Chapter 51: Unknown

1.6K 43 5
                                    

C A T H A L E N E

Halos mapaupo ako sa mga halo-halong emosyong ngayon ay aking nararamdaman. Bakit ba ganito sa akin si Tadhana?

Sunod-sunod ang luhang dumaloy sa mga mata ko. "H-hindi! b-baka maabutan ko pa silaaa!" Pag pilit ko ngunit pinigilan lang ako ng aking mga kaibigan. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lang.

"Nakaalis na sila, Cath. kanina pa. kanina ka pa namin tinatawagan pero nakapatay ang CP mo." Paliwanag sa'kin ni Kuya.

"Kailan b-ba ako magiging m-masaya?" Kapagkuwan ay aking nasabi. Walang sumagot sa'king tanong bagkus, ay sabay-sabay lang nila akong niyakap. Maging ang mga lalaki ay nakiyakap na rin.

"Walang pinipiling oras ang pagiging masaya, Cath. dadating nalang yan ng di mo inaasahan. wag kang mag-alala, babalikan ka ni Noah." Tango lang ang naisagot ko sa sinabing iyon ni David. Ito nalang naman ang meron ako eh. Ang pag-asa.

"May Inspirasyon!" Biglang sumigaw si Rusty na ikinatawa ng lahat. Baliw talaga. Hindi ko rin tuloy naiwasang mapangiti.

Hindi naman mawawala si Noah, di'ba? Kaya nga sya nagpunta ng ibang bansa para magpagaling. Ang pinagkaiba lang ay magigising sya ng wala ako. Pero alam kong babalikan nya ako.

Babalikan nya ako...

Habang nagbibiro ang mga kasamahan ko ay nagulat nalang ako nang biglaan akong lapitan ni Rouge. "Hi miss." Nginitian ako nito.

Gumanti rin ako. "Hello, mister." Matapos kong sabihin iyon ay hinawakan nito ang aking mga pisngi na bahagya ko pang ikinabigla.

"Don't cry, Cath. mahal ka ni Master. hindi sya susuko at pag nangyari yun, Babalikan ka nya." Napatango nalang ako sa kanyang lintanya. Hanggang sa namalayan ko na lang ang aking sarili na napayakap dito.

"Salamat, Rouge."

"Umaasa ako na balang araw, hindi na Salamat ang sasabihin mo."

"Huh?"

"Wala." Tinapik nito ang aking ulo na naging dahilan kung bakit mas lalong napakunot ang aking noo. "Pag laki mo, malalaman mo rin."

"Aish! bahala ka nga!" Lalo syang natawa.

"Hoy! Kayo dyan! Sama kayo sa amin?" Singit ni Shara.

"Saan?" Sabay naman naming tanong ni Rouge.

"Sa... Simbahan sana para mapagdasal natin si Noah." Aniya. Kusang nabuhayan ang aking loob dahil sa sinabi nya.

"Sige!"



D U X

Nandito na kami ngayon sa Simbahan. Inaya kami dito ng mga babae sapagkat gusto nilang ipadasal si Allister.

Napabuntong-hininga nalang ako. Iginala ko ang aking paningin at kusa itong huminto kay Rouge. Nilapitan ko sya. "Rouge. mag-usap muna tayo." Napatingin ito sa akin at animo'y bahagya pang nagtaka. Segundo lang ang aking hinintay bago ito pumayag.

"Sure."

Nandito kami ngayon sa likod ng simbahan. Magkaharap kami ni Rouge at masasabi kong ngayon ay nagsusukatan kami ng tingin. "Bakit nga pala tayo...nandito?" Peke nya akong nginitian.

"Isang tanong isang sagot, may gusto ka ba kay Cathalene?" Tinitigan ko ito ng mabuti. Ngayon nama'y bigla syang naging balisa. I knew it.

"B-bakit mo naman tinanong ya---"

"Wag mong sagutin ng tanong ang tanong ko, Rouge."

Huminga sya ng malalim. "Fine. I like her. pero alam ko naman na may nag mamay-ari ng iba sa kanya eh. at yun ay si Master." Napayuko sya. Bigla akong nakaramdam ng awa sa'king kaibigan.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now