-James 9-

20 4 0
                                    

  May tumatapik sa balikat ko. Siguro fan ko lang ito. Magwi-wish na naman ng good luck samin.

"*pagtalikod* Yes?"

  Di ko to akalain. Si Ryched. Nakita na nya ako. Di pa sabi ako ready eh. Kaya eto na lang ang ginawa ko.

"James? Di mo ba ko naaalala? Si Ryched to. Bestfriend mo."

 "Sorry ano? Richelle? Ah, ikaw yung bagong estudyante dito."

 "Hindi. Ryched ang pangalan ko. Di mo ba talaga ako natatandaan?"

 "Ryched? Sorry di talaga familiar sakin eh. Naging ex ba kita? Pero di kasi kita ma-imagine na naging type ko eh."

"Hindi din. Magkaklase tayo buong elementary tapos naging mag-bestfriends tayo. Sa Cavite pa nga eh."

 "Ahh. Ok. Sa Cavite. Naalala ko na. Ikaw yung kinaibigan ko kasi wala na akong ibang makaibigan pa at nabalitaan kong may crush sakin. Ahh, oo nga. O bestfriend kamusta ka na? Dito ka na pala sa San Pedro."

 "*naluluha na* Bakit mo ba ginagawa sakin to James? Akala ko ba di lang tayo bestfriends hanggang lumipat yung isa sa San Pedro? Akala ko ba.. Akala ko ba.."

 "Ano? Akala mo ano? Na mahal kita? Hahaha. Sinong niloko mo? Ikaw, mamahalin ko? Isa lang yung malaking biro. Kung anong nangyari sa Cavite, yun na yun. Nag-stay sa Cavite. Bakit ka ba pumunta dito sa San Pedro? Talagang sinundan mo ako ano?"

 "*natulo na luha* Wala. Wala. Di ako pumunta dito para sayo. Pumunta ako dito para kay James Marvin Hahaman Luna, yung bestfriend ko dati na alam kong hindi ikaw. Sige ha, galingan mo na lang sa basketball. Puro pambobola ka lang naman magaling eh. Goodbye James."

 *tumakbo na papaalis si Ryched. sobra kasing ingay ng iba kaya walang nakarinig ng usapan nila*

   Ano bang ginawa ko? Bakit ko nagawa iyon? Di naman ako ganito eh. Ayaw ko naman siyang paiyakin. Pero ginawa ko pa rin. Ang sama ko talagang tao.

"James? Ok ka lang? O nakausap mo na pala yung Richelle eh. Ay, Ryched pala."

"Ok lang ako Xian."

"O bakit tumakbo papaalis?"

"Ay sige Xian ha, alis muna ako, mamaya na ako magkwento."

"Oi Luna! Paalis na tayo bilisan mo!"

*tumakbo na din si James. susundan si Ryched*

  San na kaya pumunta si Ryched? Sana makita ko pa sya.

Still the OneWhere stories live. Discover now