-Ryched 16-

4 1 0
                                    

  Friday. First exam ko na sa Physics. Wala pa rin sina Shaun at Nate. Dahil nagka-technical difficulties quiz bee nila kahapon, oo, parehas nilang quiz bee at may buzzer chuva pa silang nalalaman, hindi pa rin sila makakabalik ngayon. So alone kong haharapin tong exam na to. Kaya ko to. Super helpful ng notes ni Nate. Di ko nga alam bakit kailangan pa nya akong i-tutor e mas naiintindihan ko pa notes nya. Excused ako sa first class ko para i-take yung exam. Nakaka-pressure nga kasi sa Principal's Office ko ite-take yung exam. Wooh. Kaya ko to.

 "O Rych, upo ka na dyan. You'll just need your ballpens, graphing papers, ruler, and pencil. Eto na exam mo. You have 1 hour and 30 minutes to finish. You don't need a calculator pala kasi alam kong magaling ka na sa Math."

   Wow. Walang calcu kasi ine-expect ng Principal magaling ako sa Math. Dagdag pressure ulit ha. Umalis si Principal Ramirez at iniwan akong mag-isa. So pwede pala akong mandaya dito eh. Pero hindi. Hindi ako ganung tao. Maipapasa ko ito gamit ang utak ko lang at di na kailangan pang magkodigo. Ok. Question # 1. What branch of science deals with matter and energy and their interactions? Ang dali naman nito. E di Physics. Question # 2. Give the formula to compute for speed. E di speed=distance/time. Kung puro ganito ba naman ang tanong, e di kaya ko na itong i-perfect. Sana si Nate na lang pinagawa nila ng exam, mas mahirap pa.

*after the exam*

 "Rych, I'll have the results for your first exam on Monday."

 "Sige po. Thank you po Principal Ramirez."

   Wooh! Tapos na din first exam. Grabe, yung simula lang pala madali. Pahirap ng pahirap yung mga tanong eh. Pero in fairness, lahat naman yun naturo ni Nate. Kung wala man sa notes nya, nabanggit nya naman. Magaling nga syang tutor.

  Balik na ba ako sa room? Ay, kailangan ko pa palang mag-CR.

*sa isang CR stall si Ryched tapos may dumating na mga gurlzz at naririnig ni Ryched usapan nila*

 "Haha! Ay Marga, sino pala yung Pearl na kinukwento mo kay Ryched kahapon?"

 "Ha? Yun? Bakit?"

 "Paano ka naman magkakabestfriend dito e bagong lipat ka lang nung June dito?"

 "Wag ka na ngang magulo Kyla. Ang ingay ingay mo ha. Basta. Wag mo na lang akong pakialaman."

 "Sorry naman. Curious lang."

 "Mga tulad mong nasa last section ay di dapat nacu-curious. Dyan ka na nga!"

 *umalis si Marga*

"Di kailangang manakit Marga ha!"

*lumabas si Ryched sa stall*

Still the OneWhere stories live. Discover now