-James 18-

2 0 0
                                    

  Game 3. Yeah, baby. Tapos neto final game na. Kaya itong game na ito ang magsasabi kung aabot ba kami sa finals o hindi. Ang makakalaban naman namin ay ang Keber-keberlan Kwek-kweks ng Keber-keber University sa Batangas. Bakit umuulit pangalan ng university nila? Keber daw. Walang pakialamanan. Kung makita nyo lang mascot nila. Hahaha! Kawawa yung taong nakasuot nun eh. Mga tao pala. Bale yung costume nila, may apat na orange na malalaking bilog na magkakatabi(kwek-kwek) tapos may nakatusok na stick sa gitna. Hahaha! Mas maganda pag nakita ng personal eh.

"Tinatawanan nyo ba mascot namin ha?"

  May lumapit na mga Keber-keberlans samin kasi nakita kaming tawa ng tawa. Si Patrick ang sumagot sa kanya.

"Oo, bakit? Akala ko ba keber lang sa inyo? Bakit ngayon may paki na kayo pag tinatawanan namin?"

"Yabang mo Pajo ha. E mascot nyo nasaan?"

"Blastulas nga kami di ba. Microscopic. May microscope ka bang nakatago dyan sa kwek-kwek nyo? Labas mo na ng makita mo mascot namin. Hahaha!"

"Huh. Sige tawanan nyo lang mascot namin. Mamaya mapapaiyak na kayo nan."

"Bakit? Tutusukin kami sa mata ng stick? Hahaha!"

"Hindi. Kasi tuwing titingnan nyo na yung mascot namin, maaalala nyo na lang na tinalo namin kayo tapos iiyak na kayo. Hahaha!"

*umalis na yung mga Keber-keberlans*

"Alam nyo guys tama sya eh. Mapapaiyak tayo nung mascot. Mapapaiyak sa sobrang tawa! Hahaha! Benta talaga ng mascot nila eh."

"Oo benta. Dapat ng ibenta. Hahaha!"

"Ang tanong Johnny, may bibili ba? Haha! Mas tanga pa sa tumawag sating blastulas yung tumawag na kwek-kweks sa kanila eh."

"Team! Dito na kayo. Magsisimula na yung game."

"Coach! Nakita nyo na po ba mascot nila? Hahaha!"

"Yes Pajo, nakita ko na. Haha. Nakakatawa pa rin. Pero mag-ingat kayo, dahil sa kakatawa namin nung panahon namin sa kanila, natalo kami. Na-distract kami. Lalo na noon, nagsasayaw pa yung kwek-kwek nila. Mahirap na, baka may bagong gimik sila ngayon. I need your 100% concentration sa game. You need to focus team."

"*lahat sila* Yes Coach!"

"Wag magpapatalo. Gusto nyong makalaban Waaaahnians di ba? Narinig kong nanalo daw sila sa game nila kanina kaya finalist na sila. Game. Blahnian Blastulas on three. One. Two. Three."

"*lahat ulit* Blahnian Blastulas!"

  Ok. Game. 100% concentration. Bwahaha! Ang hirap eh. Nakakatawa talaga mascot nila eh. Start na ng game. Sa kanila ang bola. Shet. Yun nanakaw ni Xian. Pinasa sakin. Papunta na ako sa ring namin. Eto na, ishu-shoot ko na. Pucha, ano yun, nagsasayaw ang kwek-kweks. Bwahahaha! Pero na-shoot ko pa rin ang bola. Yes! 2-0. Ha. Akala nila ha. Di kami magpapatalo sa kanila.

*4th quarter na ng game*

  Mahigpit ang laban. 78-77 ang score. Nakaka-distract talaga mascot nila. Pero maipapanalo namin to. Ayan, na sakin na ulit ang bola. Ishu-shoot ko na ulit ang bola. P*ta, ano nanaman yun?! Tumalon yung mga kwek-kweks tapos natumba sila. Hindi sila makatayo. Bwahahahahaha! Ay, badtrip. Di nashoot yung bola. Nakuha tuloy ng Keberlans yung bola. Ok. Focus na. Pero, bwahahahahaha! Di pa rin sila makatayo. Di ko talaga mapigilan yung tawa ko.

*tapos na yung game*

  Woohoo! Buti na lang nanalo pa rin kami. Dahil sa sobrang tawa ko, binangko na ako ni Coach at pinalit si Peñaflores. Seryoso kasi si Jesse. Di madaling natatawa sa tulad ng mga nasayaw na kwek-kweks. Bwahaha! Benta pa rin eh. 96-92 ang final score. Yesss! Abot na kami sa finals! At Waaaahnian Warriors kalaban namin. Di kami papayag na sila ang manalo kaya humanda sila.

--Tuesday--

Still the OneWhere stories live. Discover now