Chapter 62: The Letter

1.6K 40 0
                                    


Maagang natapos ang klase. Nagpaalam ako kila Charie na mag c-cr lang ako ngunit ang totoo ay hinihintay ko talaga si Sir. Flores. Ang teacher namin sa Math.

"Sir!" Lumapit ako sa kanya at nakipag high-five. Close talaga kami nito ni Sir eh.

"Oh, Cathalene. Bakit?" He asked with a smile.

"Diba sir... May pinapa-project kayo sa amin?" Tumango ito. "Sir pwede bang... Ipagpartner mo kami ni Noah?" Lalong lumaki ang ngiti sa labi nya nang sabihin ko iyon.

"Talaga namang hindi nawala ang pagmamahal nyo sa isa't-isa, Ah?" Ginulo ni sir ang aking buhok dahilan upang mapanguso ako.

"Baka ako lang." Sagot ko ngunit nagkibit lang ito ng balikat. "Pero ano sir? Payag ka?"

"Hm... Kung papayag si Noah." Sagot nito at ngumiti. I rolled my eyes.

"Sir naman! Paano kung hindi?"

"Eh paano kung oo?"

"Pero sir, Kilala nyo naman yun..."

"Pero kayo na nagsabi na nag-iba na nga si Villejo diba?" Natahimik ako sa kanyang sinabi. Maya maya ay tinapik na lang nito ang aking balikat at saka na naglakad papalayo.

Ngunit bago pa man ako matauhan ay namalayan ko nalang ang aking sariling hinahabol si sir. "Oh? May kailangan ka pa ba?"

"Sir! Please. Sabihin nyo kay Noah na ako ang makakapartner nya." Tinitigan muna ako nito bago sumeryoso. Magsasalita palang sana sya nang inunahan ko na. "At may isa pa akong favor. I-partner mo si David kay Rhailey."

"Ms. Roa---"

"Si Charie at si Dux."

"Huh?" Ngumiti lang ako at tumango.

"Kailangan 'to sir para makatulong ka sa akin." I winked. "Si Kuya Cavin at si Maureen. Si Shara at Rusty. Si Clatrina at si Rouge. at si Andrei tapos si Fionee."

"Pero Cath---"

"Sir!! Pleaseee?" Sa sobrang pagmamakaawa ay namalayan ko nalang na hinahawakan ko na pala ang laylayan ng kanyang uniporme. Isang buntong hininga lang ang kanyang nagawa.

"Fine. Pero may kapalit."

"Ano?" Mabilis 'kong naitanong.

"Ibigay mo 'to kay Rose." Inabot nito sa akin ang isang papel na agad kong kinuwa. Rose?

Si Ma'am Rose? Si Ma'am Rose Delansig? Gosh!

Nanunukso 'kong tinignan si Sir Wim. "Kaw ser ah!" Kinili-kiliti ko ito sa tagiliran. Bata pa itong si sir. Sa pagkakaalam ko ay mga nasa 26 palang sya habang si Ma'am Rose naman ay mga nasa 25.

Kinikiliti ko lang si sir habang sya ay panay iwas sa akin. Ngunit parehas kaming natigilan nang may isang tao ang dumaan sa aming gitna. Nangunot ang aking noo lalo na nang malaman ko kung sino ang may gawa no'n.

Hindi ko na nahabol si Noah sa sobrang bilis nitong maglakad. Hindi naman sya nakabastos samin, no'? Tss. Ang lalaking 'yon talaga!

"Hmm... I smell something fishyyy~" Narinig kong sabi ng aking kasama. "Give that letter to Rose, Cathalene. Thankyou. Makakaalis na ako."

"Sir basta, ah!"

"Yeah. I'm not talkshit."

"Yes!" Sagot ko at nag lakad na. Pumayag si sir! Hahaha!

Habang naglalakad sa pasilyo ay naalala ko ang aking hawak. I looked at the Letter. Hanggang sa naalala ko nga si Clyde. May ibinigay rin kasi ito sa aking Letter noon bago ako magpunta sa Korea. Hindi ko na naibigay iyon sa kanyang ina sapagkat masyadong biglaan ang pangyayari. Dadalawin ko nalang ito mamaya.

Campus Sweethearts (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt