Chapter 80: Final

2.1K 61 2
                                    


Nandito kami ngayon ni Noah sa Rooftop. Magkahawak ang kamay habang pinapanood ang mga kumikinang na bituin.

"Ang ganda, Daddy Mickey." Nakangiti kong lintanya.

"Oo nga eh." Ngunit nang tumingin ako dito ay sa akin pala sya akatingin. Hinampas ko 'to habang natatawa pa.  Hanggang sa namayani muli sa amin ang katahimikan.

"Alam mo, Mommy Minnie, Noong unang araw palang ng pagkikita natin, Alam ko na agad na ikaw ang babaeng p-protektahan ko." Kumunot ang noo ko.

"Paano mo nasabi?"

"Yung muntik ka ng mabangga ng kotse, Alam ko na sinadya iyon. Alam ko na sinadya iyon ni GX para magtagpo ang landas natin."

Minsan naiisip ko rin na magpasalamat kay GX. Dahil kundi dahil sa kanya ay hindi kami magtatagpong muli ng Campus Sweethearts lalong-lalo nang hindi kami magtatagpo ng Daddy Mickey ko.

"Ganoon ba? Edi Thanks kay GX." Natawa ako. Hanggang sa may dumaan ngang shooting Star. "Daddy Mickey! Wish tayo." Mabilis kong ipinikit ang aking mga mata at saka taimtim na humiling.

Nang magdilat ako ay saka ko lang napansin na nakangiting nakatingin pala sa akin si Noah. "Tapos ka na mag wish?" Tanong nito. Tumango naman ako.

"Eh ikaw?"

"Tapos na. Ano ni-wish mo?"

Ngumiti ako at muling tumingin sa langit. Mabiro nga 'to. "To find a right man that makes me believe in forever. How about you?"

Nginitian din ako ni Noah. "To find a right woman and I'll make her believe in Forever." Natigilan ako sa kanyang isinagot.

"Hahaha! Ang cheesy mo." Pilit akong tumawa.

"Ganoon talaga pag gwapo." Ay, Ang kapal ng mukha!

"Baka ganoon talaga pag babaero." Biro ko.

"Sinong nagsabi sayo? Loyal 'to No'!"

"Sus! Ganyan naman kayong mga lalaki eh. Lagi nyo kaming pinapaasa."

"Dahil lagi kayong umaasa." Napanguso ako. Edi kami na laging umaasa!

"Paanong hindi kami aasa eh kasi nagbibigay kayo ng motibo para umasa kami."

Tama naman ako, di'ba?

"Hindi kami nagbibigay. sadyang nag aasume lang kayo."

Kaunti nalang masasapak ko 'to!

"Nag aasume kami kasi alam namin na may panghahantungan yung Assume na yun." Sagot ko.

"Ang hilig nyo kasing i-compare sa mga Korean Novelas at Wattpad yung buhay nyo. Hayaan nyo kasi kaming gumalaw paminsan-minsan. Nasa amin na yun kung paano kami magiging sweet."

Aba naman!

"Sus! If I know, Ganyan kayo sa lahat ng babae. Sweet daw. tss."

"Huh! Hindi kaya." Napatingin ako dito.

"Weh?"

"Gusto mo ba patunayan ko?"

"Oo." Sagot ko.

Unti-unting lumapit sa akin si Noah at tsaka bumulong. "Pakasal na tayo?" Nanlalaki ang matang binalingan ko sya.

"S-seryos—"

Ngunit hindi pa ako tapos magsalita  nang may sumigaw at nagsira ng moment namin.

"ANG BABATA NYO PAAA!"

Hayss. Si Aling Bebang nanaman.




C H A R I E

Nandito kami ni Dux sa Plaza. HHWW kami habang naglalakad. Ang daming tao ang nag papa-picture sa amin kaya medyo hindi kami makagalaw ngayon ng maayos.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now