-James 11-

15 3 0
                                    

  Gabi na nung nakarating kami ng Batangas. Ang laki ng tiwalang binigay samin ng school kasi sa hotel pa kami mag-stay. Dapat lang. Ang mahal ng tuition namin eh. Sa kasamaang palad, dito din mag-stay ang Waaaah Institute of Science and Health, WISH para maikli. Ang dati kong school sa Cavite. Sila din ang rival school namin pagdating sa basketball. Pero every year, walang laban ang Waaaahnian Warriors sa Blahnian Blastulas. Lagi silang natatalo. Kahit dati ko yung school, wala akong kilalang player sa kanila. Lahat kasi sila bago. Puro ni-recruit ng school galing public schools. Ang yayabang ng mga Waaaahnians. Lalo na yung Dave Carandula.

 

"O, Luna the lubricious, nandito ka pala."

 

  Huh. Lubricious. Yun na ang tinawag ni Dave sakin nung pangatlong beses na namin sila natalo. Balita ko talagang hinanap nya pa sa dictionary yun. Nung hinanap ko din yun, malibog pala ibig sabihin.

 

"Sigurado na bang kayo ang panlaban ng Cavite? Wow. Tapos dito pa kayo pinagstay? Sayang lang pera nila sa inyo ah. Ay sabagay, dito na kayo pinagstay kasi alam naman nilang maaga din kayo aalis."

 

"Ha-ha-ha. Ang laking pinag-improve ng sense of humor mo Luna ah. Akalain mo yun, nakakuha ka ng tatlong ha sakin. E dati hanggang dalawa ka lang."

 

"Sino na kaya ang tatawa sating dalawa kapag natalo na namin kayo?"

 

"Huh. Wag ka ngang mayabang dyan. Teka, teka, teka lang ha. Naririnig mo yun? Parang tunog yun ng tawa ko ah. Kasi kami ang mananalo at hindi kayo. Kaya samin pa rin ang huling halakhak. Hahaha!"

 

*nagtawanan na din ang Waaaahnians at umalis na*

 

"Nakakainis talaga yung Dave na yun."

 

"Oh chill lang parekoy. Relax muna tayo. Anong meron tayo na wala sila pare?"

 

"O ano naman yun Xian?"

 

"Ang penthouse suite pare! Yeahboy! Tara na, bilis."

 

*at umakyat na sila sa penthouse suite at ginawa whatever it is boys do pag magkakasama sila sa isang room*

Still the OneDär berättelser lever. Upptäck nu