Chapter 60: David's Birthday

1.7K 43 1
                                    

C A T H A L E N E

Ilang araw 'kong hinintay ang pagkakataon na mayakap ko ulit ang taong nagpapatibok ng puso ko. Ilang araw 'kong hinintay na makita ko ulit sya. At ngayon, nandito na sya sa harapan ko. Si Noah! Ang Daddy Mickey ko.

Miss na miss ko na sya. Dumating nga sa point na kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na matapang ako, heto parin ako at umiiyak ngayon habang sya ay yakap-yakap sa mga oras na 'to.

Nang makatapak ako dito sa mansion nila David, talaga namang nanginginig na ang aking mga tuhod ngunit binalewala ko lang iyon.

At nang masilayan nga ng aking mga mata si Noah, para bang gustong gusto ko na syang yakapin. Sobrang miss ko na sya. At hanggang ngayon nga ay nakayakap parin ako dito.

Ilang minuto rin ang lumipas nang sya ang unang kumalas. Nakangiti itong nagkamot sa ulo. "Hehe. Baka akalain ng iba may relasyon tayo, Cath, right?" Hindi ako nakaimik sa kanyang sinabi.

Hindi rin nakapagsalita ang iba. Mataman ko itong tinitigan at saka nginitian. "Oh. Sorry. Nadala lang kasi ako. Anyway, M-magsisimula na daw yung program." Mabilis ko itong tinalikuran sabay lumapit kay Rouge.

"T-tara na." Nag cling ako sa kanyang mga braso at iniwanan muna sila doon. Naghanap kami ng sariling table.

"Pwede naman tayo umuwi." Wika ni Rouge sa akin na mabilis kong ikinailing.

"No. Ayoko pa." Nginitian ko ito. I heard him sighed. Sumagot naman sya ng ok at hindi na nga muling umimik pa.

Minuto ang lumipas nang tawagin ng emcee ang mga naging kaibigan ni David. Kailangan daw naming mag wish para sa ikabubuti ng lagay nya. Nagtawanan ang iba including me ngunit hindi talaga nito napalitan ang lungkot at saya sa loob-loob ko.

Ang saya kasi natatanaw ko na sa malayo si Noah ngunit malungkot pa rin sapagkat hindi nya ako maalala. Ganito pala ang mararamdaman ko. Para akong mababaliw.

Pansin ko rin na nag iba na si Noah.Madalas na syang ngumiti sa mga taong lumalapit sa kanya. Malaki rin ang kanyang pinagbago. Para bang anghel na ito noon, lalo pang naging anghel ngayon.

Alam ng diyos kung gaano ako nahihirapan sa mga oras na 'to. Sa katunayan nga nyan, kulang ang salitang nahihirapan sa mga nararamdaman ko ngayon eh. Gusto ko syang yakapin nang yakapin and tell him how much I miss him! Nakakainis kasi wala akong magawa.

Pansin ko rin ang mga tao sa aming paligid na tila ba pinagbubulungan kami. "Oh my god! Cath! Sobrang laki ng ginanda mo." Nagulat ako nang may mag salita sa'king harapan. It's Marie. Kaklase ko sa Language.

"Thanks." Naiilang ko itong nginitian. Hanggang sa padami na nga nang padami ang mga lumalapit sa akin.

"Wait!" Biglang lumakas ang tibok ng aking puso nang marinig ko ang boses na iyon. Parang slow motion na umalis ang mga tao sa aking harapan at tanging si Noah nalang ang aking nakikita.

Lalo pang lumakas ang tibok nito nang mapalitan ang tugtog. Parang hindi alam ni Noah ang kanyang gagawin. Habang ako? Heto at nakatitig parin sa kanya. Napuno ng hiyawan ang mga tao sa paligid.

Ni ang Emcee ay mukhang kinikilig na rin sa amin. "W-why?" I asked. Halatang natigilan sya sa aking sinabi. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nyang tumitig sa akin ngayon.

Sh*t! Heart, mamaya ka na mag huramentado dyan! Huta naman oh!

Habang naglalakad ito papalapit sa akin, Paliit nang paliit ang mga ingay na aking naririnig.

"Kasi kanina ka pa tinatawag ng Emcee." Gusto kong iuntog ang aking ulo sa kanyang sinabi. Ayun lang pala ang sasabihin nito andami ko pang inarte. Aakyat na sana ako sa stage nang bigla nalang ako nitong hinawakan sa aking palapulsuhan "Be ready. Isasayaw kita mamaya." Isang matamis na ngiti ang kanyang ipinamalas sa'kin.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now