kapag nagku-quiz, halos magkaparehas kami ng score, minsan nga mas mataas pa sya eh. E ako, lagi akong nakikinig. Naga-advance study pa nga ako eh. Nung isang araw, tinanong ko sya kung pati din ba sya naga-advance study, sabi nya hindi. Lalo akong namangha. Tanda ko din nung first day nya, recite sya ng recite. Natuwa ako. Bukod sakin, halos wala ng ibang nagre-recite eh. Star section na yan ha. Kaya kahit marami akong lapis, nanghiram pa rin ako sa kanya para lang makausap sya at makipagkilala. Nung after lunch break nga eh, tapos di sya nakapunta sa English, nag-alala ako. San kaya sya napunta nun. Talagang hinanap ko sya. Tapos nung nakita ko sya sa library, di ko napigilan sarili ko at natawa ako. Natutulog kasi sya. Di ko nga alam kung gigisingin ko ba sya o tititigan na lang (ok, medyo creepy to kaya ginising ko na lang sya). Gusto ko nga din sana na ako na lang maging tutor nya sa Physics eh. Kaso ang dami kong extra-curricular activities eh. Bakit ko ba kasi tinanggap ang pagiging President ng The Blahnian Green Project(gardening club) at ng Blah Blah Black Sheep (support group para sa mga Blahnians na tinuturing na Black Sheep sa pamilya nila). E di naman ako marunong sa garden at di naman ako tinuturing samin na black sheep. Kung wala lang siguro yun, baka ako na tutor ni Ryched ngayon at di na si Nathan. Hay, si Nathan. Ano na nga ba nangyari samin? Dati naman bestfriends kami. Parehas pa nga kaming pinanglalaban sa mga quiz bee eh. As a team pa nga madalas eh. The Unbeatable Duo. Pero natalo ang friendship nung 3rd year. Dahil lang sa isang..

Still the OneWhere stories live. Discover now