Chapter 57: Sick

1.5K 33 1
                                    

D U X

Papasok na sana ako sa aming kwarto nang biglaan na lang tumunog ang cellphone ko. Napangisi ako nang malaman kung sino itong tumatawag. "Yow!"

"Dux. Listen, Kayong dalawa lang ang nakakaalam nito. Wag mong sasabihin kila David, Rusty o kahit kay Cavin pa yan, maliwanag?" Pambungad nito sa akin.

"Trust me. But wait, kilala mo na ba talaga kung sino ang master mind sa lahat ng ito?"

Isang buntong hininga ang narinig ko matapos kong tanungin iyon. "Kilalang kilala." Kusang sumilay ang isang ngiti sa aking labi. "T-teka. Kamusta sya?" At sa lahat nga ng tanong nito, dito lang ako napangiti ng todo.

"Nasa Korea. Kasama si Rouge."

"Whattt!?! Oh. I mean, m-magagalit si Noah nyan. Hehehe. Bye." Sabay baba nito sa linya. Umiling ako. Sino nga raw ulit ang magagalit? 

Hindi pa ako nagsisimulang mag lakad nang bigla kong makasalubong si Charie. Nag-iwas ito ng tingin sa akin dahilan upang kumunot ang noo ko. Nang tignan ko 'to ay kapansin-pansin ang nakababa nitong tingin habang mabagal na naglalakad.

"Hey!" Napahinto ito nang sya ay aking tawagin. Mapupula ang mukha nito ngayon at halatang nanghihina. "Ayos ka lang?" Nag-aalala akong lumapit dito at kinapa ang kanyang noo. Halos mataranta naman ako nang mahawakan ang mainit na noo ni Charie. Fvck! "Ang init mo!"

"A-alam ko."

"Tsk! Tara nga muna sa Clinic." Nagsimula na akong hawakan ang kanyang pulso ngunit binawi rin naman nito agad.

"A-ayoko doon."

"Bibili nalang kita ng Gamot."

"Ayoko den."

"Eh paano ka gagaling!?" Napasigaw na ako.

Hindi normal ang init ng katawan nya at sa unang tingin palang ay mahahalata mo nang hindi maganda ang pakiramdam nito ngayon.

"Konting pahinga lang tooo! Teka, bakit ba mas mukha ka pang problemado sa akin?" Kusa akong napa-iwas ng tingin sa kanyang tanong.

"Tsk!" Ayan nalang ang aking nasabi. "Let's go!" I carry her in a bridal style. "Hindi ka muna papasok. Pupunta tayo sa Condo ko."

"A-ano? Ibaba mo akoo!" Pilit ang kanyang sigaw habang namamaos. I text the boys na hindi muna kami makakapasok ngayong araw.

Isinakay ko na ito sa sasakyan nang wala man lang imik. Segundo lang ang aking pinalipas bago mag pasyang mag salita. "1-10?" I asked. Saglit ako nitong binalingan ng tingin bago mag salita.

"10." Kamuntikan na itong mauntog nang bigla kong naihinto ang sasakyan. "What the! Bakit mo naman hininto ng biglaan?" Sinamaan nya ako ng tingin. Mapupungay pa rin ang kanyang mga mata dahilan upang hindi na ako nag dalawang-isip at mabilis na nag maneho papunta sa'king condo unit.

Nang makarating kami, Muli 'kong binuhat si Charie upang mabilis na marating ang aking unit. Inihiga ko ito saglit sa sofa. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at saka iyon nilagyan ng yelo. Nilublob ko doon ang isang pirasong bimpo tapos ay itiniklop para malagay sa noo ni Charie. Noong bata pa ako, ganito ang ginagawa sa akin ni Yaya pag nag kakasakit.

Nang matapos 'ko na itong ilagay sa kanyang noo ay saka ko lang napansin ang mga mata nyang papikit na. Hindi ko alam kung bakit parang may kung ano sa puso ko na hindi ko masabi.

Muli 'kong binuhat si Charie at pinahiga muna sa aking kama. Kinumutan ko ito at binantayan. Hanggang sa di namalayan ay nakatulog na pala ako. Pagka gising ko ay agad akong napabangon nang mapansin kong nanginginig sa ginaw ang aking kasama. Damn!

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now