Chapter 47: Race

1.6K 41 2
                                    

Bumangon ako sa aking hinihigan upang simulan ang bagong hamon sa aking buhay. Bagong araw, bagong pagsubok. Medyo madilim pa dahil 6:00 palang naman ng umaga.

Bumaba na ako upang makapagluto para makakain. 7:30 kasi kailangan ay nasa Melochords na ako kung hindi ay male-late ako.

At nang matapos akong maligo agad na akong nagpunta sa dining area upang kumain at magbihis.

Saglit na pinuntahan ko lang si Mama sa kwarto at nang makapagpaalam. Binigyan nya rin ako ng karagdagang pang allowance. Wow! Mukhang may pera ngayon si mama, ah!

Habang lumalabas sa bahay ay napansin ko agad ang nakaparadang motorsiklo sa harapan ng aming mumunting gate. Nagmamadali akong lumabas upang makita kung sino ang taong iyon.

Kumunot ang aking noo nang maaninag ko ng bahagya ang kanyang mukha. Kinindatan nya muna ako bago nga tanggalin ang suot-suot nitong helmet. Wala akong nagawa kundi ang nginitian sya pabalik. "Bakit ka nandito?" I asked.

"Papanoorin ka mamaya, malamang. sabay kayong maglalaban ni Allister, right?" Aniya. Tumango naman ako. Kakaibang contest 'yon.

Sa gymnasium kami maglalaban-laban. na kung saan, papanoorin ng mga estudyante. Kung sino ang unang matapos at may pinakamalaking puntos sa Math contest na 'yon, ay sya ang mananalo.

Hindi ko pa alam ang premyo dahil wala namang sinabi sa akin si Sir Magallanes. 20 players kaming maglalaban-laban. At balita ko, taon-taong nananalo si Noah.

Pero sa pagkaaalam ko, ngayon lang din ito nakapag-aral sa Melochords. Ngunit ang dati nitong pinpasukan ay pagmamay-ari rin ng kanyang lolo. Kaya siguro gano'n.

"Tara na. 7:10 na oh!" Rouge started to start the engine. wala naman akong nagawa kundi ang sumakay. "Simula ngayon, ako na ang magsusundo sayo. and to that, hindi mo na kailangang mag commute everyday." Wika nya. Nahihiya tuloy akong nag salita.

"Sigurado ka dyan, Rouge? hindi ba ako magiging malaking abala sa 'yo?" Tanong ko na ikinatawa lang nito.

"Kahit kailan, hindi ka naging abala sa akin, Cath." Aniya. "At kung magiging abala ka man, baka maging pabor pa 'yon sa'kin." Napalo ko tuloy ito sa sinabi nya.

"Ewan ko sa 'yo!"

"Bakit ang cheesy ko ba?"

"Ewan!"

"Haha!"

Nang makarating kami sa Melochords, andami nang estudyanteng mga ka-batch namin ang pagala-gala. Hinihintay lang ang oras para sa simula. Siguro sila rin 'yong mga mag s-support ngayon kay Noah.

Bumaba na ako sa motor na naging dahilan kung bakit namayani nanaman ang mga chismisan. Hindi mawawala iyan sa loob ng School na 'to. Kaya hindi na ako magtataka.

"Ghaaad! ang landi talaga ng babaeng yan! dati si Noah ngayon naman si Rouge!!"

"Oo nga girls! kaya wag na tayong magulat kung pati na kuya nyang si Cavin ay patusin nyan!"

"Wag nga kayong ganyan kay Cath! palibhasa kasi mga wala kayong Lovelife!"

"Anong sabi mo?"

"Urrrghh! lahat nalang inaagaw ng babaeng yan sa akin! huhuhuhu!"

"Wag assuming teh! walang sayo!"

"Waaaaahh! huhuhuhu!"

"Mas sweet pa dyan boyfriend ko eh. bf ko may flowers araw-araw na dala!"

"Talaga. eh bakit wala ka ngayong flowers?"

"Eh wala naman 'yang boyfriend."

Napabuntong hininga nalang ako. Wala akong magagawa kung ayun ang mga paniniwala ng mga tao. Hanggang sa makabalik ako sa ulirat nang bigla nalang akong pitikin ni Rouge sa noo.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now