Chapter 19: Fallen?

1.8K 54 0
                                    


C A T H A L E N E

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sa katunayan nga, dapat wala akong pakialam sa mga nangyayari pero bakit nasasaktan ako?

Nakakatawa! Nasasaktan ako sa di 'ko malamang dahilan.

Bakit pakiramdam ko ang liit-liit ko? bakit kung ikukumpara ako sa kanya isa lang akong basahan?

Ganito na ba talaga ako ka-insecure kay Trina kahit hindi ko pa naman sya nakikilala? Eh bakit nga ba ako naiinsecure sa kanya?

Madami naman akong nakikitang mas maganda pa sa kanya. May mga kaibigan akong katulad nya pero bakit ganon'? Sa dinami-rami, sa kanya pa talaga ako na insecure? Bakit nga ba?

Hindi ko din alam!

Ugh! Pinunasan ko ang mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko. Hindi ko man lang namalayan na umiiyak na pala ako.

Mapait akong natawa. Ako? umiiyak? sa pagkakaalam ko, sa dugo lang naman ako umiiyak? Pero bakit wala naman atang dugo?

Tss. itulog ko na nga lang 'to.





Nagising ako sa nangagaling na ring sa CP ko. Kinusot ko ang mga mata ko at ganon' na lamang ang pagtataka ko nang makita ang oras. 4:00am palang. Sino naman kaya ang matinong tao na tatawag sa ganitong oras?

Sinagot ko yung tawag.

"Hello?" I yawn.

Tumaas ang kilay ko nang mapansin na matagal bago ito makasagot.

"T-trina." Nawala ang antok ko nang makilala ko ang pinangagalingan ng boses. Pero ano daw Trina? "Trina ikaw ba yan? b-balita ko *Hik na nakabalik ka n-na daw a-ahh?? *Hik." Nanlaki ang mata ko at napatakip ako sa bibig ko.

Oh my god! "Nasaan ka?" Naitanong ko. Tsk! Naglasing si Noah dahil alam nya na nandito na sa pilipinas ang taong minahal nya at patuloy nyang minamahal.

"N-nasa bar ako, Trina. P-puntahan mo naman ako, oh? miss na miss na kita e-eh. *Hik." Kumirot ang puso ko. Kaya kahit nahihirapan akong magsalita, pinilit 'ko pa rin ang magtanong dito.

"S-saang bar yan?"

"Sa... D-Davi—" Hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin ng ibaba ko na ang linya. Kaylangan ko syang mapuntahan.

Dali-dali akong bumaba sa bahay at nagsuot ng jacket. damn! anong gagamitin kong sasakyan? urgh!

Dahil no choice na din ako, tinawagan ko na si kuya. Bakit ba kasi wala akong kotse? Mag-iipon na talaga ako sa susunod. Tsk!

"Sino 'to?" Sagot nya. "Ohh... baby... easy... A-aw! haha!" Mariin akong napapikit. Kung hindi ko lang narinig ang isang ungol ng babe aakalain 'kong aso 'yong nilalaro nya ngayon eh.

Jusko! Ang aga-aga!

Sinabi ko kay kuya na magpadala sya ng kotse. Sa una tanong sya nang tanong kung bakit pero sinabi ko lang naman, is "None of your business." Oh diba? Kailangan 'kong magpaka maldita ngayon. Isa pa, mukhang ayaw nya din naman nyang paistorbo sa ginagawa NILA kaya wala syang nagawa kundi ang pumayag.

Kilala kasi ako nyan. Pag di ko nasunod ang gusto ko, kukulitin ko sya nang kukulitin.

Mayamaya pa lamang, dumating na yung sasakyan na pinagpaalam ko kay kuya kanina. bumaba yung driver at binuksan ang pinto. "Kuya. ako nalang po."

"Pero Ma'am---" Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Kuya dahil sumakay na ako sa sasakyan at pagtapos ay pinaandar ko na ito.

Kailangan 'kong bilisan. Baka mamaya eh kung mapano pa ang mokong na yun. Tss.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now