-James 6-

31 3 0
                                    

"HOY LUNA! Bakit mo naman ako iniwan mag-isa sa Filipino? May balak ka pala mag-cut di ka man lang nagsabi? Akala ko ba walang iwanan?"

 "Drama mo Lim. Kailangan ko lang talaga umalis sa school. Kailangan ko mag-isip."

 "Ano? Teka, teka ha. Kailangan ko na atang linisin tenga ko. Ikaw? James Marvin H. Luna, certified bulakbol, kailangan umalis sa school at pumunta sa basketball court, para mag-isip? Hahahaha! Anong kalokohan to pare?"

 "Yun na yun nga ang sinabi ko. Anong problema dun? Nakakapag-isip ako dito eh."

 "Sige na nga tol. Patulan ko na yang trip mo. Ano naman kailangan mong pag-isipan ha?"

 "Bakit di mo sakin sinabi na Ryched pala yung bagong estudyante?"

 "Oo. Richelle nga. Sinabi ko yun ah."

 "Hindi Richelle. Ryched. D yung dulo."

 "E nagkamali ako ng rinig. O e ano naman? Konting pagkakamali lang magagalit ka na agad sakin. Akala ko ba wala kang paki?"

 "Hindi mo kasi naiintindihan pare eh."

 "O e di paintindi mo sakin. Maiintindihan ko yan, basta walang math. Wag mo sabihin sakin pare ex mo yun? Di ko alam, type mo pala ang ma-curvature. Hahaha."

 "Di bale Xian. Wag na lang. Usap na lang ulit tayo bukas. Kailangan ko ng umuwi."

 "Ui James, joke lang. Ikaw naman, parang di na mabiro."

 "Sa ngayon hindi. Sige na alis nako."

 "Oy, sayang naman. Inimbita ko pa naman si Mon bago ako pumunta dito. Sabi nya magdadala raw siya ng chicks na type mo."

 "E di sayo na lang. Type mo naman din ang type ko di ba?"

 "Tungkol pa rin ba to kay Julie? Akala ko ba ok na tayo dun."

 "Oo naman. Ok na ok kasi sakin ang naaagawan ng girlfriend eh. Oo, sobrang ok tayo dun pare. BFFs pa rin tayo."

 "Di ko siya inagaw sayo pare. Di naman siya naging sayo eh. Ni hindi mo nga niligawan di ba? Tapos sakin ka pa galit."

 "Ayoko ng pag-usapan to. Uuwi na lang ako."

 "Sige umuwi ka na. Hindi mo kasi matanggap na ako pinili nya at hindi ikaw."

 "Hindi naman yun pare eh. Di mo kasi sakin sinabi na gusto mo din pala siya. Magpaparaya naman ako eh. Ang masama lang ay sa kanya ko pa nalaman na nililigawan mo din pala siya. Uso maging honest nung panahong yun pare."

 "Ei guys! Laging tandaan, di lang to basta lunes, this is Mon-day!!! What is up?"

 "Oi Mon. Paalis na ako. Kayo na lang ni Xian tumambay dito."

 "Aw, c'mon man. Don't leave yet. The party's just gettin' started!"

 "Di na. Tulungan ko na lang lola ko sa bahay. Ingat na lang kayo."

 "Oh-kay, man. But come with us next time, ayt? How 'bout you pretty boy Xian, you comin'?"

 "Di na rin. Uuwi na lang din ako. At tumigil ka na nga sa kaka-English. Nakakabwiset."

 "Nah, nah, nah. You can't make me stahp the English. It helps me get the gurlzz. They think I'm from anotha country or somethin'."

 "Bahala ka na nga. Alis na ako dito."

 *pag-uwi ni James sa bahay*

 "La? Lola? Nandito na po ako."

 "O, iho, bakit ngayon ka lang nakauwi, nag-alala tuloy ako sayo."

 "Pasensiya na po Lola. May ginawa lang po para sa school."

 "Mm-hmm. Para sa school. E tumawag nga yung school dito at sabi nag-cut ka daw. Tapos di ka pa nag-report sa office. Hay nakung bata ka, di ko alam gagawin ko sayo."

 "Sorry po La. Di na po mauulit."

 "Sa tagal-tagal mo ng sinasabi na di ka uulit, di na ako naniniwala. Basta pumunta ka sa office bukas ha? Sige na magbihis ka na at maghahapunan na tayo."

 *nagbihis na siya, naghapunan na sila, at nasa kwarto na nya siya*

 Di ko inakala na ang araw na ito ay hindi tulad ng iba. Di ko inakala na mahuhuli ako sa pag-cut, nahuli ako. Di ko inakala na magaaway kami ni Xian, nag-away kami. At lalong di ko inakala na makikita ko ulit si Ryched, nakita ko ulit.

Graduation day nung grade 6 nung huli kaming nagkita bago lumipat pamilya namin dito sa San Pedro. At simula din nun, wala na kaming naging contact. Ite-text ko dapat siya, kaso nawala cellphone ko at di ko nasaulo number nya. Ime-message ko dapat siya sa friendster, kaso tinanggalan kami ng internet sa bahay nung nahuli si kuyang nanunuod ng porn. Susubukan ko sanang sulatan siya, di ko naman alam sasabihin ko. Di rin kami binibigyan ng pera nung bagong lipat kami. Kaya di rin ako makapagcomputer shop. Pinapabaunan na lang kami ng pagkain araw-araw nun. Nung isang time na nakaipon ako ng sapat na pera galing sa barya-baXiang binibigay ni lola, nagcomp-shop ako nun, fb na pala uso. Patapos pa lang first year nun. Kinailangan ko pang gumawa ng account. Kaso nung pipindutin ko na ang "Add as Friend" button sa account ni Ryched, nakita kong "In a Relationship" na siya. "With Clarence Cariño" pa nga ang nakalagay eh. Tapos profile pic nya pa yung magkasama silang dalawa. Mukha nga siyang masaya eh. Nawalan na ako ng lakas na i-send pa yung friend request. Kaya hindi na lang. Siya, bakit hindi siya nag-effort na makipag-usap ulit sakin? Akala ko bestfriends kami. More pa nga sana kung di kami lumipat.

3rd year na ako nung nagkaroon ulit kami ng internet kasi college na si kuya. Na-deactivate na pala account ko nun kaya gumawa na lang ulit ako ng bago. Hindi ko na na-add si Ryched. Ayoko ng bisitahin ulit profile nya. Masakit.

Still the OneWhere stories live. Discover now