Chapter 13: Punishment

2K 76 4
                                    

Nakabihis na ako sa mga oras na 'to. Papasok na kami ni Charie at hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa utak ko ang mga nangyari kagabi. Pasalamat nga at walang nangyaring masama pero si mama talaga ang ipinagtataka ko!

Nang makauwi kami kagabi, akala ko talaga mamamatay na ako pero the fact na itanong ba naman sa akin na ang aga ko daw nakauwi, sobrang gumulo ang utak ko. Seriously? Ako? maaga pa ang 11:30 sa kanya?

Gusto ko sana syang tanungin tungkol do'n kaso 'di 'ko naman matyempuhan. Nga pala, yung punishment ay yung principal ang magbibigay sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mainis. Kung sana ba'y hindi kami nasarapan sa pag tulog duon sa secret room na 'yon eh hindi sana aabot ng ganito.

Nang makapasok kami sa Melochords, namayani ang iba't ibang bulungan. Hindi naman kailangang lakasan ang bulong, di'ba? Lalo pa iyong lumakas nang lumapit sa amin ang mga nakabusangot na mukha ng tatlo.

Pare-parehas kaming humugot ng isang malalim na hininga.

Pinag-uusapan nila ang mga nangyari kagabi. Hindi na ako magtataka kung bakit alam nila lalo na't hindi talaga maiiwasan sa tao ang pagiging chismosa.

Isa sa pinag-uusapan ang punishment na 'yan! Nakipagbugbugan daw kami kasama ang sunrise. What the hell, diba? di 'ko tuloy maiwasan ang mag mura. Kami talaga? kasama ang sunrise at nakipagbugbugan? Gusto 'kong matawa!

Sino ba ang nagkalat ng balitang iyan at nang maipabugbog?

"Guys! natatakot ako sa punishment na ibibigay sa atin." Nag pout si Rhailey.

"Ako din naman eh." Sang-ayon naming lahat. Dumako ang aking paningin kay Maureen. Wala ka man lang mababakas na takot sa mukha nito at para bang ipinaparating ng kanyang mga mata na walang dapat katakutan.

Hindi ko magaya ang nararamdaman nya ngayon dahil puro kaba at takot ang namamayani sa aking kalooban. Kung sana ba simpleng mga gawain lang 'yon pero sabi nila ay mas malala pa doon.

"Kayong Lima!" Sabay sabay ang pag lingon namin sa mga lalaking ngayon ay papalapit kung nasan man kami naroroon. Hindi ko maiwasang makagat ang aking labi nang biglaan nalang umingay pero ang tanging nakikita ko ay ang lalaking nakatingin sa akin ngayon ng seryoso.

Sa piling ba nya'y ikaw ay
May lungkot na nararamdaman

Damdamin nya bay...
Di mo maintindihan...

Nandito lang ako~
Nag-iintay sayo na mapansin ang
aking damdamin na para lang sayo——

Mabilis 'kong ipinilig ang aking ulo nang marinig ko nanamang ang kantang iyon. Oo, favorite ko yun pero bakit bigla nalang nag p-play sa utak ko sa tuwing maaabutan ko si Noah na nakatitig sa akin?

"OMG! 5 girls and 5 boys! hanap na kayo ng ishi-ship nyo!! Kyaaaaah!" Muntikan 'ko nang matakpan ang aking tainga nang makarinig kami ng sari-saring reaksyon. Ang ingay!

Puro sila sigaw dito, sigaw doon! Urgh! Pwede na bang umalis dito sa gitna ng ground? kanina pa kami dito eh!

"OMG! Bagay si Maureen at Cavin!" Sigaw ng mga tao. Nanlaki ang mata ko at saka napatingin sa gawi nila. Nakita ko si Maureen na naka ngisi habang si kuya ay umigting ang panga.

Hindi ko maintindihan... Bakit parang gusto ni Maureen ang mga nangyayari?

"MAUVIN!!" Sabay-sabay kaming napa ubo nang banggitin iyon ng mga nagsisiksikang mga estudyante na akala mo'y nakakita ng artista. Oh well, artista naman pala talaga ang mga kasama ko.

"Waaaaahhh! Feeling ko mas bagay si Shara at Rusty!!!" Tuwang-tuwa namang lumapit si Shara dahil sa narinig habang si Rusty ay parang nandidiring lumalayo dito.

Campus Sweethearts (Completed)Where stories live. Discover now