-Ryched 15-

2 1 0
                                    

  Thursday na ngayon. Wala sina Nathan at Shaun ngayon kasi sinali sila sa mga quiz bee. Si Shaun ang pinanglalaban ng school sa MATHira MATHibay Competition na ginaganap sa Biñan, Laguna at si Nathan naman para sa Let's Get PHYSICScal Quiz Bee sa Sta. Rosa, Laguna. Elimination Round pa lang kaya next week pa malalaman kung nakapasok ba sila sa susunod na round o hindi. So alone ako ngayon. Kaya stay muna sa library for lunch. For some  reason, wala pa akong ibang nagiging kaibigan bukod sa kanilang dalawa. Oo, nakakausap ko yung iba kong classmates, pero wala pa yung as in friends talaga. Siguro kasi bawat isa sa kanila may sari-sarili ng circle of friends, at nakakahiya namang biglang papasok na lang ako. Naaalala ko tuloy friends ko sa Cavite. Di ko na sila madalas makausap kasi mas nagiging busy sa schoolwork. Siguro mas maganda kung mag-aral na lang ako para sa Physics exam ko bukas. Binigay na din sakin ni Nate yung ginawa nyang reviewers para sakin. Nakakainis nga lang kasi akala mo kung sino sya kung makapanlait ng sulat e panget din naman sulat nya. Di ko masyado maintindihan.

  Di ko pa din naiintindihan kung bakit sila nagkagalit ni Shaun. At kung ano kinalaman ni James dun. Ayoko na ulit tanungin si Nate kasi baka magalit lang sya at ayoko na ding ipakwento kay Mon, kasi magagalit lang din si Nate. Ayoko ng ipilit, ayokong mapagkamalang chismosa.

"Hi!"

  Speaking of chismosa, eto na naman si Marga na kinausap ako dati tungkol kay James.

"Hi Marga. Di ko alam, napunta ka rin pala dito sa library."

"What's that suppose to mean? Ako? Di napunta sa library? Fave place ko kaya to. Anyways, musta ka na?"

"Ok, sabi mo eh. Ayos lang naman ako. E ikaw, bakit mo pala ako pinuntahan dito?"

"Me and my friends are studying kasi when I saw you. Gusto sana kita i-invite sa table namin, if you don't mind."

  Wow. Eto na yung hinihintay ko oh. Mga pwede kong maging friends. Puro babae pa. Pero para bang may nagsasabi sakin na wag ako sumama sa kanya. E ano ba naman magagawa nya sakin, high school student lang din naman sya.

"Ah, hindi na lang. Baka maistorbo ko lang pag-aaral nyo."

"No, I insist. Sama ka na sakin."

"Ah, eh, busy din ako dito eh. Mahirap pang ilipat ko mga gamit ko."

"Naku naman Ryched. This is a once in a lifetime opportunity na i-invite kita tapos tatanggihan mo lang."

"Sige na nga. Sama na ako sayo."

"Yay! Tara, dun kami sa may dulo nakaupo."

*paglipat na dun sa table*

"Hi girls! Eto pala si Ryched oh. Ryched, this is Jasmine, Lianna, and Kyla."

"Ah, hello sa inyong lahat."

"Sige na Ryched upo ka na. So girls, ano na ba subject natin?"

Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon