Chapter 4: First Meeting

2.6K 71 0
                                    


A/N: Paki vote naman po mga loves! hehe <3

---


Ngayon na ang Singing Audition para makapasok sa Melochords Academy. malaki ang Chance na makapasok ako lalo na't sila ang nag invite sakin.

Sa sobrang excited ko, nakalimutan ko na yata ang maligo o magligpit man lang ng hinigan.

7:00 am palang at 2:30 pm pa naman yung time ng audition. Magpupunta muna ako sa palengke o kaya mall para mamili ng bagong damit. Yung pang disente. Aba syempre noh! haharap ako sa mga judges!

Mas maganda kasi yung haharap ka sa harapan nila habang nakasuot ng maayos o kaya naman disente. Masyado kasing makakabastos kung halatang hindi mo pinaghandaan.

Tama naman, diba? Baka wala pa akong ginagawa eh matanggal agad ako. Ok, that's quite exaggerated.

Matapos 'kong bumaba, agad sumalubong sa akin ang mukha nang kuya ko. "Lil Sis!" Hinalikan nya ako sa pisngi. Napangiwi ako. Iw!

"Anong ginagawa mo dito, kuya?" Tanong ko sa kanya at bahagya pang iniunat ang aking sarili. Inaantok nanaman ako. Hay, life.

"Wala naman." Nagkibit balikat sya kasabay non, ang pagdating ni Mama na may dalang hotdog at itlog at may kasama pang pandesal. Napakagat labi ako. Ugh! Bigla akong nagutom.

"Oh! gising ka na pala, Catha. binati mo na ba yung kuya mo ng good morning, ah?" Linya ni Mama. Tinignan ko naman si Kuya na nauna nang kumain. Tumaas ang kilay ko. "Kumain ka na. mamaya na yung Audition mo." Paalala pa ni mama kaya wala akong nagawa kundi ang tumango nalang.

"Grabe tita. gutom na gutom po talaga ako. buti nalang at may makakain dito." Inirapan ko 'to sa sinabi nya. If I know, Hindi lang sya marunong magluto! tsk!

"Wag ka nga kuya! inuuto mo lang si mama para dito ka na magpunta sa oras na nagugutom ka eh. palibhasa di marunong magluto." Napangiwi ako. At kung iisipin nyo, bakla talaga 'tong walang kwenta 'kong kapatid dahil wala man lang pasintabing inikutan ako ng mata!

Gay! Gay! Gay!

"Grabe ka talaga sakin, Catha!" Uminom sya ng kape. "Mas mabuti na yung hindi marunong magluto kesa naman hindi marunong mang chix. tatanda akong binata nyan, ayoko pa namang matulad sayo!" At dahil sa winika nito, binato ko sya ng tinidor na mabilis naman nyang nailagan. Rinig ko ang halakhak ni mama sa likuran ni Kuya.

I rolled my eyes.

"Wag ka na nga dito! ang panget mo!" Asar na sambit ko pa sa kanya at nag tungo na sa banyo. Maliligo nalang ako kaysa pilitin ko yung sarili ko na pahabain pa ang pasensya sa walang'ya kong kapatid!

"Mana ako sayo, Lil Sis!" Huling sigaw na narinig ko bago nga ako mag shower. Ugh! Nakakainis! Sobrang alaskador talaga ng lalaking yun. Buti nalang may nagtatagal don! ay, wala pala. Wala palang nagtatagal 'don palibhasa masyadong playboy!

Pagkalabas ko sa banyo, naabutan kong naguusap doon si Mama at kuya. Hindi ko nalang 'to pinansin at nag tungo na sa kwarto. Nagbihis ako ng plain round neck t-shirt at pants. Magpupunta ako sa malapit na mall dito para nga mamili ng damit.

"Oh? saan ka pupunta? mamaya pa audition ah? masyado ka atang Excited, anak?" Tanong sa akin ni Mama. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Pupunta ako sa SM ma. bibili lang ako ng bagong damit. puro luma na kasi eh at nang maisuot mamaya sa audition." Tumango lang si Mama sa sagot ko habang iginala ko naman ang aking paningin. "Umuwi na si Kuya?" Tanong ko.

Pupunta sana ako sa kusina nang biglang may gumulat sa akin. "Bulaga!"

"Shit!" Agaran akong napakapit sa likuran ni Mama. He can be glad looks can't really kill. Paano ba naman, may maskara pang nalalaman. Parang mask 'to ng killer clown, ah? Huta! saan naman nya nakuwa yun? tsk!

Nagtatawanan pa sila nang bigla 'kong batukan si kuya. "Aray ko naman, Catha!" Napanguso sya habang himas himas ang batok. Tumataas talaga ang dugo ko sa mokong na 'to!!

"Dapat lang yan sayo!" Sambit ko pa at lumabas na. "Aalis na ako!" Paalam ko bago lumayo sa bahay. Buti nga sa kanya, nabatukan ko nanaman sya. naku! kung sa public ko 'yun ginawa, malamang eh tunaw na ako. Tunaw sa masasamang titig ng mga tao. No, baka nga patay na eh.

Malapit lang yung mall sa bahay namin. walking distance lang kaya naman naisipan ko na maglakad nalang. Exercise din kasi yun.

Habang naglalakad, hindi ko alam na may kasalubong akong kotse. Handa na sana akong mamatay nang may biglang humawak sa pulso ko at hinila ako papalayo sa kotse na muntikan na akong masagasaan.

"A-ano yun?" Hindi ako maka get-over. sinundan ko pa yung kotse nang mga titig ko bago ko ibigay ang atensyon sa lalaking nagligtas sa akin. Hindi ko masyadong makita yung mukha nya dahil naka yuko sya at naka cap. "S-salamat." Wika ko at kasabay noon, ang pagbitaw nya sa aking pulso.

"Tss." Yun lang at umalis na sya. ano daw? tss? Did he Tss? "Clumsy all over the world." Aba at! oo nga at utang ko sa kanya ang buhay ko pero ano daw ako? clumsy? clumsy?! Ayoko sa lahat eh yung tinatawag akong clumsy, Burara, tanga etc. Well, clumsy lang naman yung sinabi nya pero masakit parin yun para sa akin.

Dahil sa biglaang pag init ng ulo 'ko sa lalaking 'to, di ko namalayan na hinubad ko yung suot 'kong rubber shoes at ibinato yun sa kanya. Napahinto sya. Buti nalang kami lang yung tao dito.

Oooppps! Tama ba yung ginawa ko? Shit! Masyado na ata akong nagiging OA! Kasi naman.

Humarap sya sa akin. At sa maniwala man kayo o sa hindi, para akong tangang natulala sa kawalan ng makita ko ang mukha nito. Parang anghel na may mala demonyong awra. he is wearing a plain white shirt, fitted pants and sneakers. alam kong magkaiba ang demon at angel. Pero... mukha kasi syang anghel at parang sa mga anime ko lang nakikita ang mga ganoong klase ng itsura. Ang gwapo. Oh yan na! gwapo talaga sya pero parang nakangisi syang demonyo. Yeah, a little bit creepy?

Teka nga lang! Parang nakita ko na 'to ah? sya ba si... Teka, sino nga ba 'to ulit? "Hindi mo ba ako makilala, miss?" And it hit me! Sya ang isa sa mga judges mamaya sa audition. Ang vocalist ng bandang sunrise! no other than...

Noah Allister Villejo!

Napalunok ako nang maraming maraming beses. Oo! maraming marami talaga. Papalapit na sya sakin habang ako naman ay parang naestatwa na. Nang itaas nya ang mga kamay nya, ni ready ko na yung pisngi ko sa sampal nito ngunit iba ang nangyari. Ni-pat nya lang ang ulo ko. At sa pagmulat ng aking mga mata isang matamis na ngiti ang nagpayanig sa buo kong pagkatao. "Be careful next time." Nginitian nya ako. Isang ngiti na hindi ko alam kung makakalimutan ko ba.

Hindi pa ako nakakapagsalita nang ipihit nya ang sarili para makalayo sa gawi ko.
It took about few minutes bago mag sink in sa akin ang mga nangyari. Then, what is it? Anong meron? Akala ko ba naman mayabang sya. Oh well, baka may paparazzi dito at natunugan nya kaya naman na imbis na sampalin nya ako, tinapik nalang nya yung ulo ko para maging mabait sya? O kaya naman akala nya ako yung nawawalang aso sa kanila? aba naman!

Damn! wag ko na ngang isipin yun pero... Urgh! Bakit kasi ganun yung mukha no'n eh? Even his body? He's almost perfect na kasi eh! Tsk!

But hey, anong pake ko? Bibili nalang ako ng damit. Yung parang pang sosyal at nang hindi nya ako makilala mamaya. tama! Mas ayos na siguro kung gano'n

"Pero ayoko nga! pagtatawan lang ako eh. hindi naman kasi bagay sa akin yung mga pang sosyal na kadamitan. Pero..." Huminga nalang ako ng malalim. "bahala na nga."







Campus Sweethearts (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ