Chapter 58: New Cathalene

1.8K 64 19
                                    


C A T H A L E N E

4 months Later

Nandito ako ngayon sa balkonahe ng pansamantala kong tinitirhan. Bukas na pala ang balik ko sa pilipinas. Mahirap man aminin, ngunit dito, binago ko ang sarili ko.

Marami akong na-entertain na Koreano. Minsan na lang din kami mag usap ng mga kaibigan ko. Busy sila sa dadating na exam this 3rd quarter. Papatapusin ko muna ang Isang quarter para back to basic. 4th quarter na ako papasok.

Marahil nagtataka kayo kung bakit ako tumagal ng 4 months dito. Vorsh decided na mag extend ng another 2 months dahil naalala nitong mayroon palang pinapaasikaso sa kanya si Noah. Since ayaw nya akong bumalik sa pilipinas ng hindi sya kasama, wala na akong nagawa kundi ang mag stay.

Anyway, nakaka miss din pala ang Melochords. Andami ko rin doong nakilala. Hayaan mo, kahit apat na buwan lang ako doon nawala, iispin ko pa ring walang pinagbago.

Habang nakatingin ako sa itaas ay may biglaan nalang kumalabit sa akin. "Cathalene!" Tinignan ko si Ria. Sya ang dahilan kung bakit ako nagbago sa mga lumipas na buwan.

"Hey." Nginitian ko ito. Isang matamis na ngiti lang din ang kanyang ibinalik sa akin at saka ako inakbayan. "Bakit ka nga pala nandito?" I asked.

"Wala lang." She sighed. "To be honest, tuwing nakikita kita, Para akong nakakita ng Dyosa. Wala na yung simpleng Cath na unang beses kong nakilala at yung---"

"Cath na mahina." Dugtong ko sa kanyang sasabihin. Naikuyom ko ang aking mga palad nang maalala ko ang lahat ng nangyari sa akin sa pilipinas. Napansin iyon ni Ria kaya naman binigyan nya ako ng isang pirasong papel. "What's this?" Tanong ko.

She smiled. "Hindi ko talaga makilala si GX. Pero nandyaan yung mga taong nagpahirap sa inyo noon ni Noah." Kusa akong natigilan. Tinignan ko ang list.

Nalaman ko this past few days, ang mga taong may kasalanan ng Lahat. Lahat sila ay sinisigurado kong pagbabayarin ko sa kasalanang nagawa nila. Lalong-lalo na si GX. Mag intay ka lang, makikilala rin kita.

"Sigurado ka ba dyan?" Bakas sa tono nito ang pag-aalala. Tanging tango lang ang aking naisagot. Mayamaya pa ay nagpaalam na rin ito sapagkat sya ay may gagawin pa.

"Sige. Mamaya, alright? Mag-ayos ka na."

I forgot to mention, pupunta pala kami sa isang party mamaya. Kasama ko si Ria at iba pang friends nya. Bukas ay pupunta rin ako sa Party ni David. Nalaman ko kasing birthday na rin nito bukas kaya hindi dapat ako mawala doon.

Napabuntong hininga ako. Bukas na kami magkikita ni Noah. Hindi ko alam kung handa na ba ako. The fact na hindi nya ako naaalala.

Parang may tumutusok sa Puso ko habang iniisip si Noah. Oo, Marami na ang nagparamdam sa akin dito sa Korea. Ngunit walang makakatalo kay Noah. Mahal ko sya at hindi na magbabago iyon.

Ano ngayon kung wala syang maalala? Edi gagawa ako ng mga new memories with him. Yung masaya. Yung wala nang hahadlang.

"Cath? bakit di ka pa nag-aayos?" Napatingin ako ngayon sa nagsalita. "Ayos ka lang?"

Tumango ako kay Rouge. "Eh ikaw? Hindi ka pa nga naliligo eh." Mahina akong natawa.

Nang dumating ako rito sa Korea, siguro mga isang linggo lang ang lumipas nang magulat nalang ako sapagkat nasa kwarto ko na si Rouge at alam nyo ba kung ano ang una nitong salubong sa'kin? His half naked body! Ghad! Napapasok agad sya sa banyo habang ako naman ay napatalikod. Hindi ko rin maiwasang matawa kasi ang epic talaga. Narinig ko pa kung paano ito napadaing. Nadapa yata sa sobrang pagkataranta. Hahaha!

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now