-Nathan 19- (woo! special chapter din with POV ni Nate!)

7 0 0
                                    

*labas na ng school*

  Nakakahiya. Sobrang nakakahiya kay Ryched yung ginawa ko. Kasi bago sya. Oo, tama. Yun nga. Kasi bago sya at wala pa masyadong kakilala kaya ko sya tinanong ng ganun. Yun. Yun ang dahilan bakit ko ginawa yun. Hindi dahil may iba pa akong dahilan. Tama. Pag nagkita ulit kami, yun ang sasabihin ko.

*bump*

*nahulog lahat ng papel at libro na hawak ni Nate kaya lumuhod sya para kunin yung nahulog at nakayuko sya*

"S-sorry nabangga kita."

"O-ok lang. *pagtingala ni Nate, si Shaun pala yun* Ui, Shaun."

"Nate. Akin na, tulungan kita."

"Hindi. Wag na. Kaya ko na to."

"Hindi. Sige na tulungan na kita."

"Sabi ngang wag na di ba. Kayo ko na to sabi eh."

"S-sorry ulit. Di ba tutor ka ni Ryched? At hanggang 4pm kayo?"

"Ano ba pakialam mo ha? Sige na, aalis na ako."

"Teka, may nahulog ka pang papel oh. *pinulot ni Shaun yung papel tapos binasa* A-ano to Nate? Ikaw date ni Ryched sa Basket Ball?"

"Akin na nga yan. *kinuha papel kay Shaun* At hindi, hindi ako date ni Ryched. At kung ako man, ano naman yun sayo? Hindi naman kayo ah."

"Pero kasi..."

"Ano? Gusto mo sya?"

"Oo. Gusto ko si Ryched. Bakit? Wag mo sabihing ikaw din?"

"Oo. Gusto ko din sya. Bakit, aagawin mo na naman sa akin?"

"Hindi ko nga inagaw si Chelsea sayo!"

"Wala akong panahon para sa mga kasinungalingan mo! Alam mo bang ngayon na lang ulit ako napalapit sa babae ng ganito? Tapos ano? Malalaman kong gusto mo lang din? Di ko nga alam kay Chelsea kung ano nakita sayo eh. Siguro kailangan nya ng bagong damit tapos uutuin ka nya na mag-shopping. Sabagay, uto-uto ka naman talaga kasi."

"Wala ngang nangyari sa amin ni Chelsea! At anong ako uto-uto? Ikaw ang nagpauto kay Chelsea dyan eh! Nalaman kong ginagamit ka lang nya para ma-distract sa quiz bee. Alam mo namang galing syang Jejeje High di ba? Ang rival school natin sa mga quiz bee. At di nila tayo matalo-talo kaya ginamit nila si Chelsea para akitin ka para di ka mag-aral. Nung nalaman ko yun, kinausap ko si Chelsea na tigilan ka na nya. Yun yung pinag-uusapan namin nung nakita mo kaming magkasama. At tanda mo naman din nangyari nung year na yun di ba? Dahil sa katangahan mo, natalo tayo, ang Unbeatable Duo, at napalipat ka sa last section!"

"*sinuntok si Shaun* Walang kinalaman si Chelsea dun! At di ako uto-uto! Di rin ako tanga. Nagpatalo ako kasi yumayabang ka na. Masyado ka ng nagmamalaki sa lahat kasi lagi tayong nananalo. Tingin mo na sa lahat, bukod sa akin, bobo. Nagpalipat ako sa last section kasi ayaw na kitang kasama."

"*sinuntok din si Nate* Loko-loko ka pala eh! Alam mo ba, dahil sa talong yun, di ko na makukuha yung Perfect Blahnian Scholarship para sa college?"

"*sinuntok ulit si Shaun para makabawi* Gago ka pala eh! Akala mo ba ikaw lang nawalan? Ako din! E alam mo namang mas kailangan ko yung scholarship di ba?"

(Author's Note: O di ba, polite sila kasi pinapatapos muna speech nung isa bago suntukin. hahaha)

 

*ayan, nagsuntukan na talaga sila hanggang sa di na nila kaya manuntok. konting suntok lang kinailangan kasi di naman sila ganung kalalakas*

"Kung totoo yang sinabi mo kanina Shaun tungkol kay Chelsea, bakit hindi ka sa akin unang lumapit?"

"Sinabihan na kita Nate. Tapos tanda mo sinabi mo sakin nun? "Selos ka lang kasi ako may girlfriend at ikaw wala! Gusto mo pagwapuhin kita tulad ko para magka-girlfriend ka?" Tapos tinawanan mo na ako."

"Tapos ano? Dahil tinawanan kita inagawan mo na ako?"

"Ang mali ko lang na nagawa noon ay nagkulang sa babala sayo. Di ko naging kasalanan sayo ang pang-aagaw ng girlfriend."

"Isipin mo na kung anong gusto mong isipin. Basta sa akin, inagawan mo ako noon, at di na ako papayag kay Ryched ngayon. Akin sya Shaun. Akin."

"Ok lang sana, pero hindi lang naman ako ang kaagaw mo eh. Good luck sa karibal mo. Hahaha. Aray, sinuntok mo pala ako sa tyan. Ang sakit pag natawa."

"Buti nga sayo. At sino naman yun?"

"Si James Luna. Patay na patay si Ryched kay James eh. May past na sila eh. Mag-bestfriends. Baka ibang past isipin mo eh. Sige na Nate, iwan na kita. Papagalitan na ako dahil sa mga sugat at pasa ko eh. Ayoko ng pagalitan kasi gagabihin ako. Basta tandaan mo lang, kung kailangan mo ng kaibigan, nandito pa rin ako."

"Bakit handa ka pa ring maging kaibigan ko ulit matapos ng ginawa ko sayo?"

"Nasuntok mo na ako eh. Nalabas mo na lahat ng galit mo sakin. Sorry kasi kinailangan din kitang suntukin. At isa pa, I never stopped being your friend, even if you stopped being mine.”

*umalis na si Shaun ng nahihirapang maglakad pero bago tuluyang umalis..*

"Nathan. Birthday pala ni Ryched sa Friday. Baka gusto mo lang malaman."

"S-salamat Shaun."

*umalis na talaga si Shaun*

 

  James? James Luna? Bakit sa lahat pa ng taong pwedeng makalaban, ang tinuturing pang "Campus Heartthrob" ang makakakumpitensya ko? Aray. Ang hirap tumayo. Bakit si Shaun madaling nakatayo? Mahina ba suntok ko? Kahit payatot si Shaun, masakit suntok nya kasi puro buto ang tumama sakin. Aray. Ang sakit talaga. Ang hirap din maglakad. Ay, kailangan ko pang bumili ng regalo para kay Ryched. Ano kaya maganda? Makakapunta ba ako sa mall sa lagay kong ito? Mukhang mahirap ata. Gagawa na lang ako ng regalo para kay Ryched. 

  At kahit na handa ng maging kaibigan ko si Shaun, ako, hindi pa. Kaya hindi na muna. Aray. Ang sakit talaga ng katawan ko. Kaya note din to self: Wag makipagsuntukan sa mga payat. Or specifically kay Shaun.

Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon