Chapter 25: Noaiah Shakira

1.7K 47 3
                                    

Matapos makapamili, nag simula na akong mag punta sa sakayan. Magpapara na sana ako nang may mga lalaking bigla nalang humarang sa daraanan 'ko.

"S-sino kayo?" Binalot ako ng takot. Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Bakit sila mga naka mask? Ano ang kailangan nila sa akin?

Hindi sumagot yung mga lalaki sa tanong ko bagkus, kinuha lang nila ang kamay ko sabay hinigit. Hingi ako nang hingi ng tulong ngunit walang nakakarinig sa mga pinapakawalan 'kong sigaw.

Tsaka ko lang napagtanto na malayo na pala ako sa supermarket. Naalala 'ko na dinala nga muna pala nila ako sa isang isang liblib na lugar kung saan hindi ako makakahingi ng tulong.

"Pakawalan nyo akoo!!" Tuloy-tuloy lang ako sa pagsigaw. Palibhasa'y wala akong alam kung paano poprotektahan ang sarili.

"Pasensya na miss. Napag-utusan lang." Sabi ng isang lalaki.

"K-kuya. Baka hinahanap na ako sa amin. pleaseeee?" Wala ng tigil sa pag-agos ang mga luha ko. Natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari. Ano ba ang kailangan nila sa akin? "Tulong!!---" Hindi pa ako tapos sumigaw nang bigla nilang suntukin ang tyan 'ko.

Walang anu-ano'y napaubo ako ng dugo.

"D-dugo..." Ayoko na! sobra na akong nasasaktan. Natatakot na ako. Bakit lagi nalang akong napapahamak?

Kinuha na nila ang mga kamay ko at dahan-dahang itinayo. ipapasok na sana nila ako sa itim na Van ngunit pare-parehas kaming nabigla nang may isang lalaking sumuntok sa isang nakahawak sa akin.

Nagsilabasan ang mga tao sa Van. Hindi lang pala sila tatlo. Anim sila na malalaki ang katawan! Akala 'ko hindi ko makikilala ang taong ito pero nagkamali ako. Kahit gaano pa kadilim ang paligid, alam 'ko kung sino ito.

May lalapit sana sa aking isang lalaki nang maunahan na agad sya sa suntok ng isang babae. Wait, babae? At dahil nga sa nanggagaling na liwanag sa buwan, nakita ko kung sino ang tinutukoy 'ko.

Sya yung nakabangga ko kanina sa Supermarket!! ano ang ginagawa nya dito? bakit sila magkasama ni Noah?

Ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang muna iyon nang mapagtanto ko na nasuntok si Noah! Lalapitan ko na sana sya ngunit bigla akong hinatak ng kanyang kasama. "He can do it by his own." Yun lang at hinigit na nga ako papalayo.

Pero di ako nagpatinag. Kailangan kong mailigtas si Noah. Oo nga't mahina ako. pero hindi kaya ng konsensya ko kung hahayaan ko nalang masaktan ang taong mahalaga sa akin at ang masaklap pa doon, ang dahilan ay ako.

Walang pasintabi akong tumakbo papalapit kila Noah. Hindi naman nahihirapan si Noah na patumbahin yung mga lalaking yun kaso... may mga batuta silang hawak!

"Noah!!" Umiiyak na tawag ko dito. Kusang dumapo ang tingin nya sa akin at walang anu-ano'y bigla akong kinulong sa kanyang mga bisig. Lalo akong napaluha.

"Cath! bakit hindi ka pa umaalis?" Nag-aala nyang tanong. Umiling lang ako.

"H-hindi kita kayang iwan..."

Natahimik ang paligid. ibinaling ko ang tingin sa lalaking nakangiti ngayon sa akin. Para bang mayroong isang bagay na ngayon nya lang nalaman sa buong buhay nya.

He gently kissed my forehead.

"Mukhang nagkamali ako, Cav." Bulong nya sa sarili bago surgurin ang mga lalaki.

Hindi ko narinig ang bulong nito ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang. Tinignan ko ngayon si Noah na iisa na lang ang kalaban. Susuntukin sana sya ng lalaki nang maunahan nya ito sa pag atake. Ewan ko pero bakit parang ako ang kalaban ng lalaking 'to at ganito kalakas ang kabog ng puso ko? Yumuko si Noah sabay sipa sa iniingatan ng kalaban.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon