-James 21-

10 0 0
                                    

   Yeaaaaaaah! Final na finals na talaga ngayon. Ngayon na talaga namin matatalo ang Waaaahnians.

  9am. Start na dapat. Bakit wala pa? Wala pa ang Waaaahnians.

  10am. Wala pa rin. Sayang. Dagdag tulog sana yung isang oras na yun. Wala pa din ang Waaaahnians. Dapat disqualified na yun ah.

  11am. Dumating na ang Waaaahnians. Di pa sila disqualified. Bakit?

"Coach! Bakit po—"

"Alam ko na sasabihin mo Luna. Di ko din alam bakit di pa sila disqualified kahit na 2 hours late sila."

"Whoa! Coach. Pano nyo po nalaman na yun ang tatanong ko? Sidekicks po ba kayo?"

"Psychic ata yung iniisip mo. At hindi, hindi ako psychic. Yun din nasa isip ko eh."

"Bakit di po kayo nagtanong sa committee?"

"Gusto ko sana pero mukhang kakadating lang din nila ngayon."

"Hala Coach! Na-sit ups po tayo! Tama po ba yun?"

"Na-setup. Hindi sit-ups. Exercise yun. Yan ba epekto ng kulang ang tulog sa English mo? At oo, mukhang na-setup nga tayo."

"Naku po Coach! Ganyan na talaga English nan kahit 24 hours pa yan matulog."

"Hoy Lim! Di ikaw kausap ni Coach. At may mas seryoso tayong problema. Sinet-up tayo ng Waaaahnians. Teka, san na si Coach?"

"Andun na oh! Kinakausap yung Waaaahnian Coach."

*eksena dun sa paguusap ng 2 coach*

"What's your problem Waaaahnian? You set us up!"

"Haaa? Ano yun Blahnian? Anong set up?"

"You know what I'm talking about. Sabi nyo 9am ang laban eh 11am pa pala!"

"Ayyy, di ko ba nasabi sayo? Whoooops. My bad. Galingan nyo na lang sa laban. Wahahaha!"

*umalis na si wala akong maisip na pangalan kay Blahnian coach at bumalik sa team*

"Ok Team. I don't care what it takes, basta talunin nyo yang Waaaahnians na yan! Hands in everyone. Blahnian blastulas on three. One. Two. Three."

"*lahat* Blahnian blastulas!!!"

*2nd quarter na*

  Whoo! Nice start. 28-19 ang score. Kami nauuna. Akala ng Waaaahnians ha. Ginalit nila ang blastulas, pwes, galit namin ang matitikman nila.

*4th quarter na*

  Yeaaah! Pinasok si Kalanlang nung 3rd quarter. At talagang he's on fire. Sunod-sunod na tres na-shoot nya. 55-43 na ang score.

*end na ng game*

 

  Waaaaaaaaaaaaaaaah! Yesss! Panaloooooo kami!!! Woooooh! 78-73 pa rin ang score. Pero panalo pa rin kami! Wahahahaha! Samin ang huling halakhak talaga. Iyak si Dave! Hahaha! Ang saya saya talaga! Talagang we can party!! 

  Mag-1pm na natapos ang laban namin. Kumain muna kami (buffet) tapos nagbihis at naligo kaya mga 3pm na kami nakaalis ng Batangas. Woot! We're ready to partyyy!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon