-Ryched 6-

42 3 0
                                    

Kinakabahan ako. Alam kong wala akong ginawang masama, pero nakakakaba parin ang pumasok sa Principal's Office. Kung bakit siya ang kailangan kong kausapin para sa schedule ko, di ko alam. Pero yun ang rules nila eh. Sundin ko na lang. Nakita ko na rin dati ang principal nila. Si Principal Ramirez. Mabait siya. Sa itsura pa lang nya, di mo iisipin na niloloko nya asawa nya kasama nung secretary. Ay, ewan ko ba. Bakit ba ako naniniwala dun sa lalaki sa may hagdan kanina ? Siguro naman niloloko lang ako nun.

OMG! Dahil Principal nga pala ito, pwede ko siyang tanungin kung may napasok ba ditong James Luna. Para na rin mapanatag na loob ko.

 "Good afternoon po, Principal Ramirez."

 "Oh, good afternoon din. You must be Lyzze Monteverde? Sorry, I know we've met before, but I just can't remember how to pronounce your name. I'll just save myself from embarassment and call you Lyzze. If that's alright with you."

"O-ok lang po sana kaso Liz din po tawag sa Mama ko eh. Rich na lang po kung ayaw nyo pong mahirapan."

 "Ah, sige. O, Rych, what brings you to my office? Wag mo sabihin na first day mo pa lang eh, you've got yourself into trouble agad. I don't think you're that type of student."

"Ay naku, hindi po. Tungkol lang po kasi sa schedule ko, ang alam ko po kasi nasabi ko po sa inyo na nakapag-Chemistry na po ako. Tapos nakalagay pa rin po sa schedule ko ay Chemistry."

"Let me see that. Hmmmm, from what I remember, ang sinabi mo sakin ay nakapag-Physics ka na. At Chemistry ang hindi. Hmmm, as of now kasi puno ang mga Physics class eh. Mga Physics teachers dito ay ayaw magturo kapag more than 30 na sa class nila gawa ng sobrang ingay na daw nun, so hindi kita pwede ilagay dun. At, they have plenty of group activities at gusto nila ay pantay-pantay ang members ng isang group at walang sosobra. Sa ngayon, you still have to go to your Chem class. I'll just find you someone who can teach Physics either every break or uwian mo, or tuwing weekends. How does that sound?"

"Wala po bang kahit anong Physics class na pwede? I mean, I'm still thankful po na hahanapan nyo po ako ng tutor, pero kasi medyo ayaw ko pong kunin ang Chemistry ulit."

"I completely understand Rych. Pero kasi sa ngayon talaga eto lang ang magagawa ko eh. Punung-puno lahat ng Physics classes and besides, it's the middle of the year, you might have a hard time catching up. The last you said, ang huli mong naabutang topic sa inyo ay tungkol sa free fall, right? Sobrang lampas na kami dun. Hindi naman sa pagmamayabang but, we have an amazing Physics program. Talagang we make sure that if you pass our Physics class, di ka lang pasang-awa, that this would be your highest grade for the whole year."

"S-sige po. Maraming salamat na lang po."

"I'm really sorry for the inconvenience this might cost you. I would still find you that tutor. Basta balik ka na lang dito bukas after class mo and then I would have a tutor for you. You may leave now."

"Ok po. Maraming salamat po ulit."

"It's no problem at all. If there's anything else I can do for you, sabihin mo lang."

"Ay, wala na po. Salamat na lang po ulit."

*umalis si Ryched sa office ng principal na malungkot at pauwi na*

"UI! Ano ng nangyari sayo? Nakita kong kakalabas mo lang sa office ng principal, so I guess nakausap mo na sila tungkol sa schedule mo?"

"Ikaw na naman Shaun? Ano bang gusto mo ha? Bakit ba lagi ka na lang biglang nasulpot sa tabi ko? Tapos ngayon eto susundan mo pa ako pauwi. Wala ka bang ibang kaibigan na pwedeng kamustahin? At ng hindi puro ako ang iniistorbo mo? Iwan mo na nga lang ako!"

"S-sorry ha. Gusto ko lang namang makipagkaibigan eh. Alam ko kasi kung gaano kahirap ang maging bagong estudyante sa isang malaking school at lalo ng mahirap pag wala ka pang kaibigan. Naisip ko lang kasi na baka kailangan mo ng pwedeng maging kaibigan, at dahil yung iba ay not so welcoming, naisip kong ako na lang. As for sinusundan kita na pauwi, nagkakamali ka. Nagkataon lang na dito din daan ko."

"Ay naku, Shaun, sorry. Sorry talaga sa nasabi ko. Badtrip lang kasi talaga ako kanina eh. Alam kong di sapat na dahilan yun para magtaray pero-Basta, sorry talaga. Ikaw na nga lang naging mabait sakin buong araw eh. Salamat pala."

"Naku, wala yun. Bakit ka pala badtrip? Kung ok lang na tanungin ko."

"Hayyy.. Grabe, una, yun nga, may nagnakaw nung notes ko sa History. Pangalawa, may lalaking ang kapal ng mukha na sinabihan akong tanga, at, pangatlo at pinakanakakabadtrip sa lahat, kailangan ko pa ding kunin yung Chem kasi puno daw lahat ng Physics class."

"Ahhhhh.. Ngayon naiintindihan na kita kung bakit ka nagtaray. Sobrang hirap na nga ng Chemistry tapos uulitin mo pa. Nakakabadtrip nga. Siguro pagkatapos nito, pwede ka ng maging chemist."

"Ha-ha. Hindi no. Hindi mangyayari yan. Ang gusto ko ay maging doktor, hindi chemist."

"Alam mo parehas tayo. Magiging doktor din ako in the future."

"Pero ayaw mong mag-doktor?"

"Oo eh. Gusto lang kasi ng mga magulang ko, kaya pinipilit ko na ring magustuhan."

"Kung ayaw mo, e di wag. Kung anong gusto mo, paglaban mo. Ano ba ang gusto mo sana?"

"Ang gusto ko talaga ay maging lawyer. Kaso ayaw nga ng magulang ko kasi gusto nila gumaya ako sa kanila. Parehas kasi silang doktor."

"Ganun ba? Baka kailangan lang nila ng time. Baka pumayag din sila. Anong kukunin mong course sa college?"

"BS Bio. Or kahit anong pre-med."

"Kung kahit anong pre-med lang din pala, bakit di ka na lang mag-PolSci? Pag natapos mo at di pa rin sila pumayag na mag-law ka, pwede ka pa rin namang mag-med school."

"Talaga? Pwede yun?"

"Oo naman. Search mo pa kung ayaw mong maniwala sakin. Sige, eto na bahay namin. Sorry pala sa kanina ha at salamat din. Ingat ka sa pag-uwi!"

"Sus, wala nga yun. Sige, bye! Ingat ka din sa pagpasok sa bahay nyo. Baka madapa ka. Haha."

"Hay nako, umuwi ka na nga lang."

"Sige. See you tomorrow!"

*pagpasok sa bahay*

"O, Ryched, kamusta first day?"

"Ok lang naman po Tita. Nakakainis nga lang kasi kailangan ko pong i-take ulit ang chem."

"Ha? Gusto mo kausapin ko ang principal?"

"Ay, hindi na po. Nakausap ko na. Hahanapan na lang daw po nya ako ng tutor sa Physics."

"Ahh. Sige na umakyat ka na at magpahinga. Gagawan muna kita ng meryenda."

"Salamat po Tita."

Grabe, sobrang nakakapagod ang araw na ito. Nakaka-stress, first day pa lang, pano na kaya pag sa mga susunod na araw pa? Ay! Di ko pala natanong kung may James Luna dun. Di bale, bukas na lang. Makagawa na nga lang ng assignment.

Still the OneWhere stories live. Discover now