Chapter 50: The Truth

1.7K 38 0
                                    

Ilang oras na rin ang lumipas at inaasikaso na nila tita Hazel ang mga kailangang gawin para maipunta nila si Noah sa States. Parang hindi ko nga kaya eh. Pero alam ko namang wala akong magagawa.

Sa gitna ng aking pagkatulala ay biglaan nalang akong inakbayan ni Kuya. "Cath, matulog ka muna?" Pinunasan nito ang aking mga luha. Umiling lang ako. Hindi ko kayang matulog. Ayoko.

"A-ayoko, Kuya."

Rinig ko ang pagbuntong nito ng hininga. "Pero wala ka pang pahinga, Cathalene. kinakailangan ka pang dalhan ni tita ng damit dito sa hospital para lang makapagpalit ka. wala ka pang kain..." Nag-aalala nitong wika ngunit wala akong nagawa kundi ang umiling lang nang umiling. Sa mga ganitong sitwasyon, sobrang hirap kumilos. Sobrang nakakapanghina.

"M-mamaya. aalis na si Noah. h-hindi na kami m-magkikita ng matagal. k-kuya. dito m-muna ako." Muli nanamang tumulo ang aking mga luha. Ramdam ko na pinapanood lang ako ng aking mga kaibigan. Alam ko naman na naaaawa na rin sila sa kalagayan ko eh. Ayoko sanang ipakita na mahina ako pero hindi ko talaga mapigilan ang umiyak lalo na sa mga nangyayari ngayon.

"Cath, Isipin mo na 'yang buhay mo, niligtas ni Master. kaya wag mo naman sayangin ang sakripisyo nya." Singit ni Klein na nakaagaw sa'king atensyon. May punto ito ngunit wala naman sya sa sitwasyon ko kaya hindi nya naiintindihan.

"Cath please..." Nilapitan ako ni Clarine. "I promise, Tatawagan ka namin pag umalis na si Noah. pero this time, mag pahinga ka na muna, oh?"

Tinignan ko sya. Bakit ba andali lang sa kanila sabihin ang pahinga? Wala iyan sa bokabularyo ko ngayon! Iniligtas nga ni Noah ang buhay ko ngunit sya naman ang naghihirap dahil sa akin!

"A-ayoko."

"Cath---"

"Please! kung concern talaga kayo sa kalagayan ko, ano ba talaga ang alam nyo at bakit umabot sa lahat ng ito!?" Umalingawngaw ang aking boses dito sa corridor. Kami nalang mga kabataan ang natira dito sapagkat ang mga matatanda ay nag-uusap-usap sa mansion nila Noah.

Nagpunta narin pala rito ang iba pang pinsan at tito ni Noah. Sobrang dami pala nyang kamag-anak. Hindi ko din maitatanggi na puro maitsura ang mga ito. Anyway, dumating na rin pala si Mr. Reynaldo Villejo dito kani-kanina lang. ang lolo ni Noah.

"What do you mean, Cath?" Si Rusty ang nagtanong.

"Alam ko na may alam kayo sa mga nangyayari. s-sabihin nyo naman sa akin ang mga nalalaman nyo, oh? kasi hirap na hirap na ako eh." Tinitigan ko ang mga ito isa-isa ngunit ni isa sa kanila ay walang makasabay sa tingin ko.

Hanggang sa may dalawang babae ang dumating. Nang mapatingin kaming lahat dito ay saka lang namin napagtanto na ito ay sina Trina at Rhea.

Umaapoy sa galit ang mga matang binalingan ako ng tingin ni Trina. Nilapitan nya ako at malakas na sinampal.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to!"

"Trina!" Agad na humarang sa amin si Clarine. "Wala kang karapatang saktan si Cath!" Tumingin si Trina sa kanya. Ngunit magsasalita palang sana ito namg may biglang sumingit sa aming pag-uusap.

"Kung dito kayo mag-aaway, mawalang galang na. galangin nyo ang ibang pasyente. bukas po ang exit para makapag-usap kayo ng maayos." Sabi sa amin ng isang guard. Sabay-sabay kaming napayuko maliban kay Trina na nag-aapoy parin ang mga mata sa galit.

"Kung pahihintulutan mo ako, Cathalene. duon tayo sa labas mag-usap." Hinatak nya na ako sa pulso. Lalabas na sana ngunit nagulat ang lahat nang biglaan kaming pigilan ni Rouge. "What—Rouge?"

"Sasama ako." Seryoso syang tumingin dito. Napangisi naman si Trina at dahan-dahang napailing. "Pati ikaw? Nalason ng babaeng 'to?" Tukoy nya sa'kin.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now