Chapter 33: Will you be my...

1.9K 62 1
                                    


C A T H A L E N E

Naglalakad ako ngayon dito sa seaside. Nagbabakasakaling makakahanap ng kausap. Hays, nakakainis! May sarili ng mundo yung mga kasama 'ko.

Pero kahit medyo inis ako ngayong araw, hindi ko pa rin mapigilan maging masaya. Bati na kasi kami ni Noah.

Pupunta na sana ako sa vacation house nang may tumawag sa akin. "Hi Cath!" Masiglang bati ni Clyde bago ako nilapitan. Nginitian ko naman sya.

"Hello Clyde!"

Sabay kaming naupo sa buhanginan. "Ang daming bituin!" Masaya nitong itinuro ang itaas dahilan para matawa ako ng bahagya. Haha! ang cute nya para syang bata. Kahit ang totoo ay mukhang kaedad lang naman namin sya.

"Oo nga eh."

Andami ngang bituin. Ang ganda ng langit. Akala 'ko tuloy nasa outer space na ako. Ang totoo nyan, isa ang outer space sa pangarap 'ko mapuntahan. Haha! Wala lang. I just find it beutiful.

"Sabi nila, ang pinaka malaking bituin, ay ang pinaninirahan ng isang pinaka magandang babae sa mundo." Biglang nag salita si Clyde habang nakatingin sa akin. "At sa tingin ko, kilala ko na ang babaeng yun." Dagdag pa nito bago nga tumayo. "Nakatira ka pala sa bituin?" Humagikgik sya.

Tumayo na rin ako. "A-ano... Clyd---"

"Agghhh!" Nag inat sya. "Inaantok na ako. Bukas nalang Cath o kaya sa susunod." Paalam nito. Ginulo nya muna ang buhok 'ko bago maglakad papalayo.

Napapabuntong hininga na lang ako. Bakit ba nakakaramdam ako ngayon ng kakaiba? Am I just hallucinating? Bahala na. Babalik na sana ako sa bahay nang magulat nalang ako nang may sumalubong sa akin.

Si Noah.

"H-huy! anong ginagawa mo dito?" I asked. Ngumiti muna ito sa'kin bago kinuha ang kamay 'ko. "S-saan tayo pupunta!?" Saad ko pa habang hatak-hatak nya.

"Basta."

Nandito kami ngayon sa rooftop ng vacation house. Dito nya ako dinala. Ngayon 'ko lang nalaman na may rooftop pala dito. Kung sana dito ako naglalagi kung una palang nalaman 'ko na. Masyado kasing malaki 'to. Hotel na ewan.

"Anong ginagawa natin dito?" Bigla 'ko na lang naitanong. Agad naman akong nailang nang balingan ako ng tingin ni Noah. "B-bakit ba parang sinasapian ka nanaman, Huh? may problema ka b---" Ngunit bago ko pa man matapos ang sasabihin ko, pinangunahan na nya ito ng isang mainit na yakap.

Isang mahigpit na yakap galing kay Noah. Wait, what?

"Cath,"

"May problema ba?"

Ramdam 'ko muna ang pag-iling nito bago mag salita.

"Bago ka pa makuha ng iba, ibabakuran na kita."

Natulala ako. Ano ang sabi nya? hiniwalay nya ako mula sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabila kong braso.

Hindi 'ko alam ang sasabihin 'ko. Masyado akong nabibigla sa mga nangyayari. Mag coconfess na ba 'to sa'kin?

"Cath. Will you be my life?"

"A-ano?!"

WILL YOU BE MY LIFE!?

"Nanloloko ka ba, Noah?" Kinakabahan kong tanong. Pinilit ko pang tumawa pero nabigo ako. Mukha talaga akong ewan ngayon sa totoo lang. Pakiramdam 'ko namumutla na ako. Pakiramdam 'ko babagsak na ako.

"Do I look like joking?" Tinuro nya pa yung sarili nya dahilan para agad akong mailing. Kung hindi sya nagbibiro, ibig sabihin...

HINDI NGA SYA NAGBIBIRO!??

Campus Sweethearts (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora