-Ryched 17-

4 1 0
                                    

"Ryched! Ryched! Bumangon ka na! May mga bisita ka."

  Anu ba yan. Sabadong sabado gigisingin ako ng maaga (yes, maaga pa ang 11am para sakin). Ito na nga lang time ko para makahabol sa kulang kong tulog kapag weekdays eh. Sino ba yang mga bisitang yan?

"Opo Tita! Gising na! Pababa na po."

*pagdating sa baba*

"Aaaaaaaaaaaaaahhhh! Nellieeeee! *nilapitan ni Ryched si Nellie at niyakap* Ano ginagawa mo dito?!"

"Rycheeeed! Grabe! Namiss kita. Kasama ko din si Kuya Clarence oh."

"Ui Clarence. Grabe nakakahiya. Kakagising ko lang. Di tuloy ako nakapag-ayos para sa inyo."

"Ok lang yan Ched. Wala ka ng igaganda pa. Hahaha!"

  Fun facts: Ched ang tawag ni Clarence sakin. Yun ang nickname nya para sakin. At mag-pinsan sina Nellie at Clarence. Mas matanda si Clarence ng isang buwan kay Nellie kaya Kuya Clarence ang tawag nya.

"Loko ka pa rin Rence ah. Ano nga pala ginagawa nyo dito?"

"Wala lang. Naisipan ka lang naming bisitahin. Bakit di ka ba masayang nakita mo kami?"

"Syempre masaya! Grabe ang dami kong ikukwento sayo Nellie!"

"Sige. Kwento lang."

"Nakakahiya. Andito si Clarence eh."

"Ito namang si Ched parang wala tayong pinagsamahan oh. Naging ex pa nga kita sa fb nun di ba. Hahaha!"

"Haha! Grabe ka talaga Rence! Kailangang ipaalala yun? Ay, may gagawin ba kayong dalawa sa birthday ko?"

"Ay, sa Friday na nga pala yun girl! Ano gagawin natin?"

"Pupunta tayo sa isang dance. Formal dance."

"Whaaat?! Special day mo tapos spend mo lang on a dance?"

"Attendance is mandatory daw for Seniors, Nellie eh. At..at.."

"At ano yun friend?"

"At kailangan daw may date. E wala naman ako masyadong kilala sa school."

"Naku! Yun lang pala. Sagot na ni Kuya Clarence yan. Di ko na kailangan sumama. Papayag yan. Di ba Kuya?"

"Ha? A, oo naman. Sakto din kasi wala kaming pasok ng October 4."

"Salamat Rence ha! Bakit nga pala kayo walang pasok?"

"You're always welcome Ched. At may party kasi para sa basketball team. Ayaw kong pumunta dun."

Still the OneWhere stories live. Discover now