Chapter 35: Campus War

1.7K 42 1
                                    


Nagpaalam si Noah nang matapos ang aming first subject. "Mommy Minnie, pinapatawag kami ni Lolo. Kaming Sunrise. Baka hindi ako makasabay sa lunch," Ngumiti na lang ako at dahan-dahang tumango.

"Ayos lang. nandito naman sina Charie." Hindi ko inaasahan ang pag halik nito sa aking noo.

"Take care, alright?" Sabi nya. Nito ko lang napagtanto na agaw na agaw na pala namin ang atensyon ng lahat. Nanlalaki ang mga matang pinagmamasdan kami.

"Ang cheesy mo, Alli!!" Sigaw nila Rusty. Natawa na lang kami ni Noah at nang mawala na nga sa paningin namin ang Sunrise, saka lang ako pinuno ng mga tanong nina Charie.

"Paano naging kayo?"

"Niligawan ka nya?"

"Kailan pa?"

"Bakit wala kaming alam?"

"Kailan ka pa nagtago ng Sikreto sa amin, Cath?"

"Naku! pag ikaw sinaktan nyan! reresbak talaga kami!!"

"Buti pa kayo! huhuhu~"

"Ano na? sasagutin mo ba kam---"

"Pwede ba?!" Napabuga ako sa hangin. Halos hindi na kasi ako makahinga sa mga katanungang natanggap ko. Hindi ko nga alam kung pagka concern pa ba 'yon o gusto lang talaga nilang maki chismis. "Mamaya ko na sasagutin yan. ok? nagugutom na ako!" Nauna na ako sa paglalakad.

Hindi naman ako answer machine!

Habang naglalakad ako sa pasilyo, nahagip ng aking paningin ang isang classroom. Nililinis ito na animo'y paggagamitan ng ibang section. Nagtaka ako. Katabi lang kasi sya ng classroom namin.

Mabilis akong lumapit sa head at nag tanong. "Uhmm, miss? Ano po ang meron dyaan?"

"Oh, Cath. ikaw pala. gagawin 'tong bagong Classroom." Sagot ni Ms. Delansig. Kung ganoon, tama nga ang hinala ko? Classroom ng ano kaya?

"Eh ng ano po?"

"Ng Star Section. kasi gagamitin yung Classroom nila ng ibang section eh." Saad nya na bahagya ko pang ikinagulat. Ibig sabihin, dito na rin sila sa St. Elizabeth building?

At sa pagkakaalam 'ko, nasa Star Section sila Rouge. Maging si Trina at ang mga alipores nya. Hays! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa mga nalaman ko!

"G-ganon po ba? sige po." Nagpaalam na ako sa guro. Kung kontrolado ko lang sana itong school...

Nakababa na ako sa building at hindi ko man namalayan na nasa tapat na pala ako ng quadrangle. Dumako ang paningin ko sa grupo nila Trina. Lahat sila ay nakangisi sa akin. Isang ngisi na hindi ko alam kung dapat ko bang katakutan.

Lalagpasan ko na sana ang mga ito nang bigla na lang may humigit sa braso ko. Hindi ko naiwasang mapadaing nang maramdaman ko ang mga kuko nitong lumulubog sa balat ko.

"Hey, Bitch." Bati sa akin ni Trina at nginisian ako. Habang tumatagal ang oras ay nakakahatak ang pangyayaring ito sa mga nagdadaanang mga estudyante.

"A-anong kailangan mo?" Nauutal kong wika. Ngunit imbis na siya'y sumagot, hinawi lang nito ang aking buhok na akala mo isa sa mga kontrabida sa kwento. Oo, gano'n talaga sya! Tsk.

"Alam mo, maganda ka eh. kung nasa mundo kalang ng... mga Panget!" Napuno ng tawanan ang buong ground. Andami nang nagbubulungan at nagsisimula naring mamayani ang kaba sa loob ko.

"Wala akong ginagawa sa 'yo, Trina! umalis ka sa dinadaanan ko!" I admit, wala talaga akong laban kay Trina. Physically.

Natawa sya sa'kin. "Oh? nasaan na yung Noah mo? akala ko ba... mahal ka nya? eh bakit wala sya dito para ipagtanggol ka." Sabay gala ng mata upang balingan ang mga katulad kong walang magawa. "Akala ko din ba..  madami kang fans? nasaan sila? hanggang tingin nalang ba?" Ngumuso ito. Kunwari'y naaawa. Ngunit ang totoo, ine-enjoy ang pangyayari.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now