Chapter 11: First Day

2.1K 76 1
                                    

Dumating ang araw ng lunes. Naliligo na ako sa mga oras na 'to. Nga pala, pinadala na dito sa bahay yung magiging school uniform namin. miniskirt sya na hanggang ibabaw ng tuhod.

Yung pang itaas naman ay longsleeve na may necktie. Black and white ang theme. Sinukat ko iyon kanina at thank god, maputi ako kaya naman bumagay sa akin.

"Whoa! Bagay sayo, sis!!" Puri nito. Ngumiti lang ako ng bahagya at nagsimula nang pumasok sa sasakyan nila. Sabi nya, sabay na kaming papasok araw-araw. Napansin ko na bagay sa kanya ang suot nitong uniform kaya hindi ko naiwasang purihin din ito.

"Kaw den! Ang ganda mo dyan!" Mahina akong humalakhak

Nang marating namin ang Melochords, andami nang estudyante. Yung iba ay nag se-selfie pa o kaya naman nag gu-groupie. Mahahalata mo sa mga mukha nito ang pagkamangha at pagka-excite. Na kahit ako, hindi ko maitatangging nararamdaman ko iyon sa ngayon.

Pare-parehas kaming napa 'wow' sa eskwelahang papasukan namin. Sabi ng ibang teacher ay magpunta muna sa quadrangle para sa opening program nito.

Nagsimula kami ni Charie na pumila sa isang linya. Nang madako ang paningin ko sa tatlong papasok, nakita ko sila Maureen na sa amin ang tungo. Umayos kami ng pila.

"Kailangan pa bang pumunta dito? ang init eh." Reklamo ni Maureen. Sumang-ayon naman ang iba sa kanya pati narin ako. Ang init naman kasi talaga.

Parang love, sa una mainit pero di magtatagal, manlalamig ka na. Ay! Saan ko nakuwa yun?

"Syempre kailangan pa ng Opening Program." Singit naman ni Shara. Nanahimik nalang kami at tinapos na na lang ang nakakainip na programa.

Nalaman na namin ang aming mga section. Magkaklase si Maureen at Rhailey samantalang magkaklase naman sina Shara at Charie. Napanguso nalang ako nang mapagtanto na ako lang yata ang walang kasama. Napag-iwanan nila ako!

Nalaman din namin na magkakaklase yung Sunrise kasama si David at Rusty sa Star Section. Section A1 ako habang sina Charie at Shara sa Section A2 Samantalang section A3 naman sina Maureen at Rhailey. Hays, ako lang talaga ang mag-isang naiwan. Bakit ang kawawa ko naman ata? pero hayaan mo na nga.

Naupo ako sa pinaka dulong upuan hanggang sa dumami na ng dumami ang mga estudyante sa section na 'to. Nang makaabot na nga ng 40 ang bilang namin, saka lang pumasok ang isang proffesor. Mga nasa mid 50's na ito. Mukhang istrikta kaya naman nabalo't ng katahimikan ang buong Classroom.

"Ok Class! Ako si Mrs. Gervacio. ang inyong Music Teacher." Nagpakilala lang sya nang nagpakilala. Dito sa M.A, mas mahaba ang lesson at oras sa Music at Dance Subject kesa sa iba pang Subs. At syempre... ano pa ba ang ginagawa pag first day ng klase?

"Introducing yourself muna tayo, class!"

Mabilis lang ang oras kaya naman hindi ko namalayan na lunch na pala. Agad akong lumabas sa Classroom nang may kumalabit banda sa likod ko. Nakita ko doon ang isang nerd na babae. Kagat-kagat nya ang labi nya.

Nginitian ko ang bababe. Simple lang sya pero ang lakas ng dating. Kapansin-pansin ang malaki nyang salamin sa mga mata at ang mga librong buhat-buhat nito gamit ang kanyang kanang kamay. "May kailangan ka?" Tanong ko.

"Ahh... gusto ko lang sanang sumabay sayo sa lunch." She asked na ikinagulat ko. "Kasi ano... You know? gusto kasi kitang maging kaibigan! Ang ganda mo kasi. hehe." Hyper pa nyang sinabi. Laglag ang panga ko. Sigurado ba sya doon?

"Uhm-" Magsasalita palang sana ako sa pagpayag nang magulat ako sa umakbay sa akin. Kunot noo 'kong tinignan ang gumawa no'n at lalo lang akong nabigla nang makilala ko sila Maureen. Nginitian nila ng matamis ang babae.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now