Chapter 48: Gun Shot

1.7K 41 0
                                    

Nandito kami ngayong Campus Sweethearts sa Music Room. Kahapon lang ay nag trending si Noah sa Social Media dahil sa sinalihan nyang karera. At dahil na rin sa nangyari no'ng math contest.

Hindi ko kinayanan ang mga nababasa ko sapagkat puro sila patansya dito. Alam ko na hangga't nakikita ko sya, malayo kong maasam ang hinahangad ko na makalimutan ang kaisa-isahang taong nagparamdam sa akin ng pagmamahal ngunit di kalaunan, nagparamdam din sa akin kung paano ang masaktan.

I sighed. Masyado ko nang kinarir ang pagiging artista!

Anyway, hindi ako makapag concentrate ngayon ng maayos sapagkat pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin ngayon sa akin. At feeling ko ay nasa gilid ko lang iyon.

Hindi naman ako makatingin sa bandang 'yon sapagkat nandoon si Noah. Ayokong mag assume pero may tinatawag tayong peripheral vision.

"Ok, Guys!" Naagaw ni Ma'am Melba ang atensyon namin nang makapasok sya. "Kayong sampu, kailangan nyong mag rehearsal para sa darating na contest. tandaan nyo, makakalaban nyo dito ang Middleton Academy, Flores University, Lemington International School at iba pa. kaya kailangan nyong pagbutihan! maliwanag?"

"Yes ma'am." Sabay-sabay naming sagot. Dumapo ang tingin ko sa taong nakatingin din ngayon sa akin. Naiilang talaga ako. Somehow, hindi ko rin maintindihan itong nararamdaman ko.

"Ok." Lumakad si ma'am papalapit sa amin. Nakalimutan kong sabihin, may kanya-kanya pala silang hawak na instrument except me. "Mr. Roa."

"Yes, Ma'am?"

"Ikaw ang Drummer!"

"Ok! Maganda 'to!!" Masayang pinalo ni kuya Cav ang drum na nasa harap nya. "Yeaaah! Rockkk!"

"Dux!" Tawag ni ma'am sa taong ngayon ay katabi ni Charie.

"Yeah?"

"Ikaw ang Keyboardist!" Tumango lang ito bilang pag payag. Pinatugtog din nito ang instrumentong inassign sa kanya. "Good. Ikaw naman, Rusty!"

"Alam ko na yan ma'am! ako lang naman ang magiging Voca---"

"Hindi!"

"What? eh ano ako?"

"Ikaw ang Guitarist. parehas kayo ni Shara."

"Dalawa kami?" Singit ni Shara.

"Yes. may problema ba tayo, Miss Reyes?"

"Wala pooo!"

"David, ikaw ang Bassist!"

"Got it, Ma'am!"

"Charie!"

"Po!?" Muntik na 'tong mapatalon sa gulat. "N-nakakatakot naman kayo Ma'am!"

"Hahaha! Anyways, Ikaw ang back-up Vocalist. maliwanag ba?"

"Y-yes!"

"Maureen!"

"Hm?" Wala talagang pakikisama ang babaeng 'to.

"Ikaw ang sa Strings. got it?"

"Uh-huh!"

"Rhailey!"

"Ma'am!"

"Ikaw ang percussionist!"

"Ok!"

"Noah and Cath!" Malakas na kumabog ang aking dibdib nang sabay tawagin ni ma'am Melba ang pangalan naming dalawa ni Noah. Bakit kami ang tinawag ni Ma'am? "Kayong dalawa ang magiging Vocalist."

Laglag Panga!

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nito. Bakit naman sa dinami-rami eh kami pa!? "P-pero---"

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon