Chapter 8: Audition prt. 1

2.2K 145 0
                                    

Siksikan, Maingay at magulo. Ayan ang nangyayari dito sa Melo Theater. Sa daming gustong mag aral sa Melochords, kahit mga anak ng nasa gobyerno ay nakikipagsiksikan dito.

Yung iba eh may dala pang mga body guards at pinapaypayan nila ang kanilang amo. Jusko! Andaming sosyal. Hays, nanliliit ako.

Sa sobrang tagal nang paghihintay, bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa tyan ko. Tumayo na ako upang magtungo sana sa banyo nang may makabangga ako.

"Ouch!" Pareho naming daing. Napangiwi ako. Ang malas ko talaga ngayong araw!

"Sorry..." Aniya sa magaan na tono. Inilahad nya ang kanyang kamay para maitayo ako. Hindi ako nagdalawang isip na kunin iyon.

"Pasensya na din. di kasi kita nakita." Paliwanag ko nalang sa nakabangga ko. Ibinaling ko ang mga tingin ko sa kanya at nakita ko nga ang mukha nito na para bang isang diwata.

Sabi ko naman sayo, Cath eh. Ang lakas mo talaga sa mga magaganda. Hays.

"Ayos lang yun." Nginitian nya ako. "Oh! mag a-audition ka dito?" Tanong nito na ikinatango ko nalang. Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko na para bang gusto nitong makipag kamayan sa akin. Di na ako nagdalawang isip at kinuha ang kanyang kamay upang makipag shake hands.

Mukha naman syang mabait.

"Rhailey Cuizon." Banggit nya sa sariling pangalan. Tinitigan ko muna ang babae bago magsalita.

"Cathalene Roa."

Matapos ang pagkakamay namin sa isa't-isa, tsaka naman dumating ang kasama ko na kanina pa nawawala. "Cath!!" Tawag sa akin ni Charie. Lumapit ito sa akin na ang laki laki ng ngiti ngunit natigilan nang mapansin nya si Rhailey. "Oh! Who is she? nawala lang ako saglit may kapalit na ako?" Ngumuso ito kaya naman nasiko ko tuloy ng bahagya.

"I'm Charie Cane Jimenez. Nice meeting you...?" Lintanya nito na animo'y nag-iintay nang isasagot. Inilahad nya ang kanyang kamay na agad namang kinuha ni Rhailey.

"Rhailey Cuizon." Nag nginitian ang dalawa at muling nag kamayan. "You're bestfriends? parehas kayong maganda." Puri nito sa amin kaya wala kaming nagawa ni Charie kundi ang mapanguso.

Maganda daw ako. hihi

"Hehehehe!" Tawa nalang namin. "Ikaw den." Balik puri ni Charie. Natawa lang sa amin si Rhailey nang biglang magsigawan ang mga tao.

"Oh em gee! Si Maureen!!"

Nagsimulang magbulungan ang mga tao. Luminga ako hanggang sa duon ko nga nakita ang isang babae na straight ang buhok, naka black dress, shades at naka stiletto.

No wonder, maganda talaga ang babaeng ito. Bakit ba puro magaganda nalang ang mga nakakasama ko?

Uhm, Lord?

Tinanggal nito ang kanyang salamin at lumapit sa amin, sa akin. Nang balingan ko nang tingin ang dalawa, nagtatanong ang mga mata nila't lalo na si Charie. "You ok?" Tanong nito matapos makalapit sa akin. Dahan-dahan akong napatango.

Muling namayani ang bulungan sa Melo Theater. "Mukhang wala kang sinasabi sa akin." Bulong pa ni Charie. Hindi ko nalang 'to pinansin at muling hinarap si Maureen.

Pinakilala ko sa kanya ang dalawa at katulad kanina, nag kamayan lang din sila. Ang cute lang kasi para kaming magbabarkada kahit yung dalawa eh ngayong araw lang namin nakilala. Si Rhailey parang komportable na din sa amin. Pero kung tutuusin, parang ako yung pinaka mababa sa kanila.

Unang tingin palang sa tatlo, mahahalata mong hindi biro ang pamilyang pinanggagalingan nila. parang isa lang akong Katulong kung ikukumpara sa tatlong ito.

Campus Sweethearts (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon