Chapter 40: Lolo's Birthday

1.6K 36 2
                                    

Nagsi-uwian na ang mga tao. Nag-aaya nga ang mga ka team ni Noah na mag walwal muna pero ewan ko ba sa mokong na 'to at sinabing next time nalang daw.

Gusto ko nga sanang sumama, since kasama yung apat na babae. Sabi pa nga ng tatlo sumama lang daw sila dahil kay Maureen. At as if namang maniniwala ako? Eh babantayan lang nila yung mga bebe nila duon.

Ngunit ito kami ngayon ni Noah. Magkahawak ang mga kamay habang naglalakad papunta sa parking lot. Masyadong PDA, no'? Ilang beses ko nang sinabi na bitawan nya ako pero hindi nya talaga ako pinapansin as if na parang walang naririnig.

"Anong oras na?" Tanong nya. Tumingin ko sa Wrist watch ko.

"10:00am." Sagot ko na ikinatango lang ng aking kasama. Akala ko ay wala na kaming gagawin ngayong araw ngunit laking gulat ko nalang nang hatakin nya ako papalayo sa parking! "S-saan tayo pupunta?" Pero ang loko, patuloy lang sa paghatak.

Hanggang sa marating nga namin ang isang park. Na-amaze ako dahil andaming batang naglalaro!

"Ate! ate! yung kapatid ko po!" Out of nowhere, merong batang lumapit sa akin na pilit akong hinahatak. Napalingon ako sa lugar na itinuturo nito at gano'n na nga lang ang pag laki ng aking mga mata nang makakita ako ng batang pinagtutulungan ng kapwa nya bata.

Hindi ako nagdalawang isip na lumapit. pero bago pa man ako makaawat, nalaman nalang namin ni Noah na mayroong nagtanggol duon sa bata. Pero alam nyo ang mas nakakagulat? Bata din ito!

Mukhang takot sa kanya yung mga bully na bata kaya naman dali-dali silang umalis. Itinayo ng lalaking bata yung babaeng binubully kanina.

"Fuck!" Napatingin ako kay Noah. Para syang gulat na ewan. Agad syang lumapit sa dalawang bata dahilan para mapalapit din ako. "What are you doing here, Thorn Axis!?"

Ano!? si Axis itong bata?

Kaya pala mukhang pamilyar. Ngayon alam ko na kung kanino talaga ito nag mana. Tumingin si Axis sa pinsan nya at hinalukipkipan ito. "And Why the hell you care, Kuya?" Tumaas ang kilay ng duwende! Kyaaaah! ang cute. Pero natigil ako sa pagpapantasya nang dumapo ang tingin sa akin ng bata. "Anong ginagawa ng bababeng yan dito?" Kahit kailan talaga, mukhang hindi bata itong si Axis.

"And so what? We're having a date." Nag kibit ng balikat si Noah dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata ni Axis.

"What? Date?" Umarte itong nasusuka.

"Bakit? gusto mo tayo mag date?" Biro ko. Nagulat ako nang bahagyang hawakan ni Noah ang pulso ko at inilayo ako sa batang duwende.

Natawa si Axis.

"Hahahaha. You're cute, Kuya Barko! hahaha!"

Teka, barko rin ang tawag nya kay Noah? Haha. Ang cute nya talaga! 

"Tss. bakit ka nga ulit nandito?" Binago ni Noah ang usapan. Itong si Noah kahit bata pinapatulan eh.

"Kasi..."

"Kasi gusto mo syang maka date noh?" Tukoy ko sa batang cute na babae. Sabay namula ang pisngi nila.

"A-axis. salamat. pero aalis na ako." Nagpaalam sya sa amin. "Bye po sa inyo!!"

"Byeee!"

"Ok." Sagot ni Axis. Nang makalayo, sumama nanaman ang tingin nya sa akin. Saan ba pinaglihi ang batang ito at napaka suplado?

"I don't like her, Kuya." Matigas nitong saad na nag panguso sa akin. Lumuhod ako para mapantayan sya.

"Bakit ba ayaw mo sa akin?" Umarte itong nasusuka. Natawa ako. He's so cute. Sa sobra atang panggigil ko ay nakurot ko na ang pisngi nya.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now