-James 20-

3 0 0
                                    

  Aaaaah... Thursday pa lang ngayon. Bukas pa ulit yung laban. Nagpahabol ng saglit na practice si Coach para sa final game bukas laban sa Waaaahnians. Ano pa ba pwedeng gawin? Yung iba ngayon pa lang namimili ng souvenirs nila. Ako, nung isang araw pa ako bumili. Nung pumunta kami sa beach. At kanina din bago magpractice. Ah, alam ko na. Matawagan muna Lola ko. Miss ko na sya eh.

*ring ring*

"Hello? Hello? Sino to? Kung ito yung maniningil ng utang, hindi ito ang Luna residence. Wrong number kayo."

"Hello? La? Si James po ito. Ano po yun? May utang tayo?"

"Ha? Wala. Binibiro lang kita. O iho? Napatawag ka."

"Haha. Si Lola talaga. Wala lang po. Nami-miss lang kita."

"Naku, kaya pala nasasabihan ng mga babae na bolero. O, kamusta mga laban?"

"Haha. Totoo naman pong miss na kita Lola eh. Ayos naman po mga laban. Nakaabot po kaming finals. Bukas po ng umaga laban ulit. Bukas na din po uwi namin."

"Mabuti naman. Pasalubong ko ha. O, may iba ka pang kailangan?"

"Ay, Lola, pwede po pahanda ng tuxedo ko?"

"Wag mong sabihing may nabuntis ka dyan at papakasalan mo na?"

"Hindi po Lola. Hindi po. Meron po kasing dance bukas sa school, e formal attire daw po."

"Ah, yun lang ba. Walang problema. Born ready ata ang tuxedo mo."

"Haha. Si Lola talaga. Palabiro."

"Hindi. Born Ready talaga tatak ng tuxedo mo. Di ko alam kung bakit yun ang pinili mo."

"Haha. Salamat po Lola. E kayo po kamusta na?"

"Ayos lang naman. Nakita ko pala yung.. ano nga ba pangalan nun? Ah, yung Ryched."

"T-talaga po La? Ano po sabi sa inyo?"

"Kumain sya dito. Tapos sinabi kong gusto mo sya."

"Lola?! Ano po? Bakit nyo naman po ginawa yun?"

"Aba, sinisigawan mo na Lola mo ngayon ha. At yun naman ang katotohanan ah."

"Sorry po. Pero kasi galit po ata sya sakin eh."

"Ay hindi. Gusto mo bigyan mo ng cookies ko. Nagustuhan nya kanina eh. Masarap daw."

"Sige po. Kung may magagawa po kayo bukas eh, bakit hindi?"

"O, sige sige na. Magpahinga ka na. Matutulog na din ako. Galingan mo paglalaro ha."

Still the OneWhere stories live. Discover now