-Ryched 2-

72 5 0
                                    

Sa wakas, lunch na rin. Hindi naman dahil sa gutom ako, pero kasi nakakatamad mga klase dito. Di naman sa pagmamayabang pero napag-aralan ko na lahat yan sa dati kong paaralan. At least ngayon, may chance na akong i-tour yung campus. Ngayon lang magkakatime eh. Sana mahanap ko yung library at siguradong magugustuhan ko yun.

 "RYCHEEEED!!"

 May tumawag sa pangalan ko?! Wow, impressive. Tama yung pagkasabi. Ahhh, si Shaun pala. Natakbo papunta sakin. Ano kaya habol nito?

 "Ui, Ryched, *hingang malalim*, hintayin mo naman ako, *hingang malalim*, ang bilis mo kasi maglakad, *hingang malalim*, nahirapan akong habulin ka. *hinga, hinga, hingang malalim, hinga*"

 "E bakit mo ba kasi ako hinabol?"

 "Ayaw mo bang mag-lunch sa canteen? San ba ang punta mo? I doubt na may ka-meet ka agad dyan sa make-out corner na pupuntahan mo."

 "MAKE-OUT WHAAAAT?!?! Hindi ako pupunta dun no. Hinahanap ko ang library. Gusto ko magbasa."

 "Pwes hindi dyan ang daan. Dun pa sa kabila. Halika na, baka kung ano pa isipin ng mga tao."

 "Sige. Salamat ha."

 "Sus wala yun. Ako nga pala si Shaun."

 "Ah, medyo alam ko na yun-"

 "Bakit? Ini-stalk mo ko?! Sabagay, medyo sikat din ako dito kaya ang daming nakakakilala sakin. Dami ko nga tarpaulin sa labas eh. Dami ko ng naipanalong quiz bee para sa school nato. Di nako magugulat kung pati sa labas kumalat na rin ang kagalingan ko."

 "Ha? Ah, hindi. Nagpakilala ka na sakin kanina sa room nung nanghiram ka sakin ng pencil."

 "Ay ganun ba? Pasensiya na. Isipin mo tuloy ang yabang ko."

 "Ayos lang yun. San na ba yung library?"

 "Eto. Andito na tayo. Sige ha, gusto sana kitang samahan sa loob kaso may meeting pa kami ng Student Government. Governor kasi ako."

 "Hindi. Ayos lang. Salamat pala. :)"

 Wow. Yun lang ang masasabi ko sa library nila. Ang laki laki tapos punung-puno ng libro. Napuno ang puso ko ng kasiyahan na ngayon ko na lang ulit nadama. Haha, ang drama. Ganun ko lang kasi ka-gusto ang mga libro. Ang daming pwedeng pagpilian. Sigurado na ako na ito na ang favorite place ko sa campus.

Still the OneWhere stories live. Discover now