-James 15-

3 1 0
                                    

  Woohoo! Game 2 na. At ngayon, handa na kami. Handa na kaming pumatay ng mga lamok. O kaya ay pabalikin na sila sa pinanggalingan nila. Halos puro foreigners ang players ng Moshi Mosquitos ng Moshi Moshi International School. Nakakagulat lang nung una na si Johnny na pinakamatangkad samin ay kasing tangkad lang ng pinakamaliit nila. Pero wala sa height yan. Nasa paglalaro yan. Mananalo kami dito. Di pa kami uuwi.

"Ok team. Di ko inakala na ganito sila katatangkad. Pero di bale na. Gamitin din natin ang tangkad. First five sa game na ito ay sina Luna, Antenorio, Lim, Mendez, at Pajo. Basta gawin nyo lang yung plays na napractice natin pag binigay ko yung signal ha."

"*lahat sila* Yes Coach!"

"Ok. Hands in. Blahnian Blastulas on three. One. Two. Three."

"*lahat ulit* Blahnian Blastulas!!!"

*2nd quarter na ng game*

  Bakit ganito? Tambak kami. 19-38 ang score. Mahahabol pa ba namin to?

Announcer: "Ok. Time-out ang Blahnian Blastulas."

"Team? Ano ng nangyari? Bakit kayo natatambakan? Mosquitos lang yan. Blastulas kayo. Sila fixed na lamok na, samantalang kayo, you have the potential to become something bigger or even greater than them. Kaya nga kayo naging blastulas eh. Di pwede to. Gawin natin ang microlecithal strategy. Luna, Antenorio, Mendez, Pajo, Lim upo muna kayo. Sina Palabrenica, Montes, Manzano, Millon at Chiu ang kailangan para dito."

Johnny, Patrick, James, Mart and Xian: "Yes Coach!"

"Ok guys. Game na."

  Yes! Ang galing talaga ni Coach. Tama. Microlecithal strategy ang dapat gamitin dito. Sa strategy na to, yung maliliit na players ang kailangan. Pati rin yung mabibilis kailangan dito. Dahil matatangkad ang Moshi Mosquitos, di sila ganung kaliksi gumalaw. E sila, dahil hindi sila ganung katangkaran, mas mabilis sila at di madaling mapapagod. Nung una kasi, pag kami nina Xian, Patrick, Johnny, at Mart, ang laban ay matangkad sa matangkad. Kaya kami nahirapan.

Announcer: "Back to the ball game!"

*after na ng game*

  Panalo kami! Woot! Yes! Natalo namin ang Moshi Mosquitos! Final score 85-74. Kahit nagkaproblema ang team sa pag-block ng mga tira, nanalo pa rin kami. Di nila natanggap ang pagkatalo nila ng maayos kaya pagkatapos nung laban ay derecho uwi na sila. Galit na galit Coach nila eh. Hindi na nga sila pinagpahinga at pinasakay na agad sa bus. Hindi nga rin sila nag-shower e. Haha. Gud lak sa ilang oras nilang byahe na magkakasama sila at magkakaamuyan.

"Nice game James!"

"Vice versa Anton! Ikaw nagdala sa buong team kanina ah."

"Ha? Hindi ata ganun paggamit sa vice versa tol."

"Ah ganun ba? Haha! Pasensya naman. Narinig ko lang sa Moshis yun kanina eh. Good game na lang Anton. Good game."

"Hahaha! Basta tulad pa rin ng laro ko kanina ang laro ko sa susunod, sigurado akong mananalo tayo."

"Oo naman. Mananalo tayo dyan."

"Ay, balita ko panalo din Waaaahnians sa game nila kahapon at ngayon. Di na nga ako makapaghintay na makalaban natin Waaaahnian Warriors eh."

"Maganda ngang di pa natin sila nakakalaban. Ibig sabihin, finals na natin sila makakaharap."

"Oo nga tama. Mas epic kung ganun. Parang kung pelikula, may tagline tayong the epic conclusion to the Regional Tournament series. Haha!"

"Loko ka talaga. Di ka pa ba magiging kahoy ulit Machete?"

"Naku porket Luna loves good lang ginaganyan mo na ako. Sige na, puntahan ko na muna si Coach at pilitin kong isama ako sa first five at tanggalin ka na. Haha."

"Haha. Manahimik ka na nga lang dyan."

 Monday na ulit sunod naming laban tapos pag nanalo ay Miyerkules na ang Finals. Kailangan naming manalo dito. Hindi ako papayag na Waaaahnians ang manalo.

Still the OneWhere stories live. Discover now