Chapter 17: THE POV I

1.9K 42 1
                                    

M A U R E E N

Nakapasok na kami sa eskwelahan at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Aila.

Kung ako ang tatanungin, malamang ay alam na nya na mangyayari ito sa kanya. Ang pagkakamali nga lang ng babae, wala syang pinagsabihan.

Pero isa pa ang pinagtataka ko, bakit tinawag ni Allister si Aila ng dirty creature?

Talaga bang may kinalaman ang Sunrise sa kasong ito?

Naglalakad ako nang makita ko si Allister na para bang may sinusundan. Mabilis akong nagtago sa mga pader at palihim na sinundan ito.
Nang makita ko si Aila at Cath na mukhang may pinag-uusapan, susugod na sana ako nang makitang sasampalin sana sya ni Aila ngunit bago pa mangyari ang lahat, pinigilan na ito ni Allister.

Naunahan nya ako.

At doon ko nga narinig ang sinabi ni Allister kay Aila na isa itong dirty creature.

Ipinilig ko ang ulo ko sa mga iniisip. Kung ano man ang meron ngayon, isasantabi ko muna. Hangga't wala pa akong ideya sa mga nangyayari, hindi muna ako makekealam.

Mag-isa lang akong naglalakad sa pasilyo nang makasalubong ko si Cavin. Nagtagpo ang aming mga mata dahilan para matigilan sya. Kita ko ang paglunok nito ng maraming beses bago kumaliwa para maiwasan ako.

Mahina akong natawa, hinahanap ang angas nya na kusa nalang nawawala.

Hindi kaya... natamaan na sya sa akin? So hindi ko na pala kailangan ng paspasang effort? Wala namang nagsabi sa akin na madali lang pala 'tong plano ko. Haha!

Naalala ko ang pagkikita namin ni Tricia noong nakaraang araw. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng kahibangang ito. Noong una ay ayaw nya pa akong payagan pero nagpumilit ako.

Bestfriend ko sya eh. natural lang na gawin ko ang lahat, para lang maipag- higanti sya.

Papasok na sana ako sa Classroom nang may makita akong bagay na nasa mismong gitna ng hallway. Inusisi ko 'to at kung sinuswerte ka nga naman, cellphone pa ni Cavin ang nakuwa ko! hahaha!

Binuksan ko ang Cellphone. Buti nalang walang password. kinalkal ko ito mula sa Gallery na may mga pictures ng mga babaeng galing yata sa Men's Magazine hanggang sa Videos na puro porn ang laman.

Kamuntikan 'ko nang maisuka ang lahat ng nakain ko. Seriously? Inosente po ako!

Lalo pa akong napahalakhak nang mapansin 'ko ang endearment nila ng mga babae nya. Ma, mhie, cupcake, love, darling, bubu, pangga, cutie pie, boss, lolo at lola.

Hahahaha!

Hindi na ako makahinga sa katatawa. Lalo na nang makita ko ang isang message nya sa bakla.

"Hindi man tayo umabot ng 70, kahit makapag 69 lang tayo. ayos na." 

Hindi na sya nag reply pag tapos nun. grabe! Gusto ko ng maglupasay sa kung nasaan man ako ngayon. Fvck! hahahahaha! Epic, man.

Akala nya siguro babae ang kausap nya at nang mag send ito ng picture, hindi na sya nakapag reply sa sobrang kahihiyan.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip ko at in-screen shot ko yung conversation na 'yon at pinasa ko sa akin. Kinuha ko na din ang iba pa nyang mga litrato. Yung sya mismo.

Mukha kasi syang inosente doon.

Hindi ko pa nakikita pero natatawa na ako sa mga magiging reaksyon nya pag ibinigay ko sa kanya itong CP. Epic 'non panigurado.

Nang makarating ako sa Classroom, agad kong naabutan don ang lima. si Noah, assusual, naka subsob nanaman sa lamesa at parang walang pakialam sa paligid nya.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon