-Ryched 19-

2 0 0
                                    

--Wednesday--

  Yay! Parehas na kaming may date ni Shaun. At least masaya na din si Gabby dahil sya na date ni Shaun. Si Nathan or Nate para astig kaya may date na? Matanong na lang sya mamaya.

*uwian na ulit at nasa canteen sila*

"Nate! Ha! On time ako ngayon. Saktong 3pm pa lang."

"Bravo Ryched. Ano? Gusto mo bigyan kita ng award? Ng trophy? Ng ribbon? Kasi it's such an achievement para sayo na on time ka eh."

"Ang taray mo talaga. Minsan tuloy nagdududa ako kung lalaki ka ba talaga eh."

"Lalaki ako ah. At hindi ako mataray."

"Alam ko naman yun. Niloloko lang kita. Ano na pala lesson natin ngayon?"

"Napansin ko na advanced pala ako sa tinuturo sayo. So may practice exercise ako para sayo. Isang tanong lang sya. Pero I'll give you the whole session to answer."

"1 lang. Pero dahil ikaw gumawa, ine-expect ko na sobrang hirap nito."

"Hindi. I find it very easy to answer. Kahit ikaw, kaya mo sagutan yan basta alam mo na isasagot mo."

"Sige na nga. Let's get this over with."

"Eto na. Sagutan mo na."

  Ok. Wooh. Kaya to. 

Question # 1. How much force would it require if you have a ballpen with a mass of 30g and you write with an acceleration of 1 meter/hour to answer the question below?

  Will you go to the Basket Ball with me?

  ____ Yes

  ____ No

  If No, how much force do I have to use on you to make you say Yes? :)

  Haaaaa? Seryoso tong tanong na ito? Tiningnan ko si Nate at nandun lang sya. Nakayuko tapos namumula.

"Ah, Nate, ano ibig sabihin nitong pinapasagutan mo sakin?"

"Ha? Bakit?"

"E kasi...ok lang sana...pero may date na ako eh."

"Ha? Ay bakit? Ano ba yang nabigay ko sayo? Patingin nga. *kinuha papel kay Ryched* Ay sorry, namali lang ako ng bigay. Para to dun sa isa ko pang tinuturuan. Sige, alis nako ha. You're dismissed."

   Again, haaaaa? Kung nagkamali lang pala sya ng bigay, bakit nagmamadali sya na umalis? Ewan ko ba sa kanya. Makauwi na nga lang. Stalk James' profile na lang gagawin ko. Di ko ba alam kung bakit ko pa ginagawa yun, e nasakit lang ulo ko kada may status sya na English. And let me tell you, madami syang status na English. Buti na lang din walang Who's Viewed My Profile ang Facebook. Kasi kung nagkataon, nakow, pagtingin ni James, puro pangalan ko siguro makikita nya. Pero ok lang din pala. At least sa ganun, mapapansin na nya ako.

Still the OneWhere stories live. Discover now