Chapter 21: Thorn Axis

1.9K 40 3
                                    

Nandito ako ngayon sa rest house ng black rose. Hindi pa rin ako makapaniwala na mismong si Rouge Montenegro ay isa sa grupo nila Noah at Kuya.

Masyado silang maraming sinasabi at maraming kwento tungkol sa grupo nila. Pero ang naintindihan ko lang ay 15 silang miyembro at si Noah ang dahilan kung bakit sila nagkakila-kilala

Hindi ko na masyadong napansin ang oras kaya naman nag-aalala na ako kung anong nangyayari kay Mama. Baka mamaya ay ipabaranggay na ako nun kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin ako umuuwi sa bahay.

Kinakabahan ako sa mga mangyayari. Ang hirap pa naman pag talak nang talak ang isang 'yon. Tsk!

Nagsimula akong tumayo. Dahilan para maagaw ko ang kanilang atensyon. "Uuwi ka na, Cath?" Tanong sa akin ni Klein. Dahan-dahan akong tumango.

"Ingaaaaat!" Sabay-sabay nilang sabi kaya naman napangiti ako. infairness naman, mababait itong ka-gang nila Noah. Kesa sa kanilang Lima na mas nauna ko pang nakilala. Joke.

Nasa labas na ako nang magulat nalang ako dahil may biglaang humawak sa pulso ko. Napatingin ako dito at ganoon na nga lang ang pagkunot ng aking noo nang mapagtanto kung sino 'yong lalaki. Si Rouge. Pilit ko syang nginitian.

"May problema ba?" Tanong ko. Naiilang kasi ako sa kanya. Di ko din alam kung bakit.

"Bakit ang bilis mo naman ata umuwi?" Napaiwas ako ng tingin nang mapansin ko na naman ang malalim nyang dimple. "Hatid nalang kita?"

"W-wag na. ayos lang ako." Ako na ang nag-alis sa pagkakahawak nya sa akin at nagsimula nang maglakad.

"Mag ingat ka, Cath!" Sigaw pa nito. Natigilan ako. Lumingon ako sa kanya at hyper na ngumiti.

"Sige!" Yun lang at nawala na nga sya sa paningin ko. Malalim nalang akong bumuntong hininga sabay sakay sa sasakyan. I-start ko palang sana yung engine nito nang biglang bumukas ang driver seat at inuluwa si Noah. Gulat akong napatingin sa kanya.

Saan naman nanggaling 'to?? kanina naman wala sya doon ah!

"Anong problema mo!?" I raised my eyebrow. Baka mamaya kailangan lang nya yung kotse. Paano ba naman, kung hindi lang kami bobo eh kasehodang iniwan yung sasakyan sa Davis! nakakainis.

"Labas. ako ang mag d-drive." Aangal palang sana ako nang titigan nya ako ng masama. Sabi ko na! Kailangan lang nya yung kotse!

Tag hirap, bruh?

Pero hindi parin ako nagpatalo. nakipagtitigan rin ako sa kanya habang dala-dala ang kutsilyo na nanggagaling sa mata ko. Bagong hasa 'yan wag ka!

Ngunit hindi nagtagal, napaatras na lang ako nang inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. "A-anong ginagawa mo?" Eto nanaman sya! tapos may kukunin lang pala sa likod ko! Nakakadala, ah?

"Pag hindi ka tumabi dyan, hahalikan kita." He said na nakapagpatigil sa akin. Sht! Sya lang talaga may kakayahang gumawa sa akin ng bagay na 'to!

"A-anon-"

"Bibilang ako ng lima. pag hindi ka tumabi, I will be your first kiss stealer."

"Huh! as if nama---"

"One."

"Hindi mo ako mauuto dyan, Noa---"

"Two."

"Wag ako Noah. wag ako---"

"Three."

Natahimik ako ng ilapit nya pa ang mukha nya. Hell! Konting wrong moves na lang magkakalapat na yung mga labi namin!!

"Four..."

Pumikit ako ng mariin. Magpapahalik ba ako? Sayang naman yung opportunity.

Whaaat? Sinabi ko ba talaga 'yun??

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now