-Ryched 8 & James 8-

29 4 0
                                    

-Ryched 8-

  Waaaaaaaaaah! Grabe! Di ko inakalang male-late nako. Tinanghali na kasi ako ng gising. Di bale na. Better late than never. Go lang sige. Math lang naman yung first subject namin. Kayang kaya kong habulin ni-lesson nila. 5 minutes. 10, 15. 15 minutes late ako. Naku, baka pagalitan na ako.

*pagpasok ni Ryched sa room*

"Oh, Ryched, alam kong magaling ka sa Math pero sana naman pumasok ka on time sa klase ko."

 "Sorry po Mam Robles. Di na po mauulit."

 "Siguraduhin mo lang kasi sa susunod di na kita tatanggapin sa klase ko. O sige na, maupo ka na."

*pag-upo sa tabi ni Shaun*

"O, bakit late ka? Kanina pa kita hinihintay. Tatawagan sana kita eh, kaso wala nga pala akong number mo."

 "Ah, tinanghali lang kasi ako ng gising. 8am kasi pasok ko dati. Di pa ako sanay ng 7am."

 "Ganun ba? Sige. Ay sabi pala ng Principal lunch break ka na lang daw dumaan sa office nya."

 "Ah, ok. Salamat."

*lunch break tapos pumunta na sya sa office*

  Bakit kaya lunch break na ako pinapunta dito ni Principal Ramirez? Siguro may meeting sya mamayang hapon.

"Good afternoon po Principal Ramirez."

 "O, Rich. Buti nakarating ka na. Lunch break kita pinapunta kasi may lakad ako mamayang hapon. Nahanapan na pala kita ng tutor. Si Shaun sana kaso nakita kong puno na ang schedule nya with academics and extra-curricular activities. Ang nahanap ko sayo ay si Nathan Valderio. Wala sya sa Star section but I assure you, magaling sya sa Physics. Nakausap ko na sya kanina and he said that he'll meet you after class sa canteen."

 "Sige po. Thank you po ulit."

 "Oh, it's nothing. It's the least I can do for you. Do you have any other questions?"

 "Ay, meron po bang naga-aral dito na James Luna?"

 "*nagtetext si Principal* Wait, what? Can you repeat your question?"

 "May naga-aral po ba ditong James Luna?"

 "Oh, I'm sorry but I have to take this call. Next time mo na lang itanong ha. Sige. You may go. --Oh, hello! Yes, I'm still working but I can leave now. I was just talking with a...--

*umalis na si Ryched sa office at bumalik na lang sa room nila*

"Oh, Ryched! Kamusta pakikipag-usap sa Principal?"

"Ok naman. Nathan Valderio daw magtuturo sakin. Sana nga ikaw na lang eh. At least kilala na kita."

 "Seryoso? Pumayag si Nathan. Wow. Ibang-iba na sya ngayon. Gusto sana talaga kitang turuan, kaso busy talaga ako eh."

 "Ok lang. Naintindihan ko naman. Ay bakit, sino ba si Nathan?"

 "Huh? Ah, wala. Schoolmate lang. Hindi kasi siya masyadong masalita. Nakakagulat lang na magtu-tutor sya."

 "Ahh. Anong section ba sya? Di daw sya Star section eh."

 "Sa last section sya. Sige ha, may kailangan pa akong gawin."

  Hmmm.. Bakit parang ayaw pag-usapan ni Shaun si Nathan?  Sigurado ako may dahilan naman sya. Di ko na lang tatanungin, baka magalit pa sa akin.

*Author's note: after class na. boring kasi classes nila kaya di ko na kkwento.*

  Uwian na. Sa canteen daw kami magkikita ni Nathan. Mukhang wala pa sya dito. Ang alam ko same time naman kami ng uwian. 3pm. 3:30pm wala pa rin. Hayyy..

"Excuse me, Miss Monteverde?"

 "Ay, Ryched na lang. Ikaw ba si Nathan?"

 "Di pa tayo first name basis ha. It's Mr. Valderio to you Miss Monteverde."

 "Ah, sorry. Bakit ka natagalan? Late ba kayo pinalabas sa klase?"

 "Ang alam kong sinabi ko ay after class. I did not say a specific time. And technically, it is still after class. Am I right Ms. Monteverde?"

 "Ah, e, oo, tama nga. I just assumed na you meant 3pm."

 "Ah, you just assumed. You did not prove it. Para lang yan sa Physics. The physicists did not just assume that to every action there is an equal and opposite reaction, they or he, rather, proved it."

 "Sorry Mr. Valderio."

 "*tawa lang ng tawa si Nathan* Hahahahahahahahaha!"

 "Ahm, bakit ka natatawa Mr. Valderio?"

 "E kasi nakakatawa ka eh. Hahaha! Naniwala ka agad sakin."

 "HAAAA?"

 "Wala ka bang sense of humor? Niloloko lang kita kanina. Di bagay sakin strict eh."

 "Ha?"

 "Let's start over na lang ha? You can call me Nathan or Nate na lang para astig. Gets mo na Ryched?"

 "Ah, oh, ok. Sige."

 "Bukas tayo mags-start ng session. 3pm. Magdala ka ng papers, notebooks, ballpens, pencils, rulers, graphing papers, calculators. Kailangan mo lahat yun. Di ko na din uulitin. Sige na. Aalis na ako. Goodbye, Ms. Monteverde."

 "Ingat ka din Mr. Valderio."

  Ang weird ng sense of humor nya. Pero nakakatawa, in fairness. Di ko inexpect yun.  Pero grabe. Parang mas matagal pa ang paghihintay ko kaysa sa usapan namin. Di bale na lang. Uuwi na ako.

-James 8-

  Wooh! Buti na lang di ko nakita si Ryched. Mukhang effective steps ko ah. Buti na lang din aalis na kami bukas. Di ko na kailangan pumasok ng maaga ng ilang weeks din. Hay, buti na lang. Ang masama nga lang ay dahil late ko na-report pag-skip ko ng class, kailangan ko tuloy maglinis ng canteen ng 1 linggo. Pero napakiusapan ko naman sila na pagbalik na lang namin yung parusa ko at di na ngayon. Ay! Kailangan ko na pala mag-impake. Ano bang kailangan dalhin? Damit (pambahay at pang-alis), brief, jersey, rubber shoes, medyas, toiletries, tuwalya, ay! beach wear. Mukhang eto na lahat. Kung may kailangan pa ako, maaalala ko din yun mamaya.

Still the OneWhere stories live. Discover now