Chapter 74: Vash

1.6K 36 0
                                    

Umiiyak lang ako habang nakatitig sa kisame. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit wala akong nagawa.

Nakita ko ang Daddy Mickey ko kagabi. Binaril nanaman sya! Ilang beses na syang napapahamak nang dahil sa akin. Lagi nalang nang dahil sa akin!

"Gising na pala ang magandang Binibini." Napalingon ako sa lalaking ngayon ay nakangiti habang naglalakad papalapit sa'kin. Nakakadiri! Akala mo naman gwapo!

Kamukha naman ni kingkong. Kabayo sya pero mukha syang unggoy!

I rolled my eyes at him. Natawa naman ang Kabayo. "Iba ka din pala eh, noh?" Wika nya. Nakakatakot sya na ewan. Pero mas nandidiri ako sa kanya! Tsk!

Ngumisi sa akin ang kabayo at tinanggal ang tape sa bibig ko. Halos mapadaing ako sa lakas nang pag tanggal nya. "Urgh!"

"Hahaha! Ayos pala yan, eh. Mas maganda ka pag wala kang tapal sa bibig." Aniya. Ngumisi naman ako.

"Ikaw din naman. Ga-gwapo pag nilagyan mo ng tapal 'yang buong mukha mo." Nakakaasar kong lintanya dahilan upang bigla nalang magbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Bagay talaga kayo ni Noah..." Aniya. "Parehas kayong bastos!" Singhal nito at iniwan nanaman ako sa kwarto. Sa kwartong madilim, sa kwartong walang kahit na ano maliban sa akin.

Muli akong lumuha. Umaasa ako na ligtas si Noah at ililigtas nya ako dito. O kahit wag na nya akong iligtas basta buhay sya, ayos na iyon sa akin.

Dahil sa oras na makawala ako dito at wala naman pala akong dadatnan na Noah, parang magiging wala na ring saysay ang aking buhay.

"Nandyaan ba sya?" May narinig akong mga boses sa labas ng madilim na kwartong ito. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses iyon ni Mr. Reynaldo.

"Nandyan na po..." Magalang na sagot naman ngayon ng isa.

Hanggang sa bumukas nga ang pintuan. Nakangisi ang mukha ni GX nang pagmasdan nya ako. "Kamusta na, Hija?" Kusang namayani ang kaba sa'king dibdib nang marinig ko ang kanyang boses.

"Alam mo naman siguro kung ano yung nangyayari sa buhay ko, diba?" Sagot ko. Hindi ko kayang gumalang ngayon sa kanya. Hindi naman sya si Lolo Reynaldo kaya walang saysay kung gagalangin ko pa sya.

"Gusto mo bang kumain?" Aniya na parang wala lang sa kanya ang aking sinabi.

"Oo. Gusto ko sana ng Pork Chop." Sagot ko. Agad naman nitong inutos sa kanyang alalay ang aking gusto.

Maya maya ay dumating na nga ang pagkain. Sh*t! Natatakam ako!

"Paano ka makakakain nyan?" Tanong nito.

"Una, Gagamitin ko ang kamay ko. Pangalawa, Susubo ako. Pangatlo, lulunok ako. Alam mo na ba ang way ng pagkain?" I sarcastically said. Natawa sa akin si GX.

"Iba ka nga talaga, Cathalene." Sumeryoso ang kanyang mga titig sa'kin. "Alam mo, Noong una talaga, gusto ko kayong kontroling Campus Sweethearts eh. Para ma-solo ko na ang katawan na ito. Kaso naisip ko, Mas masarap pala kung papahirapan ko nalang kayo. Kayong mahahalaga sa buhay ni Reynaldo. Masasaktan si Noah sa oras na ikaw ang pahirapan ko. Masasaktan si Reynaldo dahil nasasaktan na nga ang paborito nyang apo, Pinapahirapan ko pa ang isa sa mga batang nagpasaya sa kanya noon." Mahaba at nakakaasar nitong lintanya dahilan kung bakit kusang kumuyom ang aking mga palad.

Ang sama talaga nya!

"Wala kang kasing sama! Anong ginawa sayo ni Lolo Reynaldo? Naiinis ka ba kasi kahit anong gawin mo, Hindi mo matalo-talo ang totoong nagmamay-ari ng katawan na yan?! Eh isang sakit ka lang naman!" At dahil doon ay isang malakas na sampal nga ang sumalubong sa akin.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now