-James 1-

81 5 1
                                    

Hayyy.. Ano ba ang bago? Wala. Ganun pa rin ang lahat. Bilog pa rin ang mundo, mataba pa rin si Sir Cruz, ayoko pa rin sa Math, panget pa rin si Rhianna, at higit sa lahat, gwapo pa rin ako. Araw-araw na lang ganito.

 "Wuy pare nabalitaan mo ba?"

 "Bakit dre, ano ba balita? Alam mo naman di ako nanonood ng news tatanong mo pa sakin yung balita."

 "Hindi pare. May bago daw estudyante dito."

 "Wehh? Alam kong di ako matalino pre pero alam ko naman na di sila natanggap ng kalagitnaan ng September."

 "Kaya nga news yan eh. Kakaiba."

 "Pwede pala ng September pumasok bakit pinagpilitan pa ako ng June. Sayang, 3 buwan na bakasyon din yun."

 "Hahaha. Special case daw James eh. Star section pa nga eh."

"Haha! At may nalalaman ka pang special case ngayon ha. Sino ba yan?"

"Richelle daw pangalan. Chicks daw sabi ni Mon."

"At naniwala ka naman dun? Lahat ng babae chicks dun eh."

"MR. LUNA!!! Would you and your friend Mr. Lim like to share with us what you know about these chicks you're talking about?"

"Op kors Ser Cruz. We wer toking abawt chicks. It have 2 meanings. It can be baby chicken or very beautiful gerls. And we were toking abawt gerls. Are u happy now I share what we saying here at back?"

"I would be happy Mr. Luna. If your English were not as bad as your grades in my subject. Now pay attention to the lesson. Understood?"

Grrrr... Pinahiya na naman ako ni Sir Cruz. Akala niya, ipapasa ko subject niya, makikita niya na kahit English yan, kaya ko yan. Pake ko kung may bagong estudyante. Di naman tataas grades ko sa pagproblema dun. Tutulog na nga lang ako. Matutuwa pa si Sir Cruz.

Still the OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon