Chapter 52: Enemy Buddy

1.5K 37 1
                                    

Nang makarating ako sa park, agad kong napansin ang isang lalaking nakaupo sa bench at animo'y may inaantay. Agad akong lumapit dito at nang makita na nya ako ay mabilis syang tumayo at saka inayos ang suot.

"Anong kailangan mo sa akin?" Bungad ko.

"Magandang araw sayo, Cathalene Roa." Nginitian nya ako. "Ako si Vorsh." Dagdag nito at bahagya pa akong nginitian. Inilibot nito ang kanyang paningin sabay tumingin sa akin. "Maaari ba kitang makausap? In private place?"

Nandito kami ngayon sa isang Restaurant. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako sumasama sa isang estranghero. Ngunit bakit may pakiramdam akong mukha syang pamilyar?

"Bakit mo nga pala ako pinapunta dito? Sino ka at paano mo nalaman ang Number ko?" Sunod-sunod na tanong ko.

Itinaas nito ang kanyang dalawang kamay as a sign of surrender. "Woah! Easy lang, Cathalene. mahina ang kalaban." Natawa sya at ininom ang kape na nasa kanyang harapan. I heavily rolled my eyes. "Anyways, kakampi ako ni Noah." Kusang nanlaki ang aking mga mata nang banggitin nya ang pangalan ni Noah.

"R-really?"

"Yeah. bago sya mabaril, may bilin sya sa akin, Cathalene." Nangunot ang aking noo. Ano naman kaya iyon?

"Bilin?"

Sumeryoso ang mukha nito na para bang hindi ko pwedeng malaman kung ano iyon. But after a few moments, tumikhim nalang ito at saka lang nagpasyang magsalita.

"Cath. gumawa sya nang kasulatan na kung saan, inuutusan ka nyang lumayo muna pansamantala sa lugar na ito." Wika nya na bahagya kong ikinatahimik.

"What do you mean?" Ngunit imbis na sagutin ako, may binigay lang ito sa aking papel senyas na kailangan kong mabasa ang anumang nakalagay duon. Naginginig ko naman itong kinuha at binasa.

Napatakip ako sa bunganga ko nang mapagtanto na sulat kamay ito ng taong mahal ko.

"Hi... Mommy Minnie. alam ko na habang binabasa mo ito, wala ako ngayon sa tabi mo. But Mommy Minnie, please magtiwala ka kay Vorsh. sa oras na mapahamak ako, lumayo ka muna sa lugar na tinatapakan mo ngayon. magtiwala ka sa akin, Cath. mahal na mahal ka ni Barko." Tumulo ang aking luha. Hinanap ko ang kasunod no'n pero wala akong nakita.

"Nasaan yung kasunod? bakit putol?" Wika ko sa gitna ng paghikbi. Bumuntong-hininga ang taong kausap ko at inabot sa akin ang isang Cellphone. Nagtataka ko naman itong binalingan ng tingin hanggang sa tanguan nya lang ako.

I looked at the phone. May Video duon na niplay ko. Halos maluha ako ng todo nang makita ko si Noah sa video.

"Hi, Cath. Mommy Minnie, Hello!" Kusang tumulo ang kanyang mga luha dahilan para lalo rin akong mapaiyak. I don't know if it's the first time na makita ko syang umiiyak pero fuck! Sobrang sakit! "Sorry mommy minnie ang bakla ko!" Natawa sya at inalayo ng bahagya ang mukha sa camera. "Cath... gusto ko lang sabihin sa iyo na magtiwala ka kay Vorsh. ipupunta ka nya sa ibang bansa. hindi ko alam kung buhay pa ako pag pinanood mo 'to but please... Mommy Minnie. trust me. kailangan kitang maprotektahan." Ayun lang ang kanyang sinabi at duon na rin namatay ang Video.

Napahikbi ako. "A-ayun lang yun? bakit nya akong gustong ilayo dito, huh? bakit? S-saka... anong ibang bansa? wala akong maintindihan!" Wala akong pake kung marami na ang nakakakita sa akin. All I want is to know what's really happening behind those sh*ts!

"Ako na ang bahala sa lahat. I'll give you two days, Cath para makapag-isip. kung papayag ka ba sa plano ni Noah o hindi. nasasaiyo iyan. yung number, doon mo ako tawagan sa oras na may kailangan ka. ayun lang." Tatayo na sana sya nang bigla ko itong pigilan. "What?"

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now