-James 10-

18 4 0
                                    

  Di ko na nakita si Ryched. Bumalik na lang ako dun sa party, pero di ko na feel ang magsaya. Dumating na ang oras para kami'y umalis na kaya sumakay na kami sa Blahnian Bus na dadalhin kami sa Batangas.

  Yung pagsabi nya ng goodbye kanina, parang ayaw na nyang may kinalaman pa sa akin. Parang goodbye na talaga. Pero hindi. Hindi ako papayag. 4 years hinintay ko at inisip kung anong gagawin ko ulit pag nakita sya. At hindi ito yun. May ilang weeks din ako para pag-isipan kung anong gagawin pag nagkita ulit kami. At sa pagkakataong iyon, handa na ako.

 

"Woy Luna!"

 "O, Papa P, bakit?"

 "Bakit abot tenga ngiti mo dyan? Wag mong sabihing nagtatago ka ng chicks samin ha."

 "Ha, hindi. Basta. May naisip lang ako."

 "Ikaw? Nag-iisip? Ano, may balak pang malipat sa Star section? Hahaha!"

 "Ganyan talaga yan Papa P. Nung isang araw pa yan nag-iisip eh. Akalain mo yun, nag-cut sya para mag-isip."

 "O, Lim the Dream, Xian the Super Saiyan, totoo ba yang sinabi mo?"

 "Oo, Papa P. Sana nga nagbibiro ako pero hindi eh. Totoo."

 "Anak ka ni Jordan, oo. Luna? Anong pumasok sa isip mo at nag-iisip ka na? May pumasok na bang utak?"

 *nagtawanan buong team*

 "Bakit ba parang ang laking deal sa inyo na nag-iisip ako? Ano namang masama dun?"

 "E kasi naman, last time na nagsabi kang nag-iisip ka, natalo tayo sa isang game. Kaya ayaw naming nag-iisip ka. Nasisira game mo."

 "E, iba yun. Iba ngayon. Wag nyo na nga lang akong problemahin."

 "Sige. Sabi mo eh. Basta pag umuwi tayo ng maaga, ikaw lang sisisihin namin."

   Bahala na nga sila. Basta ako mag-iisip na lang dito.

Still the OneWhere stories live. Discover now