Chapter 34: CathLister

1.8K 42 0
                                    

Masaya akong bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Nakangiti ako ngayon dahil naalala 'ko nanaman ang nangyari sa amin ni Noah kahapon. Kung saan-saan kami nag tungo nito pero ang pinaka nagustuhan 'ko ay yung sa ferris wheel.

Flashback...

"Ang ganda naman ditoo!" Namamangha 'kong sinabi habang nakatingin sa tanawin mula sa bintana.

"Yeah. kasing ganda mo." Bigla 'kong napalo si Noah sa sinabi nito. Ramdam 'ko ang pag pula ng pisngi 'ko kaya napairap na lang ako sa kawalan. Bwisit talaga ang lalaki na 'to!!

"Hilig mong mag Joke!"

"Huh? nag jojoke ba ako? last time I check, isang beses lang ako nagsinungaling." Aniya. Iniikot ko nalang ang mata ko at muling tumingin sa tanawin.

Katahimikan ang namayani sa aming dalawa hanggang sa mayamaya pa ay napagtanto 'ko na lang na nasa harapan 'ko na si Noah. Lumuhod sya sa harap 'ko at inayos ang strand ng aking buhok na kanina pa yata nililipad ng hangin. Dahan-dahan nitong inilapit sa akin ang kanyang mukha. Hinawi nito ang buhok 'ko at duon ko nga lang napagtanto na may nilagay siya ditong isang bagay.

A butterfly clip. I looked at him with a big question mark in my face but he just smiled and kissed my forehead. "I love you, Mommy minnie." Napangiti ako. Yung tipong pati sya mararamdaman kung gaano ako kasaya.

"I love you too, Daddy Mickey!" I give him a peck of his lips.

Ito ang araw na masasabi kong... Ayoko ng makalimutan.

End of Flashback...

"CATHAAA! SUNDO MO NANDITO NA!" Mabilis akong kumilos nang marinig 'ko ang boses ni mama. Nagmamadali ako dahil sa excitement. Kilala 'ko na kasi ang sundo 'ko ngayong araw.

"Nandyan na!!" Sagot 'ko nang makababa. Mabilis 'kong hinalikan si mama sa pisngi na bahagya pa nitong pinagtaka.

"Parang iba yung mood mo ngayon, Catha! dahil ba yan sa Boyfriend mo?" Tanong niito. Ngumiti lang ako at yinakap sya. "Ang anak ko... dalaga na. basta nak, ayoko lang na makitang nasasaktan ka, ah?" Muntik na akong mapaluha sa sinabi nito.

Walang tao ang may gusto na nasasaktan. Pero sa oras na mangyari iyon, ang pamilya natin ang unang mahihirapan.

"Salamat ma."

"Walang anuman. Oo nga pala, nagiintay na duon yung Boyfriend mo. ingat ka ah?"

"Sige po!"

Nagsimula na akong maglakad patungo sa lalaking ngayon ay nakangiti sa akin. Napangiti na rin tuloy ako. "Hi Mommy Minnie." Bati sa akin ni Noah sabay suot ng Helmet nya sa'kin.

Teka, helmet?

"Hello Daddy Mickie. pero... ano to? bakit tayo naka helmet?" Nagtataka 'kong wika. Pero ang loko, bago pa ako sagutin ay pinagtawanan muna ako sabay hinawakan ako sa kamay. Mukhang kailangan 'kong magpigil ng sandamakmak na kilig dito!

"Obvious naman na mag-momotor tayo ngayon, Mommy Minnie. tara na nga. sakay ka na." Hindi na lang ako nag salita at sumakay na lang sa motor nya. Anong trip ng isang 'to at naisipan nyang gawin 'to?

Ewan 'ko pero nang makasakay na ako, bigla akong nailang kumapit kay Noah. Kaya ang ginawa ko, sa damit na lang nya ako humawak.

Nang akala 'ko ay aandar na ang motorsiklo, nagulat nalang ako nang biglang hinigit ni Noah ang aking kamay at yinakap sa kanya. Wala tuloy akong nagawa kundi ang hayaan na lang. Aish!

"Sa susunod, kumapit ka lang sa akin. para di ka masaktan." Linya nito bago paandarin ang motor.

"Dami mong alam!"

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now