-James 17-

1 0 0
                                    

   Sobrang saya ng beach trip namin kahapon. Ang daming pagkain, napalipat ng beach ang Waaaahnians (di ko alam kung bakit, pero buti na lang din, haha), at ang daming chicks na naka-bikini. Akalain mo yun, kahit September, dami pa ring napunta sa beach. Ang dami ding nagpa-picture sa akin lalo na nung nag-shades ako, di ko alam kung bakit, akala nila siguro si Richard Gutierrez. Haha. Di ko din naman sila masisisi kasi gwapo talaga ako, artistahin talaga. Bumalik na kami sa hotel ng Sabado ng umaga. Yes! Wi-fi. Badtrip, nauna si Xian sa laptop. E isa lang nagdala samin.

"BFF, halika dito. Tingnan mo tong announcement ni Prince Epal sa FB oh."

 "Bakit BFF, anong sabi?"

 "Di daw October 4 Founder's Day natin. September 4 pala. Hahaha! Ambobo eh. Ngayon lang napansin."

 "E di wala na nung dance?"

 "Meron pa rin. Formal dance daw in honor sa panalo, or talo, pero mas malamang sa panalo natin."

 "Formal dance pa rin? Ano ba yang si Prince Epal."

 "Oo. Nakalagay dito kasi daw baka yung iba nakabili na ng formal attire. At tingnan mo to, Basket Ball pa yung tawag. Hahaha!"

 "Hahaha! E di rin naman kilala Principal natin sa pagiging malikhain sa paggawa ng theme sa dance. Oi, pwede pa-OL din ako."

 "Saglit lang. Like ko lang post na to. O ayan, ikaw na. Sige, ayusin ko na muna gamit ko."

*umalis na si Xian*

"Ui Xian! Di mo pa nilog-out account mo. Akala mo magpo-post ako dito. *typing* "Bakla talaga ako. I labyu habangbuhay @James Luna." Hahaha!"

*matapos i-post, nilog-out na ni James account ni Xian*

"Hmm.. E-mail: Jameslovesyou14@yahoo.com Password: **********"

*pagkalog-in*

"Woi Xian! Ano tong pinost mo? Hahahaha!"

*tumakbo papunta kay James si Xian*

"Gago ka Luna ano ginawa mo? Punyeta, anong labyu labyu ka dyan?!"

"Wag kang mag-alala Lim. Mag-comment din ako. "ay may iba na akong mahal pare eh. joke lang. labyu 2. haha. :* <3"."

"Baliw ka talaga."

"Kaya nga tayo besprens eh."

"Pag nakita ni Julie yan..."

"Sa tingin ko mas ok kay Julie na ako sinabihan mo ng labyu kaysa sa ibang babae dito sa Batangas. Tingnan mo oh, ni-like pa nya."

"Bahala ka na nga. Mag-aayos na ulit ako ng gamit."

*umalis na ulit si Xian*

  Woy, dami kong friend requests oh. 237?! Isang linggo lang ako di nag-online. Ganun talaga ako ka-owsam na madami gustong makipagkaibigan. Haha. Saka ko na i-accept to. 

  Search: Ryched, ui lumabas na agad pangalan nya. Maganda pa rin si Ryched. At bolero pa rin ako. Haha. Yesss! Single ang nakalagay. Pwede pa. Wala sya masyadong posts nung week na ito. 

  Teka, ano to, post nya nung September 19, Thursday, kinabukasan nung send-off party: "I'm broken, can you hear me, I'm blinded, 'Cause you are everyhting I see. Haha. <3"

  Alam ko na dati pa na deep si Ryched. Di ko naisip na na-broken si Ryched dahil sa ginawa ko. Tapos may "Haha." pa sya. Broken, tapos natawa. Hala, naging baliw na ata. Ano ba tong ginawa ko?

Still the OneHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin