Chapter 14: Campus Sweethearts

2.1K 72 0
                                    

Nang makalabas kami, agarang bumungad sa amin ang isang proffesor na sa unang tingin palang ay mukha ng strikta. Ngisi ang sumilay sa labi nito nang madatnan kaming sampu. "Kayo ba ang Campus Sweethearts? Sumunod kayo sa akin." Aniya at nagsimulang maglakad.

Hindi ko mapigilan ang matawa miski ang mga kasama ko ay rinig ko ang paghalakhak. Saan ba naman kasi nila nakuha ang salitang Campus Sweethearts?

"Campus sweethearts? Ang cheap!" Natatawang wika ni kuya habang umiiling. Hindi ko alam kung hindi ba nito narinig ng proffesor na kasama namin o ipinagsawalang bahala nalang nya.

"Something strange here." Napunta ang atensyon ko kay Rhailey na nagsalita. Kinunutan ko sya ng noo.

"What do you mean?"

"I don't know pero kinikilabutan talaga ako." Bumuntong hininga sya at ipinilig ang ulo. Ewan ko pero wala naman akong nararamdamang kakaiba.

"Masyado 'ka lang atang napaparanoid." Sabi ko. Nagkibit balikat nalang sya.

Sumakay kami ng elevator. Kaya siguro ganoon na lamang ang akto kanina ni Rhailey dahil nasa St. Elizabeth building ang magiging classroom namin. May iba't ibang building kasi dito sa Melochords. Katulad na lamang ng St. Anne, St. Mary, St. Joseph, at St. Agustine.

May nasagap rin akong chismis na mayroong mga nagpaparamdam sa building na ito. Naisip ko rin na ito ang pinaka punishment sa amin. Ang ilagay sa building na kami lang ang nag c-classroom as if na mamamatay kami sa takot. Hays.

Mabilis naming narating ang 5th floor. Kapansin pansin ang kadiliman at ang red carpet na nilalakaran mismo sa hallway. May pinindot na switch ang kasama naming proffesor at doon lang nagaimulang magliwanag. "Don't worry, walang katotohanan ang mga chismis sa building na ito." Mahina syang humalakhak.

"Ka boring naman!" Rinig 'kong reklamo ni Rusty habang naglalakad.

"Myloves, hindi ka maboboring kung ako ang kauusapin mo." Nakapout na sabi ni Shara dito pero hindi naman sya pinansin ni Rusty. Agad akong nakaramdam ng awa.

Tinabihan ko si Shara. Siniko ko sya. "Huy!"

Malungkot itong humarap sa akin. "Hmm?"

"Gusto mo ng joke?"

Natawa si Shara. Napanguso ako. "Oh ano yun?"

"Ano ang gulay na hindi nakatayo?" Kita ko na nag-isip muna si Shara bago sumagot.

"Di 'ko alam. Ano ba?"

Magsasalita palang sana ako nang biglang sumingit si Noah. "Nice joke." Taas kilay akong humarap dito.

"Oh bakit? Ikaw ba alam mo?"

"Gusto mo ba sagutin ko?" Ngumisi sya. Umirap lang ako.

"Go!"

"Hmm... Upo?" Napasimangot ako.

"Edi ikaw na!" Muli akong tumalikod at humalukipkip. "Akala mo kung sino." Bulong ko.

"Oh ako naman!" Singit ni kuya. "Ano ang gulay na tuyo pala?"

Hmm? Ano nga ba?

"Kalabasa." Sagot ni Maureen.

Muling umigting ang panga ni kuya. "Tch! Akala mo kung sinong magaling." Bulong ni kuya pero rinig na rinig namin.

Kita 'ko ang pag ngisi ni Maureen. Kahit kailan talaga hindi ko sya maintindihan! "Ano ang salitang nababagay sa 'yo?" Si Maureen naman ngayon ang mag j-joke. Seriously? Si Maureen?

"Ano ba?" Sagot ni kuya.

"Ako..."

Biglaang natahimik ang buong kasamahan ko maging ako ay hindi nakapagsalita. "Ako, sya at tayo..." Dagdag nya pa.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now